kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Ebolusyon ng mga Henerasyon

Ang lipunan sa kasalukuyan ay isang makasariling lipunan. Subali't, ito ay may sapat na mga paghahanda na maaaring makatulong nito na maging mapagkaloob na lipunan. Sa totoo lang, ang ebolusyon ng sangkatauhan sa buong panahong itinagal ng mga henerasyon ay nagawa lamang para paghandain ito na maabot ang layunin ng buhay sa kasalukuyang henerasyon.

Sa sanaysay The Peace (Ang Kapayapaan), inilarawan ni Baal HaSulam ang ebolusyon ng mga henerasyon sa ganito:

...sa ating mundo, wala gaanong bagong kaluluwa gaya ng mga bagong katawan, pero katamtaman lamang ang bilang ng kaluluwa na nagsakatawang tao sa gulong ng transpormasyon ng anyo, dahil sila ay nagbihis bawa't panahon sa bagong katawan at bagong henerasyon. Sa dahilang iyon, hinggil sa mga kaluluwa, lahat ng mga henerasyon mula sa simula ng paglikha hanggang sa katapusan ng pagsasaayos ay gaya ng isang henerasyon na pinahaba ang buhay sa kabuuan ng ilang libong taon hanggang sa ito'y umunlad at naging maayos, gaya ng nararapat.

Mula sa isang henerasyon hanggang sa susunod na henerasyon, ang mga kaluluwa ay nag-ipon ng impormasyon, na siyang nagdala sa atin sa ating kasalukuyang antas ng ebolusyon. Sa dulo na mahabang ebolusyon, ang antas ng nagsasalita, ang mga tao ay kailangang makaabot sa bagong antas, na siyang tinatawag nating "The Corrected Speaking" (Ang Naiwastong Nagsasalita).

Para maintindihan ang epekto ng ebolusyon ng mga henerasyon sa nauuna, maaari nating ikompara ang panloob na impormasyon sa loob natin sa mga yunit ng impormasyon. Ang mga yunit ng impormasyon na iyon ay nasa loob ng bawa't bagay na umiiral sa katotohanan, at nagkaroon ng angkin na impormasyon sa lahat ng bagay.

Sa totoo, tayo ay nabubuhay sa kalawakan na nagkaroon ng labis na halaga ng impormasyon tungkol sa bawa't isa sa elemento. Ito ang parang ng impormasyon na tinatawag "Nature's thought" (ang isip ng Kalikasan), at tayo ay umiiral sa loob nito. Ano mang pagbabago na mangyari sa ano mang elemento, gaya ng pagsusumikap na panatilihin ang kanyang kasalukuyang anyo, ang paglipat mula sa isang anyo patungo sa ibang anyo, mga lakas na namamahala nito, mga lakas na namamahala sa ibang elemento, mga pagbabagong panloob, mga pagbabagong panlabas, lahat ng mga ito ay mga pagbabago sa parang ng impormasyon. 

Sa bawa't henerasyon, ang mga tao ay naghanap ng pormula para sa balansadong pamumuhay at magandang buhay, ang pormula na hindi ibinigay sa kanila ng Kalikasan. Ang mga pananaliksik na ito ay nakarehistro na dagdag na mga talaan sa loob ng kanilang panloob na yunit ng impormasyon. Bilang resulta, ang mga yunit ng impormasyong ito ay unti-unting umunlad.

Lahat ng pag-uunawa at kaalaman na ating naabot sa isang henerasyon, sa pamamagitan ng ating mga pagsisikap na magkaroon na mas magandang buhay at makaabot sa pamantayan ng ating kapaligiran, ay naging dagdag na natural na inklinasyon sa susunod na henerasyon. Bilang resulta, ang bawa't henerasyon ay mas maunlad kaysa sinusundan nito.

Ito ay tanggap na katotohanan na ang mga bata ay palaging lalong may kakayahang makaabot sa pamantayan ng mga pagbabago sa mundo kaysa sa kanilang mga magulang na siyang gumawa sa mga pagbabago. Ang mga maliliit na bata, halimbawa, ay lalapit sa mga bagay gaya ng cellular phones at computers sa natural na paraan at kailangan lang nila ng konteng panahon para pangasiwaan ito ng mas mabuti kaysa kanilang mga magulang.

Kung kaya, mula sa isang henerasyon hanggang sa susunod na henerasyon, ang sangkatauhan ay nagkamit ng kaalaman at karunungan at umunlad, tulad ng isang taong nakaipon ng libu-libong taong karanasan. Sa manuskritong inilathala sa aklat, The Last Generation, (Ang Huling Henerasyon), isinulat ni Baal HaSulam ang tungkol sa prosesong padagdag na padagdag na ito:

Ang opinyon ng isang tao ay tulad ng isang salamin, kung saan lahat ng mga letrato at kapaki-pakinabang at nakakapinsalang mga gawain ay tinanggap. Pinag-aralan nito ang lahat na mga pagtatangka, pinili ang kapaki-pakinabang at binasura ang mga gawaing nakakapinsala (tinatawag na "memory brain"). Halimbawa, sinusundan ng isang negosyante (sa "memory brain") lahat ng mga paninda na siya ay nalugi, at ang mga dahilan; at sa ganoon ding paraan ang mga paninda at mga dahilan na nagkaroon ng tubo o ganansya. Ito ay inaayos sa kanyang isipan tulad ng salamin ng mga pagtatangka, kasunod nito ang pagpili sa kapaki-pakinabang at pagbasura sa nakakapinsala, hanggang sa siya ay naging mabuti at matagumpay na negosyante. Ito ay tulad ng bawa't tao sa kanyang mga karanasan sa buhay. At sa parehong paraan, ang publiko ay mayroong nakaugaliang pag-iisip at "memory brain" at nakaugaliang mga larawan, saan lahat ng gawaing ginawa tungkol sa publiko at sa kabuuan ay nakarehistro.

Ang ebolusyon ng mga yunit ng impormasyon sa loob natin ay nagdala sa atin sa nauunang antas ng kamalayan kung gaano tayo kasalungat sa lakas ng Kalikasan. Kaya, tayo ay naging  handang makinig sa mga paliwanag bakit tayo nilikha sa ganitong paraan. Sa karagdagan, tayo ay nagkaroon ng kakayahang unawain ang layunin na dapat nating abutin.

Ang panloob na bakante at ang bangin na binuksan sa karamihan sa atin tungkol sa buhay na ating alam ay hindi sinadya. Ito ay mga resulta ng paglikha ng bagong hangarin—para umangat ang sangkatauhan sa lalong mataas na antas ng pamumuhay, yaong sa "corrected speaking," "naiwastong nagsasalita." Ito ay ang bahagi ng ebolusyon na tayo ay maaaring may karamdamang sumulong tungo sa realisasyon sa layunin ng ating buhay.