Ano ang Kabala?
Ang kaalaman ng Kabala ay siyentipikong sangkap para sa
pag-aaral ng mundong espiritwal. Para saliksikin ang ating mundo,
gamit natin ang mga siyensyang natural tulad ng pisika, kemika,
at biologiya. Nguni't pinag-aralan ng mga siyensyang natural ang
ating mundong pisikal lamang na nahuhulo natin sa limang sentido.
Para maunawaan nating mabuti ang mundong kinagagalawan natin,
kailangan natin ang sangkap pananaliksik na makapagsaliksik sa
nakatagong larangan, 'yong hindi nahuhulo ng ating mga sentido.
Ang sangkap na ito ay ang kaalaman ng Kabala.
Batay sa kaalaman ng Kabala, ang katotohanan ay binubuo ng
dalawang puwersa o katangian: ang nais tumanggap at ang nais
magkaloob, magbigay. Dahil sa ang nais magkaloob ay nais ding
magbigay, gumawa ito ng nais tumanggap kaya mas nakilala siya sa
tawag na "Manlilikha". Dahil doon, ang kabuuan ng nilikha kasama
na tayo ay mga patunay sa nais tumanggap.
Gamit ang Kabala, magagawa natin kasama sa mga pangunahing
pwersa ng katotohanan-pagtanggap at pagkaloob-sa ating
pakinabang. Hindi lang sa ito'y nagturo sa atin sa desinyo ng
paglikha, kundi paano maging taga-desinyo,
kasing-makapapangyarihan at kasing-marunong ng lahat ng bagay
tulad ng orihinal na taga-desinyo ng katotohanan.
Sino ang makapag-aral ng Kabala?
Nang si Rav Kook-dakilang Kabalista sa ika-20 siglo at
pinakaunang pangunahing Rabbi ng bansang Israel-ay tinanong kung
sino ang makapag-aral ng Kabala, ang sagot niya ay malinaw: "Kahit
sino na may gusto".Sa nakaraang isang daang taon, lahat ng mga
Kabalista walang kataliwasang naghayag ng malinaw at sa maraming
pagkakataon na sa kasalukuyan ang Kabala ay bukas para sa lahat.
Karagdagan, sabi nila na ito'y mahalagang sangkap para lutasin
ang sandaigdigang krises na kanilang hinulang darating at sa
kasalukuyan ay hinarap natin.
Ayon sa lahat na mga Kabalista, tapos na ang mga araw ng
pagtatago ng Kabala. Ang kaalaman ng Kabala ay dating itinago
dahil takot ang mga Kabalista na ito'y gamitin sa maling paraan
at maling pagkakaintindi. At totoo nga, ang konteng tumagos ay
nagdulot ng maraming maling pagkaunawa sa paksa. Dahil sa sabi
ng mga Kabalista na ang ating henerasyon ay handa na para
maintindihan ang tunay na kahulugan ng Kabala at para linisin
ang nakalipas na maling pagkakaintindi, ang siyensyang ito ay
binuksan na para sa lahat na may adhikaing matuto.
Ano ang tinuturo ng mga aklat ng Kabala?
Ang mga aklat ng Kabala ay nagtuturo ng pagkakabala-balangkas ng
mga mundong espiritwal, at paano ang bawa't isa sa atin
makarating doon. Ang aklat ng Kabala ay parang giya ng
paglalakbay. Kung gusto mong maglakbay sa bagong siyudad,
seguradong gusto mo ang tulong ng giya ng paglalakbay para
sabihin sa iyo kung alin ang mga pinakamagandang lugar puntahan,
pinakamagandang
coffee shops at mga klab, at alin ang di dapat
puntahan dahil di mo gusto ang ano mang iyong matuklasan.
Kahalintulad dito, ang mga aklat ng Kabala ay magsabi sa iyo
kung paano nilikha ang mga mundong espiritwal, alin sa mga "lugar"
dito ay mas masaya at alin ang hindi. Mangyari pa,
ito'y hindi mga lugar na pisikal kundi estadong espiritwal na
maranasan ng sinumang Kabalista.
Isa pang bagay na masabi sa iyo ng mga aklat ng Kabala ay kung
paano hanapin ang katotohanang espiritwal. Kung gusto mong
pumunta sa isang lugar sa mundong ito, kailangan mo ng mapa sa
lugar na iyon, at giya sa paglalakbay para pag-aralan ang lugar
mismo. Sa espiritwalidad, ginawa na ng mga aklat ng Kabala ang
lahat para sa iyo- "ipinakita" saan ang mga mundong espiritwal,
dinala ka doon at inilibot ka.
Sino si Bnei Baruch?
Bnei Baruch - Kabbalah Education and Research Institute ay isang
organisasyon para mag-aral, magturo at palaganapin ang
kapani-paniwalang Kabala. Sa taong 1991,
si Rav Michael Laitman,
PhD ay nagtatag ng
Bnei Baruch para sa mga layuning inilarawan.
Pinangalanan niya itong Bnei Baruch (mga anak ni Baruch) sa
ala-ala ng kanyang guro, ang dakilang Kabalista Rabbi Baruch
Ashlag, siya mismo ang panganay na anak na lalaki at kahalili sa
Kabalistang si Rabbi Yehuda Ashlag, ang may akda ng
Sulam (hagdanan)
kumentaryo ng
The Book of Zohar.
Para palaganapin ang kanyang mensahe, tinustusan ng
Bnei Baruch
ang site na ito, naglathala ng mga aklat, mga sulatin o dyaryo
at lumikha ng mga programa sa radyo at sa telebisyon. Halos
isang milyong gumagamit (
user) ang bumibisita sa site na ito
buwan-buwan at libu-libo sa kanila ay mga aktibong myembro na
sumusuporta sa layunin at tumulong para ito'y mapalaganap, sa
kabutihan ng sangkatauhan.