kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Ang Kabala ay Pumagitna

Kung pumaibabaw tayo sa pang-araw-araw na buhay at simulang magtanong tungkol sa pinagmulan ng buhay mismo -- Ang Kabala ay pumagitna

Ang Kabala ay naging lihim humigit-kumulang 2,000 taon ang nakaraan. Ang dahilan ay simple -- wala pang pangangailangan nito. Simula noon, ang sangkatauhan ay okupado sa pagpayabong ng relihiyon ng isang diyos, at kinamamayaan, ng siyensya o agham. Ang dalawa'y inimbento para sagutin ang pinakapangunahing tanong ng tao: "Ano ang lugar natin sa mundo, sa sansinukob?" "Ano ang layunin natin sa pagkakaroon, buhay, pag-iral at pamumuhay?" Sa ibang salita, "Bakit tayo isinilang?"

Pero sa kasalukuyan, higit pa sa nakaraan, maraming mga tao ang nakadama na kung ano ang gawain 2,000 taon ang nakaraan ay di na tumpak sa kanilang pangangailangan sa ngayon. Ang mga kasagutang ibinigay ng relihiiyon at siyensya ay hindi na makapagbigay kasiyahan sa kanilang mga pangangailangan. Ang mga taong ito ay naghanap sa ibang dako para sa mga kasagutan ng mga pinakapangunahing tanong tungkol sa layunin ng buhay. Sila'y sumalin sa turo ng taga-silangan, panghuhula, salamangka at mistisismo. At ilan sa kanila'y sumalin sa Kabala. Sapagkat ang Kabala ay ibinalangkas para sagutin ang mga pangunahing katanungan, ang mga kasagutang ibinigay ay may deretsahang kaugnayan sa kanila.

Ang Kabala ay gumawa ng kanyang debu o pasinaya mga 5,000 taon ang nakaraan sa Mesopotamia, sa antigong lalawigan ng kasalukuyang Iraq. Ang Mesopotamia ay hindi lang pook na kinasisilangan ng Kabala, pati na rin ng turong antigo at mistisismo. Sa panahong iyon, ang mga tao ay naniniwala ng maraming sari-saring aral, at kadalasan ay sumunod ng higit na isang aral sa isang pagkakataon. Astrolohiya, panghuhula, numerolohiya, salamangka, pangkukulam, gayuma, pagkita ng masama -- lahat ng mga iyon at may karagdagan pa ay umunlad at lumago sa Mesopotamia, ang sentrong pangkultura sa unang panahon.

Basta masaya ang mga tao sa kanilang pananampalataya, hindi nila madama ang pangangailangan ng pagbabago. Gustong malaman ng mga tao na ang kanilang kabuhayan ay sigurado at ang dapat kailanganin para maging ito'y kasiya-siya. Hindi sila nagtanong ng simula ng buhay, o ang pinakaimportante, sino o ano ang gumawa ng tuntunin ng buhay.

Sa simula, parang ito'y may kaunting kaibahan. Pero sa totoo, ang kaibahan ay sa pagitan ng pagtatanong tungkol sa buhay, at pagtatanong tungkol sa mga tuntunin na humubog ng buhay, tulad ng kaibahan sa pagitan ng kung paano magmaneho ng sasakyan at paano gagawin ang sasakyan. Ito'y ganap na kaibahan sa antas ng karunungan.