kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Pag-ibig Ay Ang Daan

Sa buong panahong itinagal ng kasaysayan ng sangkatauhan, makikita natin na kung ano ang itinayo ng pag-ibig ay sinisira ng pagkamakasarili. Kahit ganoon, ang pamaraang tunay na panatilihin tayong buo ay natuklasan noon pa. Ang kailangan nating gawin ay ang pag-aralan ito.

Sampung taong gulang Patrick, bumaba sa andamyo ng barko at sumulyap sa kanyang kanan at kaliwa na may malinaw na pag-aalinlangan. Siya'y lumaki sa isang maliit na nayon ng ika-19 siglong Ireland, at ngayon, pagkaraan ng mahabang biyahe patungo sa daungan ng New York, siya ay napatingin sa pumaligid sa kanya, nagugulumihanan. Pagkaraan ng mahabang biyahe, ang matingkad na pakiramdam ni Patrick ay ang mga taong gumala-gala at sigawan ng isa-isa sa sari-saring mga wika.

Sa pagkakahalu-halo ng mga lingguwaheng ito, hindi halos nakilala ni Patrick ang kanyang sariling angkan. Saka nakita niya ang mga ito sa isang sulok, isang maliit na grupo ng imigrante galing sa Ireland na sinamahan ng isang beteranong mamamayan. Malapit sa kanila nakatayo ang grupo ng mga imiganteng Italyano, sa likuran nakatayo ang mga galing Rusya, at malayu-layong konte sa likuran ng mga imigrante galing Poland, ang taga-Ukraina, at iba pa. Parang ang nagdadalas-dalas na daungang New York ay naging isang malaking paradang naglisaw-lisaw ng bawat maiisip na grupo ng imigrante.

"Ganito pala ang Amerika, ang lupang pinangako", pagwawari ni Patrick na may pagkamangha.

Sa katunayan, si Patrick subalit ay isa sa mga pinakabagong milyong imigrante na galing sa lahat ng dako sa mundo. Mga Hudeyo, Afrikano, at mga taga Europa, iniwan ang kani-kanilang mga bansa at lumipat sa Amerika, dala-dala nila ang lahat na mayroon sila -- pag-asa para sa maayos na kinabukasan.

Galing sila sa iba't-ibang bansa, etniko at tradisyong pangrelihiyon, at mga grupo ng pananalita. Ang mga kaibahang ito ay  paminsan-minsang dahilan ng pagsiklab ng alitan sa kanilang gitna, subali't ang pangangailangan para manatili ay nag-udyok sa kanila upang gumawa ng sosyal at ekonomikong pagsasaayos. Sa kapanahunan, ang kanilang bansa ay naging pinakamakapangyarihan sa buong mundo -- Estados Unidos ng Amerika.

 

Sangkap na Nakakapag-isa

Maaga pa sa 300 na taon, at 6,500 na milyang layo mula sa ano ngayoý naging Estados Unidos ng Amerika, ang Europa ay nagkakagulo. Ang emperya ng Roma hanggang sa panahong iyon ang nagdodomina ng Europa. Nang ito'y maudlot, ang lokal na tribu ang humawak at nagtayo ng tinatawag natin ngayong mga bansang Europa: Alemanya, Pransya, Espanya, at iba pang mga bansa. Sa bawa't isa sa mga bansang iyon, ang mga sangkap na nakakapag-isa ay ang pangkalahatang pinanggalingan, mga lingguwahe, mga kinagawian at mga normang pangkalinangan.

Pero hindi kapareho sa mga bansang Europa at Estados Unidos ng Amerika, ang bansang Israel ay hindi nakabase sa kapaki-pakinabang na pangkabuhayan, ni hindi din sa pangkalahatang pinanggalingan. Ang kwento ng bansang Israel ay nakakatawag pansin dahil sa ito'y kakaiba sa kwento ng ibang mga bansa.

 

Pamamaraan ni Abraham

Ang dahilan kung nilikom ang madlang Israel maging isang bansa ay espiritwal, simula 5,000 taon ang nakalipas sa sinaunang Babel. Sa sinaunang kapanahunan, ang sangkatauhan ay namuhay bilang isang malaking pamilya kung saan ang lahat ay lumingap sa bawa't isa, at ang pakikipag-ugnayang likas at tumbasang pag-ibig at suporta ay namahala. Tunay nga, sa maraming henerasyon, ang buhay ng sinaunang Babel ay mapayapa at matahimik hanggang sa may pagbabagong nangyari, kinuha ang matatag na pamamaraan ng buhay at pangkulturang  tuntunin ng moralidad sa lubos na kakaibang pamamahala.

Para bang ang makasariling gene ay bigla na lamang itinurok sa DNA ng mga unang taga-Babel. Ang pagyabong ng pagkamasarili ay nagdulot ng malupit na mga kinalabasan, sa pagsasamantala ng iba hanggang pagkasuklam. Ang mga tao ng Babel ay naging makasarili, hindi na umaaruga sa pangangailangan ng kanyang kapwa-tao.

