kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Aklat ng Paglikha

Unang Bahagi

1. Itinatag ng Banal na lakas ang Kanyang pamamahala, kapangyarihan, kawalang-hanggan at pagkakaisa sa pamamagitan ng tatlumpo't dalawang lihim na mga daan ng bumababang Lalong Mataas na liwanag at itinago ang kanyang sarili sa tatlong mga kategoriya: ang aklat, ang mananalaysay at ang kwento.

2. Sampung Sefirot ng pagkatago ng Banal na lakas na lumantad sa dalawampu't dalawang pangunahing katangian: Tatlong pinagmulang lakas, pitong doble at labindalawang simpleng lakas.

3. Sampung Sefirot ng pagkatago tumugma sa sampung daliri: Lima laban sa lima, sila'y kumilos ng sabay-sabay, gaya ng pagsasamang namamagitan sa kanilang mga pagkilos, sa pamamagitan ng lakas-salita ng pagbubunyag at ng lakas-salita ng pagkatago.

4. Sampung Sefirot ng pagkatago: Sampu at hindi siyam, sampu at hindi labing-isa. Unawain ito sa pamamagitan ng pagkamit ng lalong mataas na kaalaman at maging matalino sa pang-uunawa. Suriin at siyasatin sila, pagsanibin at buurin sila, ibalik ang mga bahaging pinagtanggal-tanggal sa kanilang lugar sa Kabanalan.

5. Sampung Sefirot ng pagkatago. Wala silang simula at walang wakas. Ang kanilang kabutihan at kasamaan ay walang hangganan. Ang kanilang kadakilaan at kababaang-loob ay walang hangganan, pero isang Banal na lakas na namamahalang walang hanggan sa lahat ng mga katangiang ito buhat sa itaas.

6. Sampung Sefirot ng pagkatago. Ang kanilang paningin ay parang kidlat. Walang dilang maaaring maglarawan sa kanila ng lubusan, kundi sila'y kailangang pag-uusapan ng paulit-ulit. Saliksikin ang Banal na lakas sa pamamagitan nila sa paraang tunay na pagsusuri ng iyong pananalita.

7. Sampung Sefirot ng pagkatago. Sila'y nakatalukbong at kumukislap. Ang kanilang wakas ay nakabaon sa kanilang simula, at ang simula sa kanilang wakas, tulad ng ningas sa nagbabagang uling. Ang kanilang Panginoon ay isang Banal na lakas at wala ng iba. Maaari lang siyang ilarawan sa pamamagitan ng kanyang mga kilos.

8.  Sampung Sefirot ng pagkakatago. Rendahan ang iyong bibig sa pagsasalita at ang iyong puso sa pag-iisip. Kung ang iyong mga labi ay nagnanais magsalita, at kung ang iyong puso ay nanabik sa pag-isip, pumunta ka sa iyong mga pandama, dahil ang Banal na lakas ay hindi maaring matamo.

9. Sampung Sefirot ng pagkatago. Itinago nila ang Kabanalan na namamahala ng mga buhay ng mga mabababa sa pamamagitan ng lakas, liwanag, kaalaman at batas.

10. Dalawang mga lakas na nanggaling sa isa at nagbuo ng dalawampu't dalawang pangunahing mga katangian: Tatlong pinagmulang mga katangian, pitong doble at labing-dalawang mga simpleng lakas. Silang lahat ay puno ng parehong liwanag.

Ikalawang Bahagi

1. Dalawang mga lakas ang nanggaling sa isa at nagbuo ng dalawampu't dalawang pangunahing mga katangian: Tatlong pinagmulang mga katangian, pitong doble at labing-dalawang mga simpleng lakas. Ang kanilang pundasyon ay ang kawali ng halaga at ang kawali ng pananagutan, at ang dila ng kautusan ang nagpasya sa pagitan nila.

2. Dalawampu't dalawang pangunahing mga katangian: Ang Banal na batas ang nag-ukit nila, naglilok nila at pinag-iba ang ayos ng lahat na nabuo na at ng lahat na bubuuhin kasama nila sa kinabukasan.

3. Dalawampu't dalawang mga pangunahing katangian: Ang Banal na batas ang nag-ukit nila sa tinig, naglilok nila sa hininga at naglagay nila sa bibig sa limang mga lugar: ang lalamunan, ngala-ngala, dila, ngipin at mga labi.

