Alamin, na ito ang ibig sabihin na ang mga anak ni Israel ay maligtas lamang pagkatapos mabunyag sa pinakasagad ang kaalamang itinago, gaya ng naisulat ng The Zohar, "Sa komposisyong ito, ang mga anak ni Israel ay mailigtas mula sa pagkakatapon." Ito ay dahil sa panahong iyon ay nagkaroon ng dakilang pag-asa.
Ang pagsulat ng The Zohar ay nagsimula sa panahon ng paglantad ni Bar-Kokheva, kung saan si Rabbi Akiva, ang guro ni Rashbi, ay nagsabi, "Lalantad ang bituin mula kay Yaakob." Sa karagdagan, pagkatapos ng pagwasak ng Beitar, nagkaroon ng dakilang pag-asa.
At sa dahilang iyon, pinayagan ni Rashbi ang kanyang sarili at inilantad ang kaalaman na itinago sa kanyang mga aklat na Zohar (salitang Hebreo ng ningning) at ng Tikkunim ( mula sa salitang Hebreo na tikun, pagsasaayos). Subali't, ito ay sa malaking pangangalaga, dahil pinahintulutan lamang niya si Rabbi Abba, na makapaglantad sa patago, kaya ang mga taong paham lamang sa mga anak ni Israel ang maaaring makaunawa, at ang mga taong paham sa mga bansa ng mundo ay hindi maaaring makaunawa, sa takot na ang mga masasama ay magkaroon ng kaalaman paano paglingkuran ang kanilang mga panginoon. Kaya, sa sandaling nakita nila na ang panahong ng kaligtasan ni Israel ay masyadong maaga, itinago nila ito. Iyon ay sa panahon ng mga taong paham, ang Savoraim, dahil makita natin na ang mga taong paham, ang Savoraim, ay nagsulat ng marami tungkol sa mga bagay na nasa Zohar.
Talaga nga, na ito ay kagustuhan ng Maykapal na ito ay lilitaw. Ito ang dahilang napasakamay ito sa biyuda ni Rabbi Moshe de Leon. Namana niya ang mga manuskrito mula sa kanyang asawa, at si Rabbi Moseh de Leon seguro ay walang sinabi sa kanyang maybahay tungkol sa mga pagbabawal sa paglantad, at sapalarang inilagay niya ito sa pagbebenta.
Talaga nga, hanggang sa araw na ito, ito ang dahilan ng maraming pagkawasak sa baging ng sambahayang Israel sa mga dahilang nasabi natin sa itaas.
Subali't, walang masama kung walang mabuti. At sa dahilang iyon, ang dominyong ito, na natamo ng mga bansa sa pamamagitan ng pagnanakaw ng mga sekreto ng Torah (salitang Hebreo ng pagtuturo), ay nagtulak ng malaking pagsulong para sa pag-unlad ng kabanalan. Sa aking tantya, tayo ay nasa henerasyon na tumatayo mismo sa pintuan ng kaligtasan, kung alam lang natin paano isambulat ang kaalaman na itinago sa madla.
Ito ay dahil maliban sa mga payak na dahilan na "Nilamon niya ang mga kayamanan, at isusuka niya sila," ito ay nagbubunyag kung ano ang namamagitan sa akin at sa aking biyenang-lalaki at ang kaibahan sa pagitan ng diwa ng ubod at ng lalong mataas na Klipa (balat), kung saan ang lahat ng mga taong paham sa mga bansa ng daigdig ay tinuklap. Ito ay dahil ang mga kampo ni Israel na nagtakwil ng Torah ay seguradong babalik sa Lumikha at sa Kanyang gawain
Ito ay mayroong ibang dahilan. Tinanggap natin na mayroong kondisyon na dapat munang maganap bago maganap ang kaligtasan, na tatanggapin ng lahat ng mga bansa ng daigdig ang Torah ni Israel, gaya ng naisulat, "at ang kalupaan ay puno ng kaalaman," gaya ng halimbawa ng pag-alis sa Ehipto, kung kailan ang Parao, din, ay tumanggap ng tunay na Maykapal at ng Kanyang mga batas at pinayagan silang umalis.
Ito ang dahilan na isinulat na ang bawa't isa sa mga bansa ay hahawak ng Hudeyong tao at dalhin siya sa Banal na Bansa. At ito ay hindi sapat na makakaalis sila sa kanilang sarili. Dapat mong unawain kung saan ang mga bansa ng daigdig dadating sa ganoong kagustuhan at ideya. Alamin na ito ay sa pamamagitan ng pagkakalat ng tunay na kaalaman, sa ganoon malinaw na makikita nila ang tunay na Maykapal at ang tunay na Torah.
At ang pagkakalat ng kaalaman sa madla ay tinawag na "ang tambuli." Tulad ng tambuli, na ang tunog ay umaabot sa malawak na distansya, ang alingawngaw ng kaalaman ay kakalat sa buong mundo kaya ang mga bansa ay makakarinig at tatanggap na mayroong maka-Diyos na kaalaman sa Israel.
At ang tungkuling ito ay sinabi tungkol kay Eliyas ang propeta, dahil ang paglalantad ng mga sekreto ay laging tumukoy sa paglalantad ni Eliyas. Ito ay tulad sa sinabi nila, "hayaan itong mamahinga hanggang darating si Eliyas," at ganoon din, "ang Tishbi ay sasagot ng mga katanungan at mga problema." Sa dahilang ito sinabi nila na tatlong araw (tanyag na pagpapahiwatig) sa hindi pa darating ang Mesiyas, si Eliyas ay maglakad-lakad sa mga tuktok ng bundok at tutugtog ng tambuli, at iba pa..
You must understand these intimations, that the horn is only the issue of the disclosure of the wisdom of the hidden in great masses, which is a necessary precondition that must be met prior to the complete redemption. //Dapat mong maunawaan ang mga pagpapahiwatig na ito, na ang tambuli ay diwa lamang sa paglalantad ng kaalaman na itinago sa dakilang madla, na kinakailangan ang kundisyon na dapat munang mangyari bago ang ganap na kaligtasan.
At ang mga aklat na nabubunyag na sa kaalamang ito ay titestigo nito, na ang mga bagay na nasa pinakadakilang kahalagahan ay nailadlad na tulad ng toga para makita ng lahat, na siyang tunay na patotoo na tayo ay nasa pintuan na ng kaligtasan, at ang tunog ng dakilang tambuli ay naririnig na, maski na hindi pa sa kalayuan dahil ito ay tumunog muna sa pinakamahina.Pero talaga nga, ang kahit anong kadakilaan ay nangangailangan muna ng kaliitan, at walang dakilang tunog kung hindi ito inuunahan ng mahinang tunog, dahil ito ang pamamaraan ng tambuli, na ito ay unti-unting tumubo. At sino ang mas nakakaalam kaysa akin na ako ay hindi karapat-dapat kahit mensahero at ang taga-sulat para sa paglalantad sa ganitong mga sekreto, at lalong mababa sa pag-uunawa nila ng maigi. At bakit ginawa ito ng Lumikha sa akin? Ito ay dahilan lamang sa ang henerasyon ay karapat-dapat nito, dahil ito ang katapusang henerasyon, na tumayo sa pintuan ng ganap na kaligtasan. At sa ganoong dahilan, ito ay karapat-dapat na simulang makarinig ng tunog ng tambuli ng Mesiyas, na nagbubunyag ng mga sekreto, gaya ng naipaliwanag na.