Pinaghiwa-hiwalay natin ang ating mundo sa maliliit na mga peraso sa pamamagitan ng hangganan ng politika, relihiyon, at ekonomiya. Lalong maraming mga hangganan na ating ginagawa, lalong pinaghiwa-hiwalay natin ang ating mga sarili mula sa isa't isa. Umabot na tayo sa punto kung saan ang Kalikasan ay nagsasabi “Tama na!”
Kalayaan. Sa tagal ng panahon ng kasaysayan ating nakikita na bansa kasunod sa bansa at kultura kasunod sa kultura na sumali sa labanan kasunod sa labanan at digmaan kasunod sa digmaan lahat sa paghahanap ng Kalayaan. Walang parang kasing-repugnante sa mismong kalikasan ng sangkatauhan na maapi sa kapangyarihang nasa labas ng kanilang pamamahala na sa anumang paraan ay naglimita sa kalayaang indibidwal. Saan ang karamdaman ng pangangailangan ng kalayaan nagsimula? Paano tayo maging malaya o malaman kung tayo ay talaga bang malaya?
Ang konsepto ng kalayaan ay nagpapahiwatig na tayo ay nangangailangan na maging malaya sa isang bagay. Kailangan mayroong “tayo” at “sila;” mga mabuting tao at mga masamang tao. Kung kaya ano ang ating gagawin? Tayo ay nagsimulang gumuhit ng mga linya at nagbuo ng mga hangganan. Siguro ang mga ito ay nagsimula bilang mga teritoryo, ang pagbuo ng linyang nasa imahinasyon lamang sa mundo at lahat ng bahay na nasa loob ng linyang ito ay akin o bahagi ng aking grupo at lahat ng bagay na nasa labas ng mga linya ay hindi bahagi ko o sa aking grupo. Lumipas ang mga taon at sa wakas mayroon tayong mga siyudad, mga estado at mga bansa, lahat kasama ang kanilang malinis na mga hangganang nasa imahinasyon lamang.
Ang mga relihiyon ay nagbago at sila rin ay naging talagang bihasa at nagbuo ng mga hangganan. Mga hangganang nakabase sa mga paniniwala. Kung ikaw ay naniniwala sa ganoon at ganoong bagay at kumilos sa ganoon at ganoong pamamaraan sa gayon ikaw ay mahuhulog sa loob ng hangganan ng iyong relihiyon. Napakaraming magkaibang mga relihiyon, na lahat ay gumawa ng kanilang sariling lugar at walang naging partikular na mapagtiis sa iba.
Mayroon isang partikular na hangganang nasa imahinasyon lamang na tanggap sa karamihan sa atin at bihirang kinilala na nasa imahinasyon lamang. “Lahat ng bagay na nasa loob ng hangganan ng aking balat ay ako at lahat ng bagay na nasa labas ng aking balat ay hindi ako.” Ito ay konseptong malawakang tanggap. Ikaw ay mahihirapang maghanap ng tao sa kalye na hindi sasang-ayon. Ito ay halatang-halata. Hindi ba?
Marami sa mga tradisyong mistiko ang magsabi na ito ay hindi masyadong halata, pero ipagpaliban muna natin sila at bumaling sa makabagong pisika at Quantum Theory. Maaga sa siglo-20, ang mga siyentipiko ay naging abala sa propesyon na madiskubre sa huli ang pangunahing nagtatayong bloke sa Sansinukob. Ang pinakamaliit na katiting sa loob ng atomo mismo, kung saan lahat ng bagay ay binuo. Sila ay nakadama ng katiyakan na pagkatapos ng mga taon ng pagsulong, sila ay mayrong instrumentong kanilang kailangan, ang mikrosokopyo ng lahat na mga mikroskopyo, para tingnan itong walang katapusang maliit na katiting.
Ang kanilang talagang nadiskubre ay medyo isang sorpresa at gaya ng sabi ng isang siyentipiko, “ito ay parang ikaw ay gumising isang umaga at sa halip ng kamay, ikaw ay mayrong sipit ng banagan!” Nadiskubre nila na ang pangunahing nagtatayong bloke ay hindi umiiral. Walang ganoong bagay na gaya ng pinakamaliit na posibleng yunit ng bagay kung saan lahat ng ibang bagay ay binuo. Ang pag-iiral ay alon ng walang hangganang mga posibilidad lahat ay nakapilipit at nagkaugnay-ugnay. Ang pag-iiral ay walang hangganan, akma at buo. Walang mga dulo. Ang mga atomo at mga titing na iyong tinuring na buo gaya ng iyong katawan ay walang solidaridad sa anumang bagay at sila ay malayang nakihalo sa lahat ng mga atomo at mga titing sa labas ng iyong tinatawag na iyong katawan. Mayroong siyentipikong nosyon na tinawag na epekto ng paru-paro na nagsasabi na kung ang paru-paro ay bumahing sa planetang Mars, ito ay nakakaapekto sa atin sa planetang ito.
Kung lahat ng ito ay totoo, bakit hindi natin ito nadama? Ang totoong Kabala ay nagsasabi sa atin na tayo ay nakadama nito – hindi lang natin nakilala ang koneksyon. Lahat ng mga paghihirap sa mundo sa kasalukuyan – ang pampanalaping krisis, lahat ng uri ng karahasan, depresyon at paggamit ng droga – ay resulta ng ating pakikipaglaban laban sa interkoneksyon ng sangkatauhan. Dahil hindi natin maintindihan ang mga batas ng interkoneksyon, hindi natin maintindihan ang mga resulta ng paglalabag nito. Kung tayo ay tumalon sa bentana, umasa tayong ang higop ay hihila sa atin sa lupa. Tanggap natin ang kinahinatnan bilang hindi maiiwasan. Kailangan nating maabot ang parehong antas ng pag-uunawa tungkol sa mga batas ng mga sistemang interkonekted para maaari nating mainterpret sa tiyakan ang mga resulta ng paglalabag nila.
Sa libu-libong taon, ang Kabala ay nagsabi sa atin na ang pag-iiral ay Pagkakaisa at tayong lahat ay konektado gaya ng mga bahagi sa buo o gaya ng mga organo sa katawan. Ang interkoneksyong ito ay ang pangunahing batas ng Kalikasan. Ang pag-aaral ng Kabala ay isang siyentipiko, may sistemang pamamaraan na nagturo sa atin kung paano magdibelop ng mga panghulo para mahulo ang mga batas ng sistema interkonektado. Kapag maintindihan natin ang mga batas na ito, sa gayon ating mapag-aralan paano magtrabaho kasama sila para sa kapakanan ng lahat. Hindi na tayo gagawa ng kabubuhang kapareho ng pagtalon mula sa ika-10 palapag ng gusali at umasang hindi mahulog. Mapapahinto natin ang masakit na mga resulta ng ating mga pagkilos. Sa gayon maaari nating matagpuan kung saan ang kalayaan ay totoong naroroon.