kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Kabala sa Kapanahunan Natin
Espiritwalidad, Kabala at ang ika-21 Siglo

Bakit Espiritwalidad?

Nadiskubre ng mga Kabalista na ang ating mga hangarin para sa kasiyahan ay gumitaw sa limang mga baitang:

Bakit Kabala?

Sinumang may hangarin sa espiritwalidad ay naiiba sa sinumang naghanap ng makamundo at makataong mga katuparan (halimbawa sa hangaring baitang 1 hanggang 4 na inilarawan sa itaas). Alam na natin kung paano tuparin ang ating mga makamundo at makataong mga pangangailangan, samantalang kapag ang hangarin ng espiritwalidad ang magising, hindi na natin alam kung paano ito pahinahunin.

Karamihan sa mga taong may hangarin sa espiritwalidad sa kasalukuyan ay hindi man lamang nila namamalayan na mayroon sila nito. Ilan sa mga taong may hangarin sa espiritwalidad maaaring nasusuklam sa salitang "espiritwalidad" isiping ito ay bagay na hindi makakatotohanan at hindi maaaring maganap. Dama ng mga taong ito na ang kani-kanilang buhay ay walang kabuluhan at walang layunin, walang kaalam-alam na ito'y dahil sa bago, mas gumitaw na hangarin sa espiritwalidad na gumigising sa kanila. Hindi nila nababatid na ito ang dahilan sa kanilang kawalang-kasiyahan at pagkayamot sa buhay.

Gaya ng mga bata, maraming mga taong nagtanong sa kanilang sarili, "Ano ang kahalagahan ng buhay?" Pero paglipas ng mga taon, naapawan tayo sa mga hangarin at mga tukso na lumihis sa atin mula sa katanungan at ang pangangailangan na hanapin ang tunay na kasagutan ay natutuyo.

Gayon pa man, sa isang punto, ang hangarin sa espiritwalidad ay nagising at kasabay nito ang mga katanungan. Iyong pumilit maghanap ng mga kasagutan ay dumating sa Kabala, na sadyang makapagbigay ng daan sa kanilang mga kasagutan.

Bakit Ngayon?

Zohar ay naghayag na tiyakang sa ating panahon ang kaalaman ng Kabala ay maibunyag. Ito'y sapagkat ang mga hangarin ng mga tao ay gigitaw at simulang hingin ang katuparang-patunay na espiritwal, pag-unawa at pakiramdam sa mapayapang buhay lampas sa kasalukuyan at tanging ang kaalaman ng Kabala ang may kakayahang magbigay ng katuparan.