kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Lahat ng ito ay tungkol sa kasiyahan

Lahat tayo ay gustong magsaya, tumanggap ng kasiyahan. Para sa isang tao, ang makatas na karneng hiniwa ay talagang kasiyahan, para sa iba, ito ay ang manalo sa larong dama, o ang pagkapanalo ng kanyang grupong sport. Gusto kang manalo sa lotto samantalang ang iyong kaibigan ay maging masaya kapag mabawasan ang kanyang timbang ng dagdag na limang libra na kanyang napataas kamakailan.

MAILAP NA MGA KASIYAHAN

Mayroon lamang isang problema sa "paksang kasiyahan" na ito: kung may katapatan tayong usisahin ang ating mga buhay, madiskubre natin na lahat na maiwan sa lahat ng bagay na ginawa natin hanggang sa bandang ito ay mga alaala. Tayo ay naghahabol ng mga kasiyahan na parang dumaan sa ating landas, subalit sa sandaling matamo na natin sila, umalpas sila sa ating hagilap.

Nang tayo ay nasa kindergarten, gusto nating pumunta sa eskwela. Tayo ay nag-isip na ito ay masayang lugar, saan ang mga nakakatandang mga bata ay "nagkaroon ng kanilang malaking kaligayahan" at matuto ng bago at nakakagalak na mga bagay. Pero nang tayo ay nasa eskwela na, hindi tayo makapaghintay na makaabot na sa mataas na paaralan. Sa mataas na paaralan, ang bagong kagaguhan ay ang kolehiyo, at sa kolehiyo, iyon ay ang matagumpay na karera. Ang susunod na katayuan ay palaging mas mabuti sa ating tingin at mas lalong nakakaakit. Subalit ito ba ay talagang ganoon?

At mayroon pang ibang paksa: Nang makuha na natin ay ating guston kunin, ang kasiyahan ay umalpas sa ating hagilap at nag-iwan sa atin gaya ng nauuhaw na gala sa desyerto, nananaginip ng isang basong tubig. At kahit na makainom na tayo sa tubig, tayo ay galak na galak sa unang pagsipsip, subalit sa patuloy nating pag-inom, nababawasan ant ating kagalakan, Sa bandang huli, nalilimutan pati natin na tayo ay uhaw na uhaw. Sa maikling salita, tayo ay umaksaya ng ating buong buhay sa paghahabol ng multo ng kasiyahan. At kahit na mahagilap natin ang multo, nangangailangan lang ng mahigit isang minuto para ito ay makaalpas muli.

LIMANG MGA ANTAS NG HANGARIN

Nadiskubre ng mga Kabalista na mayroong limang mga uri ng mga hangarin na nasa ating loob, na naisaayos sa pagkakasunod ng katindihan at kompleksidad, ayon sa mga antas ng kanilang pagsisibol:
  1. Ang una at pinakabatayan na hangarin, ay ang hangarin ng pagkain, kalusugan, seks, at pamilya. Ito ay mga hangaring kinakailangan para sa ating pamamalagi.
  2. Ang pangalawang antas sa pagsibol ng hangarin ay ang hangarin para sa kayamanan. Tayo ay nag-isip na ang pera ay makagarantiya ng ating pamamallagi at mabuting klase na buhay.
  3. Ang pangatlong antas sa pagsibol ng mga hangarin ay ang kagustuhan ng karangalan at lakas. Gusto nating kontrolin ang iba pati na rin ang ating mga sarili.
  4. Sa pang-apat na antas, lumitaw ang hangarin ng karunungan. Iniisip natin na ang magkaroon ng karunungan ay makapagbigay sa atin ng kaligayahan.
  5. Pero sa panlimang antas ng paglitaw ng hangarin naintindihan natin na mayroong bagay na lalong mataas pa sa ating pananaw na siyang namahala sa ating mga buhay at sa bagay na ito tayo dapat makiugnay.
Ang pangangailangan ng pagkain at seks ay inihayag na mga hangaring pangkatawan, at ito ay hangarin din ng mga hayop. Kahit ang tao ay nabuhay na mag-isa sa isang napakalayong isla, siya ay nangangailangan pa rin ng pagkain, kalusugan, at pagbigyang kasiyahan ang kanyang pangangailangang sekswal.

Mga hangarin ng kayamanan, karangalan, at lakas, ay tinatawag na mga hangaring makatao. Ang mga hangaring ito ay tumubo sa atin na kabahagi sa ating pakikihalubilo sa lipunang makatao, at binigyan natin ito ng kasiyahan sa pamamagitan ng ating pakikiugnayan sa ibang mga tao.

