Ang Kabala ay nagtuturo sa atin paano isakatuparan ang mga mapagkaloob na relasyon sa pamamagitan ng kamalayan ng kalikasan at ng kanyang mga batas.
Bilang mga tao, likas sa atin na maaakit sa kalikasan. Ang magandang tanawin ay nagpapasigla sa atin ng karamdaman ng hiwaga at pangingimi. Ang dilag ng mundo ay nag-aakit sa atin; ang kanyang mga karagatan, mga bundok, mga disyerto, mga kapatagan at mga kagubatan ay nagdadala ng sariwang pag-unawa kung paano ang mundo ay pinag-ugnay-ugnay. Ang kanyang kagandahan ay nag-uudyok sa atin na pumaibayo pa sa ating mga makamundong alintana, pagkukulang at pagkakasalungatan at matatagpuan sa loob ng kanyang mga tahimik na lugar ang lakas na gumabay, ang pagkakaisa at pagiging isa sa Lumikha.
Kung masdan natin ang kalikasan, makita natin na lahat ng mga buhay na nilalang ay nilikha para sumunod sa prinsipyo ng pag-alala sa kapakanan ng iba o altruismo. Ang kaharian ng hayop ay naghahandog ng mangilan-ngilang mga kamangha-manghang halimbawa kung saan ang bawa't elemento ay gumagawa para sa kabutihan ng kabuuan. Halimbawa, napag-alaman natin ang maraming mga aralin mula sa taun-taong migrasyon ng mga gansa bawa't taglamig. Habang pinapagaypay ng bawa't gansa ang kanilang mga pakpak, ito ay lumilikha ng pag-aahon para sa ibong sumusunod. Sa pamamagitan ng paglipad sa pormasyong "V", ang buong langkay ay nagdadagdag ng 71 porseyentong layo ng naliliparan kaysa lumilipad na mag-isa. Napag-alaman din ng mga mananaliksik na ang langkay ay hindi sumusunod hanggang sa ang lahat ay pumupunta sa wastong direksyon at ang mga gansa na nasa likuran ng pormasyon ay humuhuni para suportahan ang nasa unahan na magpatuloy sa kanilang bilis. Kung sakaling may gansa na mahiwalay sa pormasyon, ito ay kaagad makakadama ng paghilahod at resistensya sa pagsubok ng paglipad ng mag-isa at agad-agad babalik sa pormasyon para makinabang sa lakas ng pag-aahon ng mga nangungunang ibon.
Napatunayan din sa mga pag-aaral na kung ang gansa ay magkasakit o nasugatan, dalawang gansa ang humihiwalay sa pormasyon at susundan ang kanilang ka-miyembro, para tulungan at pagbigyan ng proteksyon. Sila ay mananatili sa miyembrong ito ng langkay hanggang sa ito ay magkaroon ng kakayahang lumipad muli. Ang ibang mga hayop ay kumikilos kapareho nito. Ang mga dolphin ay nagsusuporta ng kanilang nasusugatang mga kasamahan at binabantayan silang maging malapit sa ibabaw ng tubig para sila ay hindi malunod. Ang mga elepante ay mag-ugnayan para tulungan ang isa sa mga katulad nila na naghihingalo sa buhanginan. Ginagawa nila ang kanilang magagawa para kunin ang naghihingalong elepante sa pagtutulak ng kanilang mga pangil sa ilalim ng katawan nito. Ang iba sa kanila ay malagutan ng kanilang mga pangil sa gawaing ito.
Kung masdan natin ang ating nakapaligid na Kalikasan, ating madiskubre na ang walang buhay, halaman at hayop na mga antas ng Kalikasan lahat ay gumagawa ng prinsipyo ng Kalikasan ng pagkaloob, o altruismo. Subali't, kung masdan natin ang kalikasan ng tao, mapapatunayan natin na ito ay talagang iba mula sa natira sa Kalikaran. Ang tao ay ang nilikha lamang na kumukuha ng kasiyahan sa pagiging bukod-tangi, hiwalay at superyor sa iba. Kaya, ang pagkamakasarili ng tao ay lumalabag sa balanse ng Kalikasan.
