kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Ang Tamang Paggamit ng Pagkamakasarili

Sa buong panahong itinagal ng kasaysayan, maraming mga paraan ang sinubukan ng sangkatauhan upang mapawalang-bisa ang pagkamakasarili o bawasang gawa-gawa ito para maabot ang pagkakapantay-pantay, pag-ibig, at katarungang panlipunan. Mga rebolusyon at mga pagbabagong panlipunan ay dumating at lumisan, pero lahat ay nabigo dahil ang pagkakapantay-pantay ay maaari lang maabot sa pamamagitan ng tamang pagsasama ng buong lakas ng pagtanggap sa buong lakas ng pagkaloob.

Ang karaniwang batas para sa lahat na mga organismong buhay ay ang mapagkaloob na kaugnayan sa gitna ng makasariling mga elemento. Ang dalawang elementong magkasalungat na ito—magkaloob at makasarili, pagbigay at pagtanngap—ay umiiral sa bawa't bagay, nilikha, kababalaghan, at proseso.

Sa materyal na antas, sa emosyonal na antas o sa ano mang antas, palagi mong matagpuan ang dalawang lakas, hindi lang isa. Sila ay pumuno at pumantay sa bawa't isa, at nagpatunay sa iba't ibang mga paraan: gaya ng elektrons at protons; sa negatibong karga at positibong karga ng kuryente, pagtanggi at atraksyon, asido at lihiya, at pagkasuklam at pag-ibig. Pinangalagaan ng bawa't elemento ng Kalikasan ang ugnayang resiprokal sa sistemang sumuporta nito, at ang mga ugnayang ito ay binuo ng nagkakasundong bigayan at pagtanggap.

Hangad ng Kalikasan na dalhin tayo sa kasukdulan, sa walang hanggang kaligayahan. Kaya itinanim ng Kalikasan sa atin ang hangaring magpakaligaya. Hindi kailangang kanselahin ang pagkamakasarili; kailangan lang natin ang iwasto ito, o sa mas tiyak na salita, baguhin ang paraan ng ating paggamit sa ating mga hangaring magpakaligaya, mula sa makasariling pamamaraan patungo sa mapagkaloob na pamamaraan. 

Ang tamang ebolusyon ay gumagamit ng todong lakas ng hangaring magpakaligaya sa loob natin, pero sa wastong anyo. Sa karagdagan, dahil sa ang pagkamakasarili ay ang ating Kalikasan, lubusang imposible ang salungatin ito o pigilin ito sa walang tiyak na paraan, dahil ito ay pagsalungat sa Kalikasan. Kung subukan nating gawin ito, madiskubre natin na wala tayong kakayahan na gawin ito.

Kahit na ang ating kasalukuyang estado ay hindi nagpahiwatig na ang Kalikasan ay nagnais para sa atin na magpakaligaya, dahil hindi katulad sa bawa't antas ng Kalikasan, ang ating pagkamakasarili ay hindi pa kumpleto sa kanyang pag-unlad.

Sa ganitong pamaraan ipinaliwanag ito ni Baal HaSulam sa kanyang sanaysay, The Essence of Religion and Its Purpose:
 
Mula sa lahat na mga sistema ng Kalikasan, ipinakilala sa harap natin, ating maintindihan na sa kahit anong nilikha sa apat na anyo—walang galaw, halaman, hayop, at tao, pareho gaya ng buo at ng partikular, makita natin ang puno ng layunin na patnubay, ibig sabihin mabagal at unti-unting pagtubo sa pamamagitan ng dahilan at kinalabasan. Ito ay katulad sa bunga ng punong-kahoy, inakay patungo sa nakakaiging layunin na sa wakas ay maging matamis at magandang tingnan na prutas. At puntahan at tanungin mo ang botanista, gaano karaming kalagayan ang pagdaanan ng prutas mula sa ito ay nahalata hanggang sa ito ay ganap na hinog. Hindi lang sa ang mga sinusundang mga kalagayan ay hindi nagpakita ng ebidensya sa matamis at magandang tingnang wakas, pero para lituhin tayo, ipinakita nito ang kasalungat sa pangwakas na anyo: kung mas matamis ang prutas sa kanyang pagkahinog, ito ay lalong mapait sa unang mga anyo ng kanyang pagtubo.

Ang totoo ay, ang kasukdulan ng Kalikasan ay hindi maliwanag sa kahit anong nilkha bago ito makaabot sa kanyang kahuli-hulihang anyo. Sa kaso ng mga tao, ang ating kasalukuyang anyo ay hindi pa ang kompleto at huling anyo. Ito ang dahilan bakit ang ating anyo ay parang negatibo. Gayon pa man, tulad ng prutas sa punong kahoy, walang bagay sa loob natin na dapat nating sirain, o sa simula ay hindi ito ilagay sa loob natin.

Ang makasariling wakas ay bagay na kamangha-mangha. Ito ang nagdala natin sa layong ating narating, at salamat nito, mararating din natin ang ating perpeksyon. Ang pagkamakasarili ang nagtulak sa atin pasulong at nagtulong para sa pagsulong na walang hanggan. Kung wala ito, malamang na hindi tayo sumulong bilang lipunan ng mga tao, at malamang din na wala tayong pinag-iba sa mga hayop. Sa wakas, salamat sa ating pagkamakasarili, tayo ngayon ay dumating sa sitwasyon saan tayo ay hindi na gusto mamalagi para sa panandalian, pamilyar na mga kaligayahan, kundi gusto nang magkaroon kung ano ang nasa kabila nito.

Ang lansi ay ang hanapin ang pinakamaganda at pinakamagaling na paraan sa paggamit ng ating pagkamakasarili para umunlad tungo sa mapagkaloob na ugnayan sa iba. At ang paraan na nagbigay sa atin ng pahintulot na gawin iyon ay ang kaalaman ng Kabala. Ito ang pinanggalingan sa kanyang pangalan. "Kabala" ibig sabihin "pagtanggap." Kung kaya, ang kaalaman ng Kabala ay ang kaalaman paano tumanggap sa lubos na kaligayahan, sa lubos na paraan.

Ang Kabala ay hindi nangangailangan na sugpuin natin ang ating likas na pagkamakasarili. Sa kasalungatan, kinilala nito ang pag-iral nila at nagpaliwanag paano natin maaaring magamit sa pinakamaganda at pinaka-epektibong paraan para maabot ang kasukdulan.

Sa panahon ng ating ebolusyon, tayo ay inuutusang pagsamahin ang lahat na mga inklinasyon at mga elemento sa loob natin sa magkasundong paraan at pakinabangan ang mga ito patungo sa proseso. Halimbawa, karaniwan nating iniisip na ang inggit, libog, at dangal sa negatibong paraan. Mayroong tanyag na kasabihan na nagsabi, "Ang inggit, libog at dangal ang magdala sa tao sa labas ng mundo." (Avot, 4:21)