4. Dalawampu't dalawang mga pangunahing katangian: Ang Banal na batas ang naglagay sa kanila sa bilog gaya ng 231 mga Pinto, walang pagsasaalang-alang kung saan magsimula at saan magpunta.

5. Ang pagsasama-sama ng bawa't isa ng dalawampu't dalawang mga katangian sa iba, at timbangin ang bawa't isang kumbinasyon, ay nakalikha ng 231 mga Pinto at ang bawa't Pinto ay nakatanggap ng sariling pangalan nito.

6. Ang katotohanan ay nabuo buhat sa wala at ang walang pag-iiral ay ginawang umiiral. Ang bawa't katawan ay binuo ng dalawampu't dalawang mga katangian.

Ikatlong Bahagi

1. Tatlong pinagmulang mga lakas: Ang kanilang pundasyon ay ang kawali ng pananagutan, kawali ng halaga, at ang dila ng kautusan ang nagpasya sa pagitan nila.

2. Tatlong pinagmulang mga lakas: Sila ay maingat na itinago sa anim na mga katangian. Hangin, tubig at apoy ay nanggaling sa kanila; ang mga pinagmulan ng mga henerasyon ay nagmula sa kanila.

3. Tatlong pinagmulang mga lakas na inukit, nililok, tinimbang, ibinago ang ayos at binuo ang ibang tatlong pinagmulang mga lakas: tatlo sa taon, tatlo sa kaluluwa, lalaki at babae.

4. Tatlong pinagmulang mga lakas ang umiiral sa mundo: Hangin, tubig at apoy. Ang kalangitan ay nilikha mula sa apoy, ang kalupaan ay nilikha mula sa tubig, at ang hangin ay gumala sa kanilang pagitan.

5. Tatlong pinagmulang mga lakas ng taon ay ang init, lamig at tiwasay. Ang init ay nilikha mula sa apoy. Ang lamig ay nilikha mula sa tubig at ang tiwasay ay nilkha mula sa hangin na gumala sa kanilang pagitan.

6. Tatlong pinagmulang mga lakas ng kaluluwa, lalaki at babae: ang ulo, ang tiyan at ang katawan. Ang ulo ay nilikha mula sa apoy, ang tiyan ay nilikha mula sa tubig at ang katawan ay nilikha mula sa hangin na gumala sa kanilang pagitan.

7. Ang una sa dalawampu't dalawang mga lakas ay inilagay sa hangin, at pinagsama sa Keter. Pinagdugtong niya ang isa sa iba at binuo ang hangin sa mundo, tiwasay sa taon, katawan sa kaluluwa, ang lalaki at ang babae.

Ika-apat na Bahagi

1. Pitong doble: Ang kaanyuan ng malambot at matigas, ang kaanyuan ng malakas at mahina.

2. Pitong doble: Ang kanilang pundasyon ay kaalaman, kayamanan, binhi, buhay, paghahari, kapayapaan at kagandahan.

3. Pitong doble sa transposisyon. Ang transposisyon ng kaalaman ay kamangmangan, ang transposisyon ng kayamanan ay karalitaan, ang transposisyon ng binhi ay kapanglawan, ang transposisyon ng buhay ay kamatayan, ang transposisyon ng paghahari ay pagkalupig, ang transposisyon ng kapayapaan ay digmaan, ang transposisyon ng kagandahan ay kapangitan.

4. Pitong doble: Itaas at ibaba, silangan at kanluran, hilaga at timog. Ang Sentral na Silid ng Templo ay tumpak na nasa gitna at nagtaguyod nilang lahat.

5. Pitong doble: Pito at hindi anim, pito at hindi walo. Suriin sila at siyasatin sila. Ilagay ang bawa't isa nila sa kanilang lugar, at ibalik ang Lumikha sa Kanyang lugar.

6. Pitong dobleng inukit, nililok, tinimbang, ibinago ang ayos at binuo ang pitong mga bituin ng mundo, pitong araw ng taon, at pitong mga pinto ng kaluluwa, lalaki at babae.

7. Pitong mga bituin sa kalangitann ay ang Saturno, Jupiter, Mars, ang Araw, Venus, Merkuryo at ang Buwan. Ang linggo ay may pitong araw. Ang kaluluwa, lalaki at babae, ay may pitong mga pinto: Dalawang mga mata, dalawang tainga, dalawang butas ng ilong at ang bibig.

