Ang Pinagmulan ng Kabala
Ang siyensya ng Kabala ay pambihira sa pamaraang ito ay
nagsasabi tungkol sa iyo at sa akin, tungkol sa ating lahat. Ito'y
walang kinalaman sa bagay na basal, tanging sa paraan kung paano
tayo nilkiha at paano tayo manungkulan sa mas mataas na antas ng
pamumuhay.
Maraming mga aklat tungkol sa Kabala ang isinulat tungkol dito,
simula kay Abraham ang Patriarka apat na libung taon ang nakaraan,
na siyang sumulat sa aklat na tinawag
Sefer Yetzira (The Book of
Creation). Ang sumunod na importanteng gawa ay
The Book of
Zohar, isinulat sa ikalawang siglo CE.
The Zohar ay
sinundan ng mga gawain ni Ari, pinakabantog na Kabalista sa ika-16
siglo. At ang siglo ika-20 nakita ang paglalathala ng mga gawain ng
Kabalistang
Yehuda Ashlag.
Ang mga teksto ni Ashlag ay akmang-akma sa ating henerasyon. Ang mga
iyon at ang iba pang mga pinagmulan, naglarawan ng estruktura ng mga
mundong pang-ibabaw (upper worlds), paano ang mga ito manaog at
paano ang ating uniberso kasama ang lahat na mga bagay na nasa loob
nito umiral.
Ang aklat-aralin ni Yehuda Ashlag,
Talmud Eser Sefirot ( The
Study of the Ten Sefirot) ay denisenyong parang alalay sa
pag-aaral na mayroong mga tanong, sagot, mga bagay na kailangang
balikan at mga paliwanag. Ito'y parang pisika ng mga mundong pang-ibabaw,
naglarawan ng mga batas at mga lakas na namamahala sa uniberso na
saklaw ng espiritwal.
Ang materyal na ito'y unti-unting pinagbago ang anyo ng mga
estudyante sapagka't kung maghanap paano maranasan ang mundong
espiritwal, unti-unti ding i-angkop mismo ang kanyang sarili sa mga
batas espiritwal na inilarawan sa aklat-aralin.
Ang siyensya ng Kabala ay walang kinalaman sa buhay natin sa mundong
ito. Sa halip, sa pag-aaral ng panuntunang ito maaabot uli natin ang
antas na pinag-aarian na natin bago tayo manaog. Sa pag-akyat na ito,
ang pag-aaral ng Kabala ay gumawa sa kaloob-looban ng estudyante ng
panuntunang kapareho ng panunutunang espiritwal.
Para mapaneguro ang benepisyong espiritwal galing sa teksto, tayo sa
Bnei Baruch ay tanging nag-aaral sa mga pinagmulang
mapananaligan, nagpopokus doon sa mga isinulat para makatulong sa
espiritwal na pag-unlad ng estudyante. Ang mga pinagmulang ito ay
-
The Book of Zohar
-
Ang mga sulat ni Ari
-
Ang mga sulat ni Rabbi Yehuda Ashlag
Kadalasan, tumututok tayo sa mga sulat ni Rabbi Yehuda Ashlag,
dahilan sa ang kanyang mga teksto ay ang pinakamabagay para sa ating
henerasyon.