Maliban sa isang tao, Abraham, kita niya na ang taga-Babel ay natangay sa agos at ayaw niyang tangapin ang pagbabago. Dumisisyon siyang salungatin ang agos at sa halip naghanap ng lakas para himukin ang mundo.

Nadiskubre ni Abraham na ang Upper Force, ay isang buo, lubusang kaloob. Nakayahan niyang abutin ang baytang na iyon at gamit ang kanyang kaalaman, bumuo ng pamamaraan para makapangibabaw sa pagkamakasarili at maabot ang uri ng pag-ibig -- ang pag-ibig sa buong sangkatauhan. Alam ni Abraham na kung taglay ng mga taga-Babel ang ugnayan ng pag-ibig higit pa sa gumitaw na pagkamakasarili, magantimpalahan sila ng walang hanggan at tunay na pagsasamahan sa isa't isa. Magmula dito, sinimulan niyang ikalat ang pamamaraan sa masa.

Bumuo siya ng grupo ng estudyante at tinuruan sila kung paano maabot ang pag-ibig sa kapwa. Sa kapanahunan, ang grupong sinimulan ni Abraham ay tumubo at tinawag natin ito ngayon na "Israel", ang bansang binuo sa batayan ng pag-ibig para sa sangkatauhan.

 

Nang Magsimula Ang Pagkamakasarili

Sa kabuuan ng historya ng Israel, ang pag-ibig sa kapwa ay siyang susi ng kanyang tagumpay at ginhawa. Kapag taglay pa niya ang ugnayan ng pag-ibig at samahan sa bawat-isa, ang mga tao sa Israel ay namuhay  sa sukdulan ng kanilang espiritwal at materyal na kaluwalhatian. Ang dulo ng kanyang tagumpay ay dumating nang ang Unang Templo ay ginawa at ang buong  tribo ng Israel ay namuhay sa pag-ibig at pagbibigayan.

Nang ang lakas ng pagkamakasarili ay sumambulat, ang pagkakaisa ng Israel ay ginambala at ang hindi pagkakasundo ay lumaganap sa bahagi ng bansa. Sa natirang parte ng bansa, ang kinalabasan ay naging makasarili at nawala ang kanilang ugnayan. Sa bandang huli, ang hindi pagkakasundong espiritwal ay nagbunga ng hindi pagkakasundong pisikal, ang Unang Templo ay nawasak at ang mga tao ay kumalat sa lahat ng dako. Nang napag-alaaman ng ilang tao na ang hindi pagkakasundo ay siyang dahilan ng pagtapon at pagkawasak, sinubukan nilang muling buhayin ang pag-ibig sa kapwa, bumalik sa Israel at ginawa ang Pangalawang Templo. Pero ang pampatibay ng pagkamasarili ay hindi huminto doon. Ito'y muling nagsimula at naghayag ng mas malalim na pagkapoot at hindi pagkakasundo. Kaya pati ang Pangalawang Templo, ay nawasak.

Kahit sa grupo ng mga estudyanteng Kabalista ni Rabbi Akiva, ang tanyag na panuto ay "Ibigin Ang Kapwa" ay napauwi sa pagkakapoot. Sa wakas, ito ang naging dahilan ng pagkamatay ng 24,000 Hudeyo sa nakakikilabot na salot. Sa gayon, ang mga tao sa Israel ay nawalan ng pag-ibig sa kapwa at naitapon mula sa espiritwalidad at mula sa lupaing Israel sa loob ng 2,000 taon.

 

Ang Panaginip Ay Hindi Pa Natupad

Sa ngayon, kahit ang mga tao sa Israel ay nasa lupaing Israel, ang panaginip ng isang Kabalista na nagkakaisang bansa ay malayo pa sa katuparan. Kahit kung mayroon pang pagkakaisa sa panahon ng krises, ito'y panandalian lamang, pareho ng kinakailangang pagkakaisa ng kapatiran. Ang tunay na pagkakaisa ay di maaaring umasa sa mga krises na hatid sa dahilang panlabas.

 

Punto Ng Ating Mga Puso

Kaya paano natin minsan pang muling maging mga taong nagkakaisa base sa pag-ibig sa kapwa?

Ang bawa't isa sa atin ay mayroong espesyal na punto sa puso na tumatawag sa atin upang malaman natin ang ating kalagayan bilang  bansa ng pag-ibig. Kapag nagawa iyon, ating bigyang daan ang bagong kinabukasan para sa lahat kung saan dama ng lahat na sila ay pinagbukod-bukod at kumikilos na parang isang katawan. Nguni't ang paraan para maabot ang tunay na pag-ibig ay ang pamamaraan na pinagyaman ni Abraham.

Sa kasalukuyan, ang kapani-paniwalang kaalaman ng Kabala ay sumipot at naging may kaugnayan higit sa kailanman. Ang pagpapalaganap ng mensahe ng Kabala sa madla ay paraan para maibalik ang pag-ibig sa kapwa at pumaitaas sa tugatog ng kaligayan at pagiging isang buo.