Mayroon bang mas malalim na aral sa gitna ng kasalukuyang pampanalaping pagbagsak? Magagamit ba natin ang kasalukuyang krisis para pukawin ang pangmatagalang pagbabago sa ating pamamaraan sa buhay?
Para sa ilan sa atin, tayo ay nagsubaybay sa kakaibang mga pangyayari sa pampanalaping mga palitan, nakita ang kanilang epekto sa palitang nakaimbak at ugain lamang ang ating mga ulo at namangha. Ang iba sa atin ay mayrong mas malalim na pansariling taya sa bagay na ito. Marahil nakita natin ang ating transaksyong 401K na nabawasan at tayo ay nagtaka paano natin susuportahan ang ating pagreretiro. Marahil ang ating pagkalugi sa nakaimbak (stock) ay sapat na madrama na magdulot ng mga gabing walang tulog at depresyon. Marahil makikita mo ang iyong sarili na ipinagpaliban ang pagbili ng bagong bahay na palagi mong pinapanaginip o mas malala, marahil ang bahay na palagi mong pinapanaginip ay bumabalik sa bangko at ikaw ay nagtataka kung saan matutulog ang iyong pamilya sa gabing ito.
Mayroong maraming mga palagay sa mga dahilan ng pagbagsak ng pampanalaping pamilihan sa Estado Unidos at ng posibleng mga kinahinatnan sa buong mundo. Ang mga CEO at pinakamataas na mga tagapagpaganap ay mayrong kanilang bahagi sa sisi. Siyempre, hindi lang sila ang kumikita ng pera. Ang paghahabol ng mabilis na dolyar na dumaloy mula itaas pababa. Kahit sa kanilang laging - tinawag na mga biktima, ang katakawan ay laganap. Maraming mga tao ang bumili ng mga bahay dahil nakita nila na masyadong maraming pera na magagawa sa paligid nila na hindi sila gustong mapag-iwanan. Ang katakawan ay umiral sa lahat ng antas.
Gaya ng lagi nating nakita sa nakaraan at kasingbago ng "bula ng Internet," lahat ng haka-haka ay dumating sa wakas kung walang tunay na pundasyon. Kung ang pera ay kinikita sa hindi tunay na mga proporsyon na walang buong basehan... kung ano ang umakyat ay dapat bumaba. Tulad ng lahat na plano ng Ponzi, ang mga nanalo ay umalis at ang mga natalo ay naiwang hawak ang bag.
Sa kaibuturan ng lahat na ito ay ang pagkamakasarili at ang kanyang hangarin para sa kasiyahan, para sa "akin." Tayo ay namuhay sa kultura na dinadakila ang kayamanan, katanyagan at kapangyarihan sa kabila ng lahat ng ebidensya sa kabaligtaran na sila ay nagdadala ng kaligayahan. Tayong lahat ay sasang-ayon na ang kakulangan ng pera ay magdudulot ng kalungkutan, pero matuturo ba ninuman ang anumang pag-aaral na nag-uugnay ng kayamanan sa kaligayahan? Ang magagawa lang natin ay ang pagpansin ng buhay ng mga mayayaman at tanyag at makita ang paghihirap na dinadala nila sa kanilang mga sarili at sa iba.
Sinabi na magkaroon muna ng makabuluhang emosyonal na pangyayari para lumikha ng pagbabago. Ang ating kasalukuyang pampanalaping kalagayan ba ang magpaumpisa sa gayong pangyayari? Posible ba na tayo ay simulang makakita na ang katakawan ay masama? Posible ba na simulang makita na ang kaligayahan ay hindi nauugnay sa kayaman, katanyagan, at kapangyarihan? Ano kung ang sobra ay naging nakakahiya? Ano kung itaas natin ang kalibre ng mga tao na "mga magbibigay" at ibaba ang kalibre ng "mga tumatanggap?" Ano kaya ang hitsura ng mundo kung pagbiyan ng mas importansya ng bawa't isa ang pagkalinga sa isa't isa kaysa sa pag-alala ng kanilang mga sarili?
Ang konseptong ito ay pangunahing pahayag ng tunay na Kabala. Panahon na ba na ilabas ang lumang kaalamang ito mula sa pagkatago at alamin paano natin maaaring likahin ang lipunan na umiibig sa kanyang kapwa gaya ng kanyang sarili? Mayroong sapat na mga pamamaraan sa ating mundo. Mayroong sapat para sa bawa't isa. Ang gagawin lang natin ay itaas ang kalibre ng paghahatian at ibaba ang kalibre ng pagkukuha. Tunay nga, mas mabuting magbigay kaysa tumanggap. Kunin mo ang isang sandali at ipikit mo ang iyong mga mata at isipin ang lahat ng mga posibilidad at potensyal kung tayong lahat ay nakapokos sa pagtutulungan sa bawa't isa. Ano kaya ang maging hitsura ng mundong ito? Paano kaya ang pagdaramdam na maging bahagi sa kamangha-manghang kabuuan? Pagkakaisa!