8. Ginawa Niya ang pangalawang palatandaan sa kaalaman, at pinag-isa ito sa Keter. Pinagsama Niya ang isa sa iba pa at kasama sila nilikha Niya, ang Buwan ng mundo, ang unang araw ng taon, ang kanang mata ng kaluluwa, lalaki at babae.

9. Ginawa Niya ang pangatlong palatandaan sa kayamanan at pinag-isa ito sa Keter. Pinagsama Niya ang isa sa iba pa at kasama sila nilikha Niya, ang Mars ng mundo, ang pangalawang araw ng taon, ang kanang tainga ng kaluluwa, lalaki at babae.

10. Ginawa Niya ang pang-apat na palatandaan sa binhi, at pinag-isa ito sa Keter. Pinagsama Niya ang isa sa iba pa at kasama sila nilikha Niya, ang Araw ng mundo, ang pangatlong araw ng taon, ang kanang butas ng ilong ng kaluluwa, lalaki at babae.

11. Ginawa Niya ang panglabing-isang palatandaan sa buhay, at pinag-isa ito sa Keter. Pinagsama Niya ang isa sa iba pa at kasama sila nilikha Niya, ang Venus ng mundo, ang pang-apat na araw ng taon, ang kaliwang mata ng kaluluwa, lalaki at babae.

12. Ginawa Niya ang panglabing-walong palatandaan sa binhi, at pinag-isa ito sa Keter. Pinagsama Niya ang isa sa iba pa at kasama sila nilikha Niya, ang Merkuryo ng mundo, ang panglimang araw ng taon, ang kaliwang tainga ng kaluluwa, lalaki at babae.

13. Ginawa Niya ang pangdalawampung palatandaan sa binhi, at pinag-isa ito sa Keter. Pinagsama Niya ang isa sa iba pa at kasama sila nilikha Niya, ang Saturno ng mundo, ang pang-anim na araw ng taon, ang kaliwang butas ng ilong ng kaluluwa, lalaki at babae.

14. Ginawa Niya ang pangdalawampu't dalawang palatandaan sa binhi, at pinag-isa ito sa Keter. Pinagsama Niya ang isa sa iba pa at kasama sila nilikha Niya, ang Jupiter ng mundo, ang pangpitong araw ng taon, ang bibig ng kaluluwa, lalaki at babae.

15. Pitong doble "Bet, Gimel, Dalet, Kaf, Peh, Resh at Tav": Nakaukit kasama nila ang pitong mga mundo, mga kalangitan, mga kalupaan at karagatan, pitong mga ilog at mga disyerto, mga araw at mga linggo, pitong mga taon, pitong-taong-kapanahunan, limampung-taong-kapanahunan at ang Sentral na Silid ng Templo. Ang pito sa dahilang ito ay minamahal sa ilalim ng lahat ng mga kalangitan.

Mishna 16: Dalawang bato ay makapagtayo ng dalawang bahay, ang tatlo makapagtayo ng anim na mga bahay, ang apat makapagtayo ng 24 mga bahay, ang lima makapagtayo ng 120 mga bahay, ang anim makapagtayo ng 720 mga bahay, at ang pito makapagtayo ng 5040 mga bahay. Buhat doon lumabas ka at alamin iyong hindi mabigkas ng bibig at hindi marinig ng tainga.

Ikalimang Bahagi

1. Labindalawang pangitain: Ang kanilang pundasyon ay pananalita, pagkaligalig, galaw, pagkakatanaw, pandinig, pagkilos, kalibugan, amoy, tulog, galit, katakawan at kagaguhan.

2. Labindalawang pangitain: Ang kanilang panukat ay ang labindalawang pabalagbag na tadyang: Ang gawing itaas-silangang tadyang, ang hilagang-silangang tadyang, ang gawing ibaba-silangang tadyang, ang gawing itaas-katimugang tadyang, ang timog-silangang tadyang, ang gawing ibaba-katimugang tadyang, ang gawing itaas-kanlurang tadyang, ang timog-kanlurang tadyang, ang gawing ibaba-kanlurang tadyang, ang gawing itaas-kahilagaang tadyang, ang pahilagang-kanlurang tadyang, ang gawing ibaba-pahilagang tadyang. Sila ay lumaganap at kumalat hanggang sa Walang Hanggan. Sila ang mga dulo ng Sansinukob.

