Bawa't isang araw tayo ay dumaan ng dose-dosena kung hindi
daan-daang mga kalagayan na hindi tayo sang-ayon sa isang paraan
o iba. Maaaring magising ka na ang maybahay mo ay nakasimangot,
taong nakaaway mo nang papunta ka sa trabaho, mga problema sa
amo o ang proyekto sa buong mag-araw, ang listahan ay lubos na
walang hanggan.
Ngunit ang karamihan sa mga negatibong mga karanasang ito ay
dumaan sa atin ni wala man lang ang pandalawang isip. Ang
pinakamaliit na mga pangyayari na muntik na nating hindi bigyan
ng pansin. Kung tayo ay hindi komportable sa ating upuan o ang
pag-inom ng tubig ay dumaan sa maling daanan, tayo ay ngumiwi,
magsaayos at magpatuloy sa ating araw.
Nguni't ang bawat isa sa mga negatibong pangyayaring ito ay
nagbigay sa atin ng pagkakataon sa paghanda ng gawaing
espiritwal. Ito ay ganito dahil ang espiritwalidad ay may
kinalaman sa lahat ng ating pananaw tungo sa Lumikha. Sinabi sa
atin ang dalawang batayang katotohanan. Una, na walang iba kundi
Siya lang, ibig sabihin na walang ibang pwersa sa mundo kundi
ang Lumikha lang, at Siya ay dahilan sa bawa't isang kilos, ang
pwersang namamahala.
Pangalawa, sinabi sa atin na hindi lang na ang Lumikha ay siyang
responsable sa bawa't pangyayari na mangyari, nguni't ang bawa't
isa sa mga sitwasyongs ating maranasan sa buong araw hanggang sa
pinakamaliit na mga pangyayari ay mabuti. Sa ibang salita,
walang pakialam kung ang ating naranasan ay negatibo o
positibong karanasan, ang Lumikha ay talagang gumawa ng gawaing
pag-ibig na ang pawang laman lamang ay kabutihan. Ang ibig
sabihin nito ay ang bawa't isang kilos na mangyari sa ating
buhay ay pagkakataon sa gawaing espiritwal.
Ang ating pananaw tungo sa Lumikha ay kung saan tayo nagsimula
sa ating lakbay espiritwal. Mayroon tayong tatlong iba't ibang
pagpilian ng pananaw tungo sa Lumikha hinggil sa kahit anong
pangyayari. Ito ay ang mga sumusunod:
- Hindi man lang natin kinilala ang Lumikha hinggil sa
pangyayari. Ito ay kinilalang lubusang walang pakialam sa
espiritwalidad at tayo ay nasa panlupang anyo lamang. Ito ay
tinatawag na namuhay bilang hayop.
- Inisip nating suriin ang ating pananaw tungo sa Lumikha at
nakitang hindi talaga natin masabi na ang Lumikha ay ang dahilan
sa gawaing ito. Sa ibang salita, mayroong Lumikha ayon sa ating
kaalaman, pero baka mayroon pang ibang mga pwersa sa mundo na
siya ring dahilan sa mga bagay tulad ng gawaing kararanas lang
natin. Ito ay tinatawag na dobleng pagkatago.
- Sa kahuli-hulihan ang pangatlong pananaw na maaari nating
maranasan ay ang Oo, naintindihan natin na mayroong Lumikha na
responsable sa bawa't isang pangyayari sa mundo, pero ang iba
nito ay masama at nagbigay sa atin ng pighati. Ito ay tinatawag
na solong pagkatago.
Mangyari lang na ang ating layunin ay ang maintindihan na ang
Lumikha ang responsable sa lahat ng bagay na mangyayari at ang
lahat na bagay mangyayari ay dakila, perpekto, wala nang mas
mabuti pa. Pero minsan tayo ay magulumihanan at mag-isip na ang
ating gawain ay ang baguhin ang ating pananaw kung saan tayo
nakadama sa pamaraang ito.
Ito ay ganap na imposible. Para sa mga taong nag-isip na maaring
mabago ang kanilang sariling pagkatao ay pruweba na sila ay nasa
kahibangan. Ang Lumikha lamang ang maaring maging dahilan sa
pagbabagong ito. Subalit ang maaari nating gawin ay ang gustuhin
ito at ang gustuhin ito sa kabuuan ng ating puso. Ang huling
bahaging ito, ang gustuhin para makapaggawa ay nagbigay ng lahat
ng kapurihan sa lahat ng bagay sa Lumikha at ang unawain na ang
lahat ng ito ay mabuti ay ang pinakamahalagang baitang sa ating
gawain. Ito ay tinatawag na panalangin.
Subalit ang huling baitang na ito ay nangangailangan na tayo ay
maging bihasa sa pagsusuri sa kahit ano at bawa't pangyayari na
hindi tayo sang-ayon na mangyari sa atin kasindalas na maari
nating gunitain. Tandaan, ang ating layunin bago tayo pumasok sa
espiritwalidad ay una, ang suriin ang ating pananaw tungo sa
Lumikha. Pagkatapos nating madiskubre ang mga pangyayari na
hindi natin maaaring ipasa sa Lumikha, o hindi maaaring masabi
na ang gawain ng Lumikha ay kabutihan lamang – ang pangatwiranan
ang Kanyang mga gawain, kailangan nating subukan ang gustuhin na
pangatwiranan ang mga gawaing iyon.
Kung lalo nating gustuhin na pangatwiranan ang Lumikha, mas
mabilis na marating natin ang ating layunin. Sa pag-aaral at
pagtatrabaho sa loob ng grupo, dahil sa mga pagpupunyaging ito,
ang Lumikha ay nagbigay sa atin ng maraming mga pagkakataon na
bilisan ang prosesong ito ng espiritwal na pagbubunyag. Pero ito
ay depende na sa atin kung samantalahin ang mga kahanga-hangang
mga regalo galing sa Kanya.