Ngunit, nang ang panlimang hangarin ay nagising, wala tayong kaalam-alam kung paano ito pagbigyan ng kasiyahan. Ang hangaring ito ay tinawag ng mga Kabalista, na ang layunin ay lalong mataas pa sa ating mundo, "ang tuldok ng ating puso."

ANG TULDOK NG ATING PUSO

Isinangguni ng mga Kabalista na ang kabuuan ng ating mga hangarin ay gaya ng "puso," at sa hangarin ng lalong mataas, kahariang espiritwal ay gaya ng "tuldok ng ating puso." Ang hangaring ito ay pumukaw sa mga pakiramdam ng pagkawalang-kabuluhan at bumuo ng likas na pangangailangang mananaliksik para sa layunin ng ating mga buhay. Ang taong ang tuldok ng puso ay biglang nagising ay magtanong sa kanyang sarili, "Ano ang kabuluhan ng aking buhay?" At walang sagot na nauugnay sa mundong pangkatawan ang makapagsagot sa tanong na iyon.
Ikaw ay maaring maghandog sa taong iyon ng maraming pera, karangalan, lakas, at karunungan, pero ang taong may tuldok sa puso ay manatiling bigo gayon pa man. Ang gayong hangarin ay nabuo mula sa lalong mataas na antas kaysa antas ng mundong ito; kung kaya, ang kasiyahan ng hangaring ito ay kailangang magmula sa antas na iyon, ganoon din. Ang kaalaman ng Kabala ay nagpaliwanag kung paano natin mapagbigyang-kasiyahan ang hangaring ito.
Sa mga taong kamakailan lang ay natunghayan natin ang pagkagising ng mga tuldok ng puso sa maraming tao. Ito ang dahilan sa pangkasalukuyang katanyagan ng Kabala—ang mga tao ay bumaling nito para hanapin kung paano nila mabigyang kasiyahan ang napakabagong nagising na hangarin sa kanila.

Punuin ang Walang Laman

Ang taong ang tuldok sa puso ay nagising ay naghahanap ng mga kagalakang espiritwal, na inilarawan ng mga Kabalista na buo at walang hangganang katuparan at kasiyahan. Gaya ng nasabi natin sa itaas, mabigyan natin ng kasiyahan ang mga hangarin para sa ating makamundo at pangangailangang pantao sa mga katuparang alam na natin, subalit sa panahong ang hangarin para sa espiritwalidad ay magising, hindi na natin alam paano ito patahimikin.
Bilang karagdagan sa nasabi na, maraming tao ay nabigo dahil hindi pa nila nalaman na ang hangarin sa espiritwalidad ay nagising na sa kanila. Hindi nila namalayan na ito ang dahilan ng kanilang kawalang-kasiyahan at kawalang-katiwasayan. Ang kawalang kakayahang tuparin ang hangarin sa espiritwalidad ay nagsariwa sa mga pakiramdam ng kawalang kakayahan, kawalang pag-asa, kabiguan at kawalang layunin sa buhay. Ito ang pangunahing dahilan sa palaging pagdami ng droga at abuso sa droga, bilang karagdagan sa ibang mga paraan para tumakas sa katotohanan.
Gaya ng mga bata, maraming taong nagtanong sa kanilang sarili, "Para ano ako nabuhay?" Subalit sa paglipas ng mga taon, tayo ay binaha ng mga hangarin at mga tukso na iliko tayo mula sa tanong na ito, at ang pangangailangang hanapin ang tunay na sagot ay natutuyo.
Kahit na, sa ilang punto, ang tuldok sa puso ay nagising, at kasama nito ang mga katanungan. Iyong mga taong nagpumilit na hanapin ang mga sagot ay pumunta sa Kabala, saan natagpuan nila ang katuparang espiritwal, at bigyang kasiyahan ang pangangailangan sa kanilang tuldok ng puso. Ang tuparin ang hangaring espiritwal ay nagbigay ng pakiramdam sa ibayo ng pangkatawang pag-iiral. Dahil dito, ang taong may kaugnayan sa espiritwal, makaranas ng buhay na walang hanggan at buo. Ito ay napakalakas na pakiramdam na sa panahong ang katawang pisikal ay mamataay, siya ay hindi makaranas ng pagkahiwalay sa buhay, dahil ang taong iyon ay dumamay na sa pinakamataas na katuparan na umiiral—ang tuldok sa puso.