kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Wala nang Iba Maliban sa Kanya

Ang Aklat ng Shamati, Sanaysay #1
Aking narinig sa Parashat Yitro, 1, Pebrero 6, 1941

Naisulat, "wala nang iba maliban sa Kanya." Ibig sabihin na wala ng ibang lakas sa mundo na mayrong kakayahang gumawa ng kahit anong bagay laban sa Kanya. At ano man ang makita ng tao, na mayrong mga bagay sa mundo na hindi kumilala sa Lalong Mataas na Sambahayan, ang dahilan ay ito ang kanyang kagustuhan.

At ito ay itinuring na pagwawasto, tinatawag "tumanggi ang kaliwa at pinagsasama ng kanan," ibig sabihin na iyong tinanggihan ng kaliwa ay isinaalang-alang na pagwawasto. Ito ay nangangahulugan na mayrong mga bagay sa mundo, na sa simula pa lang, ay nagbalak na ilihis ang tao mula sa wastong daan, at sa ganoon siya ay itinakwil buhat sa Kabanalan.

At ang pakinabang galing sa mga pagtatanggi ay sa pamamagitan nila ang tao ay makatanggap ng pangangailangan at buong hangarin para sa Lumikha na tulungan siya, dahil nakita niya na kung hindi, siya ay mawala. Hindi lang sa hindi siya uunlad sa kanyang gawain, kundi nakita niya na siya ay umurong, ibig sabihin, nagkulang siya ng lakas para sumunod sa Torah at Mitzvot, kahit sa Lo Lishma (hindi sa Kanyang Pangalan). Na sa pamamagitan lamang ng totoong pangingibabaw sa mga pagsubok, higit pa sa katwiran, maaari siyang sumunod ng Torah at Mitzvot. Pero hindi palaging mayron siyang lakas para manaig higit pa sa katwiran; kundi siya ay pilit na lumihis, huwag sanang itulot ng Maykapal, mula sa daan ng Lumikha, kahit buhat sa Lo Lishma.

At siya, na palaging nakadama na ang basag ay mas marami kaysa buo, ibig sabihin na mayrong mas maraming pagbaba kaysa pag-akyat, at hindi niya nakita ang katapusan sa mga kalagayang ito, at siya ay mananatili magpakaylan man sa labas ng Kabanalan, dahil nakita niya na mahirap para sa kanya ang sumunod kahit katiting man lamang, maliban lang sa pamamagitan ng pangingibabaw sa pagsubok higit pa sa katwiran. Pero wala siyang kakayahan palagi na pumaibabaw sa pagsubok. At ano ang magiging wakas?

Pagkatapos siya ay dumating sa desisyon na walang taong maaring makatulong sa kanya kundi ang Lumikha Lamang. Ito ang nagbunsod sa kanyang gumawa ng taos-pusong kahilingan na ang Lumikha ay bubukas ng kanyang mga mata at puso at totohanang dalhin siya mas malapit sa walang hanggang debosyon sa Maykapal. Sa ganoon kanyang naintindihan, na ang lahat na mga pagtatanggi na kanyang naranasan ay nanggaling sa Lumikha.

Ibig sabihin na hindi dahil sa siya ay may kasalanan, na wala siyang kakayahang pumaibabaw sa pagsubok. Bagkus, para sa mga taong totoong may gustong lumapit sa Lumikha, at kung gayon hindi sila lumagay sa kaunti, ibig sabihin manatili gaya ng mga batang walang kamuwang-muwang, sa dahilang iyon siya ay bibigyan ng tulong mula sa Itaas, kung gayon wala siyang kakayahang magsabi na salamat sa Maykapal, mayron akong Torah at Mitzvot at mga mabuting gawa, at ano pa ang aking kailangan?

At tanging kung ang tao ay mayrong tunay na hangarin saka na siya makatanggap ng tulong buhat sa Itaas. At palaging ipinakita sa kanya paano siya nagkamali sa kanyang kasalukuyang kalagayan. Gaya ng: papadalhan siya ng mga pag-iisip at mga pananaw na laban sa kanyang gawain. Ito ay para makita niya na hindi siya kapareho sa Maykapal. At gustuhin man niyang pumaibabaw sa pagsubok, palagi niyang makita paano siya pumalayo ng palayo sa kabanalan kaysa iba, na nakadama na sila ay kapareho ng Lumikha.

Pero siya, sa kabilang dako, ay palaging may reklamo at hiling, at hindi niya mapangatwiranan ang pag-uugali ng Lumikha, at paano Siya umasal sa kanya. Ito ay naging sanhi ng kanyang pighati. Bakit hindi siya kapareho ng Lumikha? Sa wakas, nawawari niya na wala siyang bahagi sa kabanalan kahit anuman.

