kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Ang Ebolusyon ng Hangarin ng Tao Para sa Kaligayahan

Ang ebolusyon ng hangarin ng tao para sa kaligayahan ay naging dahilan na nadama ng sangkatauhan ang palagiang pangangailangan para umunlad, umimbento at dumiskubre ng mga bagong bagay. Ang lalong maraming hangarin ay nangangahulugan ng lalong maraming pangangailangan na nagbunga ng lalong matalas na intelektuwal at mga kakayahang panghulo. Ang pagtubo ng hangarin para tumanggap ay naglikha ng ebolusyon ng sangkatauhan sa mga sumusunod na paraan:

Una, ang hangarin para lumigaya na naipahayag sa mga hangaring pisikal, gaya ng hangarin para sa kabuhayan, reproduksyon at pamilya. Pero dahil sa ang tao ay sosyal na nilalang, karagdagang mga hangarin ay tumubo sa loob natin, tinawag na "mga hangarin ng tao" o "mga hangaring sosyal," gaya ng hangarin para sa kayamanan, karangalan, kapangyarihang mamuno, at katanyagan. Binago ng mga hangaring ito ang pagmumukha ng sangkatauhan, na nagpakilala ng mga sosyal na antas, mga sistemang herarkiya at mga pagbabago sa estrukturang sosyo-ekonomiko.

Pagkaraan, dumating ang hangarin para lumigaya sa kaalaman. Ang hangaring ito ay nakita sa ebolusyon ng siyensya, sistema ng edukasyon, at kultura. Ang kanyang mga bakas ay unang lumitaw sa kapanahunan ng Renaissance at nagpatuloy sa Industrial at Scientific Revolutions at hanggang sa kasalukuyan.

Ang pagtubo ng Enlightenment Movement at ng sekularismo ng lipunan ay dagdag na pagpapatunay ng hangarin para sa kaalaman. Ang hangaring ito ay nangangailangan na maintindihan ng tao ang lahat tungkol sa kanyang nakapaligid na katotohanan. Kaya nga, siya ay nagsumikap na makamit ang mas maraming impormasyon at gustong manaliksik at kontrolin ang lahat ng bagay.

Kung pagmasdan natin ang ebolusyon ng tao sa kultura, edukasyon, siyensya at teknolohiya sa liwanag ng pang-unawa na ang mga hangarin ang nagdala sa atin sa lahat ng mga prosesong ito, ating mapagpasyahan na ang tumutubong mga hangarin ay siya ring lumikha sa lahat ng ating mga ideya, imbensyon, at inobasyon. Silang lahat ay mga "tiknikal" na kasangkapan lamang, mga "utusan" na lumitaw para matupad ang mga pangangailangan na nilikha ng mga hangaring ito.

Itong proseso ng hangarin-ebolusyon ay nangyari hindi lang sa kabuuan ng sangkatauhan sa kabuuan ng historya; ito ay nangyari gayon din sa mga pribadong buhay sa bawa't isa sa atin. Ang mga hangaring ito ay lumitaw sa atin isa-isa sa lahat ng uri ng kombinasyon, at pinangasiwaan ang pagsulong ng ating buhay.

Sa katunayan, ang makinang panloob na nagtulak sa atin pasulong at nag-udyok sa mga prosesong naipamalas sa lipunan ng tao ay sa totohanan ang ating mga hangarin para lumigaya. Ang ebolusyon ng ating mga hangarin ay walang katapusan, at nagdisenyo ng ating ngayon at ng ating bukas.