3. Labindalawang pangitain: Siya ang nag-ukit, naglilok, nagtimbang, nagbago at nagbuo kasama nila ang labindalawang konstelasyon sa Sansinukob (Aries, Taurus, Gemini, Cancer, Leo, Virgo, Libra, Scorpio, Sagittarius, Capricorn, Aquarius at Pisces), ang labindalawang buwan ng taon (Nissan, Iyar, Sivan, Tamuz, Av, Elul, Tishrei, Heshvan, Kislev, Tevet, Shevat, Adar), at ang labindalawang bahagi ng kaluluwa, lalaki at babae (dalawang kamay, dalawang paa, dalawang baga, ang apdo, ang maliit na bituka, ang atay, ang malaking bituka, ang tiyan, at ang pali.

Ika-10 Bahagi

1. Tatlo ay ang mga ina (mga lakas); tatlong ninuno nagbuhat sa kanila: Hangin, tubig at apoy. Ang kanilang anak ay ang pitong planeta at ang kanilang pulutong, at labindalawa ang pabalagbag na mga tadyang.

2. Tatlo ay ang mga ina (mga lakas): Hangin, tubig at apoy. Apoy sa itaas, tubig sa ibaba at hangin ay ang kautusang nagpasya sa pagitan nila. Ang palatandaan nito ay ang apoy ang nagtaguyod ng tubig.

3. Ang mundo ay tulad ng hari na nasa kanyang trono. Ang ikot ng taon ay tulad ng hari ng probinsya. Ang puso ng kaluluwa ay tulad ng hari sa digmaan.

4. Isa katapat sa isa pa ang ginawa ng Lumikha: Mabuti katapat ng masama, masama katapat ng mabuti, mabuti buhat sa mabuti, masama buhat sa masama. Ang mabuti ay kumilala ng masama, at ang masama ay kumilala ng mabuti. Ang mabuti ay iniligpit para sa mabuti, at ang masama ay iniligpit para sa masama.

5. Tatlo: Ang bawa't isa ay tumayong mag-isa. Ang isa ay nagtanggol, ang isa ay nagbintang at ang isa ay nagpasiya sa pagitan nila. Pito: Tatlo katapat sa tatlo, kasama ang kautusang nagpasiya sa pagitan nila. Labindalawa ang tumayo sa digmaan: Tatlo ang umibig, tatlo ang nakadama ng pagkamuhi, tatlo ang nagbigay ng buhay, at tatlo ang pumatay. Ang tatlong umibig ay ang puso at ang mga tainga; ang tatlong nakadama ng pagkamuhi ay ang atay, apdo at ang dila; ang tatlong nagbigay ng buhay ay ang mga butas ng ilong at pali; at ang tatlong pumatay ay ang mga tainga at bibig. At ang Lumikha, ang mapagtalimang Hari, ang nangibabaw sa kanilang lahat, ng walang hanggan, buhat sa Kanyang lugar. Isa sa ibabaw ng tatlo, tatlo sa ibabaw ng pito, at pito sa ibabaw ng labindalawa, at silang lahat ay nakatali, isa sa iba.

6. Inilimbag Niya ng tatlong aklat kalakip ang dalawampu't dalawang letra. Nilikha Niya ang Kanyang buong Sansinukob kasama sila. Binuo Niya ang lahat na nagawa at lahat na gagawain kasama sila sa kinabukasan.

7. Nang dumating si Abram, tiningnan niya, nakita, naunawaan, iniukit, binago at nililok, at siya nagtagumpay. At ibinunyag ng walang hanggang Lumikha ang Kanyan sarili kay Abram, at inilagay siya sa Kanyang dibdib, hinalikan siya sa kanyang ulo, at tinawag siyang Abraham. Gumawa Siya ng pangako kay Abraham sa pagitan ng sampung mga daliri ng kanyang mga paa - ang pangako ng pagtuli, at sa pagitan ng sampung daliri ng kanyang mga kamay - ang pangako ng dila. Itinali Niya ang dalawampu't dalawang letra sa dila ni Abraham at ibinunyag ang Kanyang lihim sa kanya. Hinigop Niya sila sa tubig, sinunog sa apoy, at kinalog sila sa hangin. Pinagliyab Niya sila sa pitong planeta at inayos sila sa gitna ng labindalawang konstelasyon.

Wakas ng aklat "Sefer Yetzira" (Aklat ng Paglikha)