Aking narinig sa Shevat 7, Enero 18, 1948
Ang isip ay ang kinalabasan ng hangarin. Ang tao ay mag-isip ng anumang gusto niya at hindi mag-isip sa anumang hindi niya gusto. Halimbawa, ang tao kahit kailan ay hindi mag-isip sa araw ng kamatayan niya. Sa salungat, palagi siyang mag-iisip ng kanyang kawalang-kamatayan, dahil ito ang gusto niya. Kaya ang tao ay palaging mag-isip ng anumang kanais-nais para sa kanya.
Gayon pa man, mayrong espesyal na tungkulin sa isip: pinatindi nito ang hangarin. Ang hangarin ay manatili sa kanyang lugar; wala siyang lakas para palaganapin at gawin ang kanyang gawain. Datapwa't dahil ang tao ay mag-isip at magmuni-muni ng isang bagay at ang hangarin ay magtanong sa isip na magbigay ng alin mang pakana at payo para isakatuparan ang hangarin, kaya ang hangarin ay tumubo, lumaganap at gumawa ng kanyang tunay na gawain.
Pinalabas nito na ang isip ay naglingkod sa hangarin, at ang hangarin ay ang "sarili" ng tao. Ngayon, mayrong dakilang sarili o maliit na sarili. Ang dakilang sarili ay ang mangibabaw sa mga maliliit na sarili.
Siya na isang maliit na sarili at walang pamumuno alin man, ang payo para palakihin ang sarili ay sa pamamagitan ng pamamalagi sa isip ng hangarin, dahil ang isip ay tumubo sa abot na ang tao ay mag-isip nito.
Kung kaya, "sa Kanyang batas siya ay magmuni-muni araw at gabi," dahil sa pamamagitan ng pamamalagi nito, ito ay tumubong maging dakilang sarili hanggang sa ito ay maging ang totoong namumuno.