Ang Kabala ay nagpapaliwanag na ang tao ay naiiba sa ibang mga antas ng kalikasan sa katotohanang ang kanyang mga hangarin ay nagbabago sa paglipas ng panahon. Una ang tao ay may simpleng mga hangarin, tulad ng kagustuhang kumain, dumami, at makaranas na magkaroon ng pamilya. Ang paglitaw ng mas mataas na antas na mga hangarin, tulad ng paghangad ng kayamanan, dangal at kaalaman ay nag-udyok ng ebolusyon ng lipunan ng tao at ng mga estrukturang sosyal ng edukasyon, kultura, siyensya at teknolohiya. Sa pagbabago ng sangkatauhan, naiisip natin na ang mga pag-unlad na ito ay makapagbigay kasiyahan sa atin at tayo ay lalong lumigaya. Subali't, sa kasalukuyan tayo ay simulang nakaunawa na ito ay hindi ganoon.
At iyon ay dahil sa wala sa ating mga hangarin ay mananatiling nasiyahan sa matagal. Sa pamamagitan ng karanasan, ating napag-alaman na kapag matanggap na natin ang ating ninanais, ang kasiyahan ay mawawala at ang kahungkagan ay bumabalik. Ang kahungkagang ito ay magdadala sa atin sa parang paghahabol ng mailap na gansa ng mga hangarin at mga kagustuhan sa paghahanap ng kasiyahan. Ngayon na nakapag-ipon na tayo ng karanasan sa libu-libong taon, ating napag-alaman na wala tayong alam paano maabot ang kapana-panatiling kaligayahan, o kahit ang pinakabalangkas na panloob na seguridad.
Sa Kabalistikong pagpapahayag, itinanim sa atin ng Kalikasan ang hangaring tumanggap o lumigaya. Ang Kabalistang Rabbi Yehuda Ashlag, kilala na Baal HaSulam, ay nagpapahayag sa ating hangaring tumanggap mula sa perspektibo ng Kabala.
"Ang hangaring tumanggap ay ang buong katuturan ng Paglikha,, mula sa simula hanggang sa kanyang wakas. Kaya, lahat ng napakaraming nilikha, ang karamihan ng kanilang kaganapan, at ang mga paraan kung paano sila pinangasiwaan, sa mga lumitaw na at sa mga lilitaw pa ay mga pagsukat lamang at mga pagbabago sa mga halaga ng hangaring tumanggap." (Baal Hasulam, "Preface to the Wisdom of Kabbalah," Item 1.)
Ang Kabala ay nagtuturo sa atin na para maabot ang kapana-panatiling kaligayahan, dapat nating baguhin ang paraan ng paggamit natin ng hangaring lumigaya, lilipat mula makasariling paraan sa isang mapagkaloob na paraan. At sa gayon, tayo ay maraming dapat malaman mula sa kalikasan. Sa pagmamasid ng napakaraming mga halimbawa ng mapagkaloob na ugali ng kalikasan, matatagpuan natin ang pinakamabuti at pinakamatalinong paraan ng paggamit ng hangaring tumanggap at sa pagsulong sa pakikipag-ugnayan sa iba.
Ang Kabala ay hindi nangangailangan na pigilin natin ang ating likas na makasariling mga hangarin. Sa kabaligtaran, ito ay kumilala sa kanilang pag-iiral at nagpapahayag paano natin ito magagamit sa pinakamabuti at pinaka-epektibong paraan para maabot ang kaganapan. Ang ating hangaring tumanggap ay nagtutulak sa atin sa pagsulong sa buhay, at kung wala ito, hindi tayo susulong bilang lipunan ng tao.
Sa katapusan, salamat sa ating hangaring tumanggap ng kasiyahan, tayo ay dumating ngayon sa kalagayan kung saan tayo ay wala nang kagustuhan na lumagay sa pamilyar na mga kasiyahan, kundi gusto ng malaman kung ano ang nasa kabila nila. Ang Kabala ay naglalagay sa atin sa ugnayan sa kung ano ang nandoon sa kabila ng mga pansamantalang mga kasiyahan sa mundong ito sa mas mataas na antas ng Kalikasan, ang mundong espiritwal. Subali't, mayroong kondisyon: Ito ay mangyayari lamang kung idaan natin ang natural na mga inklinasyon sa positibo at kapaki-pakinabang na direksyon, na magbigay sa atin ng kakayahang makaabot ng panimbang sa mapagkaloob na lakas ng Kalikasan.