1) Ano Ang Zohar?
Ang Zohar ay koleksyon ng mga komentaryo sa Torah, nilalayong pumatnubay sa mga taong nakaabot na sa mataas na antas ng espiritwalidad sa ugat (pinagmulan) ng kanilang mga kaluluwa.
Ang Zohar ay naglalaman ng lahat ng mga kalagayang espiritwal na nararanasan ng tao sa pagsulong ng kanilang mga kaluluwa. Sa wakas ng proseso, ang mga kaluluwa ay makarating sa tinatawag sa Kabala na “katapusan ng koreksyon,” ang pinakamataas na antas ng kabuuang espiritwal.
Para sa mga walang pagtamong espiritwal, ang Zohar ay mababasa tulad ng koleksyon ng mga talinghaga at mga alamat na maipaliwanag at mahulo sa kakaibang paraan ng bawa’t indibidwal. Pero sa mga may pagtatamong espiritwal, i.e. mga Kabalista, ang Zohar ay praktikal na patnubay sa mga gawaing panloob na ginagawa ng tao para matuklasan ang mas malalim, mas mataas na mga kalagayan ng pang-unawa at pagdama.
2) Para Kanino Ang Zohar?
Gaya ng nabanggit sa sagot bilang 1, ang Zohar ay sinulat para sa mga taong nakatamo na ng pang-unawang espiritwal. Ito ay naglalaman ng mga paglalarawan ni Rabbi Shimon Bar Yochai (Rashbi), na nakarating sa lahat 125 yugto ng hagdanang espiritwal ng mga antas. Ipinaliwanag ni Rashbi ang buong landas espiritwal at pinamagatan itong Zohar (“ningning” sa Filipino).
Ang Zohar ay ginawa para lamang sa mga nakatamo ng di-kilalang antas espiritwal na makinabang sa mababasa nila nito. Bago mag-aral ng Zohar, kailangan munang mag-aral ng ibang mga teksto na magtuturo paano maunawaan nang wasto ang teksto sa Zohar.
3) Sino Ang Sumulat Ng Zohar at Kailan?
Ayon sa lahat ng mga Kabalista, at gaya ng sinulat sa simula ng aklat, ang Zohar ay sinulat ni Rabbi Shimon Bar Yochai (Rashbi), na nabuhay sa pangalawa at pangatlong siglo CE. Merong mga pananaw sa mga kapisanang iskolastiko na nagpapahayag na ang Zohar ay sinulat sa ika-11 siglo ni Kabalistang Rabbi Moshe de Leon. Ang pananaw na ito ay pinasinungalingan mismo ni Rabbi Moshe de Leon, na nagsabi na ang aklat ay sinulat ni Rashbi.
Sa Kabalistikong paglapit, ang tanong bakit ang Zohar ay sinulat ay mas importante kaysa tanong sino talaga ang sumulat nito. Ang layunin ng Zohar ay maging patnubay para sa mga tao para matamo ang pinagmulan ng kanilang mga kaluluwa.
Ang landas na ito patungo sa pinagmulan ng kaluluwa ng tao ay binubuo ng 125 yugto. Sinulat ni Rabbi Yehuda Ashlag na ang Kabalistang dumaan sa mga yugtong ito at namamahagi sa parehong pang-unawa gaya ng may-akda ng aklat, ay makakaunawa na ang may-akda nito ay wala nang iba kundi si Rashbi lamang.
4) Bakit Tinago Ang Zohar Sa Matagal Na Panahon?
Ang Zohar ay tinago sa loob ng 900 taon, sa pagitan ng ika-2 at ng ika-11 siglo CE, dahil iyong may taglay nitong kaalaman ay nakaunawa na sa panahong iyon, ang mga tao ay hindi nangangailangan nito at maaaring hindi maunawaan ang mga nilalaman nito.
Sa ika-16 siglo CE lamang lumitaw ang Kabalistang nagpaliwanag ng mga pangsimulain ng Kabala – Ang Banal na Ari, Rabbi Isaac Luria (1534-1572). Ang Ari ay nagpahayag na mula sa kanyang panahon, ang kaalaman ng Kabala ay handa nang buksan sa lahat.
Ang mga komentaryo sa mga gawain ng Ari at ng Zohar ay lumitaw lamang sa ika-20 siglo – ang siglong nakakita ng pinakamatinding pagsilakbo ng mga hangarin ng tao sa kasaysayan. Sa panahong ito, isang bukud-tanging kaluluwa ang lumitaw – iyong kay Rabbi Yehuda Ashlag (Baal HaSulam). Ipinaliwanag ni Baal HaSulam ang kaalaman ng Kabala sa paraang maintindihan ng ating henerasyon. Sa karagdagan, si Baal HaSulam lamang ang nag-iisang Kabalista sa ika-20 siglo ang sumulat ng mga komentaryo sa Zohar at sa mga gawain ng Ari.
Ito ay hindi nangangahulugan na walang ibang dakilang mga Kabalista maliban sa kanya, kundi ang kanilang mga gawain ay hindi madaling maunawaan ng kasalukuyang mga mag-aaral. Ang kasalukuyang katanyagan at mataas na pangangailangan ng Kabala ay nagpapatunay sa kahandaan ng ating henerasyon para tanggapin itong mensaheng pandaigdig, at unawain ang mga tekstong tunay na nagsasabi tungkol sa pinagsimulan ng ating buhay at paano ito abutin.
5) Saan Ako Makatagpo Ng Dagdag Pa Tungkol sa Zohar?
Ang Zohar ay hindi maintindihan at madamang tuloy-tuloy, kundi ay nangangailangan ng haka ng espiritwalidad, sa hindi pa lalapit ang isang tao sa aklat. Ang pinakadakilang Kabalista sa ating panahon – Rabbi Yehuda Ashlag (Baal HaSulam) – ay sumulat ng mga pambungad sa Zohar nang tiyakang patnubayan ang paglapit ng isang tao nitong malalim na aklat sa hindi pa mag-aral nito.
Ang ganoong mga sanaysay ay naglilinang ng mga katangiang espiritwal ng isang tao para maunawaan ang Mas Mataas na katotohanan. Sa karagdagan, ang mga tekstong ito ay nagbibigay ng kaalaman paano lapitan ang di-kilalang mga lengguwahe, mga parirala, at mga konsepto sa Zohar, para isulit nang husto ang kapakinabangan nito bilang patnubay sa pagtamong espiritwal, iwasan ang pagiging ligaw sa mga paglalarawang mangyari na sanay gawin ng pag-iisip ng tao.
Ang Bnei Baruch ay nagbibigay hindi lamang mga pambungad, kundi mga libreng aral sa kanila, pati na rin mga mas maikling mga sanaysay na naglalarawan ng mga konsepto mula sa Zohar, at paano maghanda para sa pagtatagpo nitong mga konsepto.
Ang pagtuklas ng Zohar ay nangangahulugan ng pagtuklas ng iyong panloob na mundo at ng iyong walang-hanggang potensyal. Ang Bnei Baruch ay nagnanais ng iyong tagumpay sa iyong pagsulong espiritwal!