kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Paano magbasa ng mga Tekstong Kabalistiko?

(Ang sagot na ito ay hango sa mga nahuhuling mga talata ng Introduction to Talmud Eser Sefirot ni Baal HaSulam)

Sa dahilang iyon kailangang magtanong tayo: bakit kung gayon, inuobliga ng mga Kabalista ang bawa't tao na mag-aral ng kaalaman ng Kabala? Walang dudang mayrong dakilang bagay na taglay nito, karapat-dapat na ipahayag sa publiko: Mayroong kahanga-hanga, napakahalagang lunas para doon sa mga umabala sa kaalaman ng Kabala. Bagama't hindi nila maintindihan ang bagay na kanilang pinag-aralan, sa pamamagitan ng pananabik at dakilang hangaring maunawaan kung ano ang kanilang pinag-aralan, pinukaw nila sa kanilang mga sarili ang mga Liwanag na nakapaligid sa kanilang mga kaluluwa.

Ito ay nangangahulugan na ang bawa't tao buhat sa Israel [mula sa salitang Hebreo: Yashar (deretso) + El (Panginoon)] ay ginarantiyahang sa wakas ay makarating sa lahat ng mga kahanga-hangang pagtatamo na tinantya ng Lumikha sa Isip ng Paglikha para masiyahan ang bawa't nilalang. Ang isang taong hindi napagkalooban sa buhay na ito ay pagkakalooban sa susunod na buhay, at iba pa. Sa wakas, ang isang tao ay pagkakaloobang nakatapos ng isip na Kanyang paunang binalak para sa kanya.

Habang ang isang tao ay hindi pa nakarating sa kaluwalhatian, ang mga Liwanag na ito na nakadestinong makaabot sa kanya ay isinaalang-alang na mga Nakapaligid na Liwanag. Ibig sabihin na sila ay nakahanda, at naghihintay para sa tao na gawing malinis ang kanyang mga sisidlang para sa pagtanggap. Sa panahong iyon ang mga Liwanag na ito ay bibihis sa mga may-kayang sisidlan.

Samakatuwid, kahit kung ang isang tao ay hindi nagkaroon ng mga sisidlan, kung ang tao ay nag-abala sa kaalamang ito, banggitin ang mga pangalan ng mga Liwanag at ng mga sisidlang naugnay sa kaluluwa ng isang tao, sila ay agad-agad na magliwanag sa atin sa tiyak na panukat. Gayon pa man, sila ay magliwanag para sa kanya na walang pagbibihis sa loob ng kanyang kaluluwa dahil sa kakulangan ng mga may-kayang sisidlang tatanggap sa kanila. Kahit na ang mga iluminasyon na matanggap ng isang tao oras-oras sa panahon ng tagpuan ay humila ng grasya sa tao buhat sa itaas, nagbahagi sa tao ng kasaganaan ng kabanalan at kadalisayan na magdala ng tao na mas malapit sa pag-abot ng kaganapan.