Kahit na paminsan-minsan siya ay makatanggap ng pagkakapukaw buhat sa Itaas, na sa saglit ay bumuhay muli sa kanya, pero hindi magtagal siya ay mahulog sa lugar ng kaimbihan. Gayon pa man, ito ang maging dahilan na mamalayan niya na ang Maykapal lamang ang maaaring makatulong at tunay na magdala sa kanyang mas malapit Nito.

Ang tao ay kailangang palaging sumubok at kumapit sa Lumikha; na ang lahat ng kanyang mga pag-iisip ay maging tungkol sa Kanya. Ibig sabihin, na kahit na kung siya ay nasa pinakamasamang kalagayan, kung saan ay wala nang ibang mas mahigit na pagbaba, dapat na siya ay hindi aalis sa Kanyang lugar, gaya ng mayrong ibang awtoridad na pumigil sa kanya sa pagpasok sa kabanalan, at siyang maaaring magdala ng pakinabang o pinsala.

Kaya, siya ay hindi kailangang mag-isip na mayrong lakas ng Sitra Achra (Ibang Bahagi), na hindi nagtulot ng tao na gumawa ng mga mabuting gawain at sundin ang mga pamaraan ng Maykapal. Bagkus, lahat ay ginawa ng Lumikha.

Sabi ni Baal Shem Tov na ang taong magsabing mayrong ibang lakas sa mundo, gaya ng Klipot (balat), ang taong iyon ay nasa kalagayan ng "naglingkod ng ibang diyus-diyosan." Hindi kailangang ang pag-iisip ng heresiya ang siyang paglabag, kundi kung siya ay mag-isip na mayrong iba pang awtoridad at lakas maliban sa Lumikha, sa ganoong paraan siya nagkamit ng kasalanan.

Bilang karagdagan, ang magsabi na ang tao ay mayrong kanyang sariling awtoridad, ibig sabihin, sabi niya na kahapon siya mismo ay walang gustong sumunod sa mga pamaraan ng Maykapal, iyon din ay itinuring na nagkamit ng salang heresiya. Ibig sabihin na hindi siya naniniwala na ang Lumikha lamang ang pangulo sa mundo.

Pero kung nagkamit siya ng kasalanan, talagang kailangan niyang ikakalungkot ito at magsisisi dahil sa pagkamit nito. Pero dito din, kailangan nating ilagay ang pighati at lungkot sa wastong pagkakasunod-sunod: saan niya inilagay ang dahilan sa kasalanan, dahil iyon ang punto na dapat ikakalungkot.

Pagkatapos, siya ay dapat maging puno ng pagsisisi at sabihin: "Aking nakamit ang kasalanang iyon dahil itinapon ako ng Lumikha buhat sa kabanalan papunta sa lugar ng karumihan, sa hugasan, sa lugar ng basura." Ang ibig sabihin na ang Lumikha ay nagbigay sa kanya ng hangarin at pagnanais na aliwin ang kanyang sarili at huminga ng hangin sa lugar ng masamang amoy.

(At baka masabi mo na isinulat ito sa mga aklat, na kung minsan ang tao ay nagsakatawang-tao gaya ng baboy. Kailangang linawin natin ang kahulugan, na gaya ng sabi niya, ang tao ay makatanggap ng hangarin at pagnanais na maging masaya mula sa mga bagay na itinuring na niyang basura, pero ngayon gusto niyang makatanggap ng pagkain galing sa kanila.)

May kapareho, kung ang tao ay makadama na ngayon siya ay nasa kalagayan ng pag-akyat, at makadama ng kung anong magandang lasa sa gawain, kailangang hindi niya sabihin: "Ngayon ako ay nasa kalagayang na aking maintindihan na may halaga ang pagsamba ng Lumikha." Sa halip, kailangan niyang malaman na ngayon siya ay pinaburan ng Lumikha, kaya dinala siya ng Lumikha na mas malapit Nito, at sa dahilang ito siya ngayon ay makadama ng magandang lasa sa gawain. At kailangan siyang mag-ingat na hinding-hindi aalis sa lugar ng Kabanalan, at sabihing mayrong iba na namamahala mailban sa Lumikha.

(Pero nangangahulugan ito na ang bagay na binigyan ng pabor ng Lumikha, o ang salungat, ay hindi depende sa tao mismo, kundi sa Lumikha lamang. At ang tao, kasama ang kanyang panlabas na pag-iisip, ay di-maaaring makaunawa bakit ngayon ay pinaburan siya ng Maykapal at maya-maya hindi.)

