Sa kabuuan, ang siyensya ay hinahati sa dalawang bahagi: ang una ay tinawag na kaalaman ng bagay, ang pangalawa—ang kaalaman ng anyo. Ito'y nangangahulugan na mayroong wala sa nakapaligid na katotohanan, kung saan ang bagay at ang anyo ay hindi maaaring mapansin. Halimbawa, hayaan nating kunin ang mesa. Ito ay binubuo ng bagay, sabihin, ng kahoy, at nagtataglay ng anyo ng mesa. Ang bagay (kahoy) ay nagkakataong naging tagapagdala ng anyo (mesa). Ito ay tulad sa salitang "sinungaling": ang kanyang bagay ay ang tao, at ang kanyang anyo ay "sinungaling," kaya ang bagay na tinawag na tao ay nagdadala ng anyo ng kasinungalingan.
Ang pang-unawang ito nagsalarawan ng dibisyon ng mga siyensya na siyang nag-aaral ng katotohanan sa dalawang bahagi: ang pag-aaral ng bagay, at ang pag-aaral ng anyo. Ang bahagi ng siyensya na nagtatalakay ng mga katangian ng bagay na umiiral sa katotohanan (pareho sa purong bagay na wala ang kanyang anyo, at saka ng bagay kasama ang kanyang anyo) ay nag-aaral ng bagay. Ang pananaliksik na ito ay empirikal sa kanyang kalikasan, i.e. ito ay nakabase sa mga pruweba at mga resulta ng praktikal na eksperimento. Kinukuha ng siyensya ang mga eksperimentong ito bilang maaasahang basehan para sa kanyang mga pangwakas na pananalita.
Ang ibang bahagi ng siyensya ay nag-aaral lamang ng baliwag na anyo, na walang kaugnayan sa bagay. Sa ibang mga salita, ang mga anyo "katotohanan" at "kasinungalingan" ay mga diwa galing sa bagay, i.e. mga tao, na kanilang mga tagapagdala. Ang tao ay tumitingin lamang sa kahalagahan at walang-kahalagahan ng mga anyo mismo ng "katotohanan" at "kasinungalingan" gaya ng sila ay nasa kanilang purong kalagayan; dahil hindi pa sila nagbihis ng alin mang bagay. Ito ay tinawag na patalinghagang pag-aaral.
Ang ganoong pananaliksik ay hindi nagkaroon ng empirikal na basehan dahil ang mga baliwag na anyo ay hindi nakatagpo ng kanilang pagpapamalas sa praktis na kinumpirma ng mga ekspeimento, at sila ay umiiral sa labas ng katotohanan. Ang ganoong baliwag na anyo ay makuha lamang mula sa bunga ng imahinasyon ng tao.
At sa ganoon, ang pundasyon ng lahat ng mga pansiyentipikong pag-aaral sa ganitong klase ay alanganin sa kabuuan. Ibig sabihin, ito ay hindi base sa mga pruweba at mga resulta ng eksperimentong praktikal, kundi ay mga kinalalabasan lamang sa pamamagitan ng alanganing pag-aaral. Ang kabuuan ng pag-aaral ng Pilosopiya ay sa ganitong klase. At sa ganoon, malaking bahagi sa mga modernong iskolar ang lumisan sa kanilang pag-aaral, dahil sila ay hindi nabigyang-kasiyahan sa mga kinalalabasang batay sa alanganing pundasyon. Ang kanilang opinyon ay ito ay mga alanganing pundasyon dahil ang pundasyong pang-eksperimento lamang ang tiyak, tulad ng nalaman na natin.
Ang siyensya ng Kabala din ay binahagi sa ganitong mga bahagi, na siyang ang pag-aaral ng bagay at pag-aaral ng anyo. Pero mayroong malaking kahiwagaan dito. Ang malaking bentaha dito sa siyensyang sekular ay dahil dito kahit ang pag-aaral ng anyo ay talagang binuo sa pagpuna sa praktikal na rason, ibig sabihin, batay sa praktikal na pag-eeksperimento.