Kapareho din, nang siya ay nagsisisi na hindi siya hinatak ng Lumikha palapit Nito, kailangan din niyang mag-ingat na ito ay hindi nagtutukoy sa kanyang sarili, ibig sabihin na siya ay malayo sa Lumikha. Ito ay dahil sa siya ay maging tagatanggap para sa kanyang sariling pakinabang, at ang tumanggap ay naging hiwalay. Sa halip, kailangan niyang pagsisihan ang pagkakatapon ng Shechina (Kabanalan), nangangahulugan na siya ay nagdulot ng kalungkutan ng Kabanalan.

Kailangang isipin na ito ay parang isang maliit na organo ng tao na sumakit. Ang sakit ay datapwa't nadama sa una pa lang sa isipan at sa puso. Ang puso at ang isipan, na siyang kabuuan ng tao. At talaga, ang pakiramdam ng isang organo ay hindi maging katulad ng pakiramdam ng buong tangkad ng tao, kung saan karamihan ng sakit ay nadama.

Kapareho din ng sakit na madama ng tao kung siya ay malayo sa Lumikha. Sa kadahilanang ang tao ay isang organo ng Banal na Shechina, dahil sa ang Banal na Shechina ay ang karaniwang kaluluwa ng Israel, kung kaya, ang pakiramdam ng isang organo ay hindi maging katulad ng pakiramdam ng sakit na pangkalahatan. Ibig sabihin na mayrong kalungkutan sa Shechina kung ang mga organo ay nahiwalay sa kanya, at hindi niya mapakain ang kanyang mga organo.

At kailangang sabihin natin na ito ang sinabi ng ating mga dalubhasa: "Kung ang tao ay magsisisi, ano ang sabi ng Shechina? 'Ito ay mas magaan pa sa aking ulo.'"). Sa pamamagitan ng hindi pag-ugnay ng kalungkutan sa pagkalayo sa sarili, ang tao ay nailigtas sa pagkahulog sa bitag ng hangaring tumanggap para sa sarili, na siyang tinuturing na pagkahiwalay sa kabanalan.

Iyon din ay mailapat nang madama ng tao ang ano mang pagkamalapit sa kabanalan, nang madama niya ang kaligayahan sa  pagkaroon ng pabor sa Lumikha. Pagkatapos, gayon din, kailangang sabihin ng tao na ang kaligayahan sa una pa lang ay dahil ngayon ay may kaligayahan sa Itaas, sa loob ng Banal na Shechina, sa kakayahang dalhin ang kanyang pribadong organo malapit sa kanya, at hindi na niya palayasin pa ang pribadong organo.

At mahango ng tao ang kaligayahan mula sa ipinagkaloob na gantimpalang bigyang-kasiyahan ang Shechina. Ito ay may unawaan sa kalkulasyong nasa itaas na kung mayrong ligaya sa bahagi, iyon ay bahagi lamang ng kaligayahan ng buo. Sa pamamagitan ng mga kalkulasyong ito mawala ang kanyang pagiging isang indibidwal at umiwas na mabitag ng Sitra Achra, na siyang ang hangaring tumanggap para sa sariling kapakanan.

Kahit na ang hangaring tumanggap ay kailangan, dahil ito ang kabuuan ng tao, dahil ang ano mang bagay na umiral sa tao maliban sa hangaring tumanggap ay hindi maging bahagi ng nilalang, kundi maipatungkol sa Lumikha, pero ang hangaring tumanggap ng kaligayahan ay kailangang itama sa pagiging upang magbigay.

Masabi na ang kasiyahan at kaligayahan na kinuha ng hangaring tumanggap ay dapat kasama ang intensyon na mayrong kasiyahan sa Itaas kung ang mga nilalang ay makadama ng kaligayahan, dahil ito ang layunin ng paglikha—para mabigyan ng kabutihan ang Kanyang mga nilalang.

Sa dahilang ito, ang tao ay kailangang maghanap ng payo gaya ng kung paano makapagbigay ng kasiyahan sa Itaas. At talaga, kung makatanggap siya ng kaligayahan, ang kasiyahan ay nadadama sa Itaas. Kung kaya, siya ay magnais na palaging nasa palasyo ng Hari, at magkaroon ng kakayahang maglaro sa mga kayamanan ng Hari. At iyon ay talagang makapagdulot ng kasiyahan sa Itaas. Masasabi na ang kanyang buong pagnanais ay kailangang para lamang sa Lumikha.