Kasiyahan at Pighati
Kasiyahan at pighati ay dalawang mga lakas na sa pamamagitan nito
ang ating mga buhay ay pinangasiwaan. Ang ating natural na
Kalikasan—ang hangarin para magsaya—nagtulak sa atin para
sumunod sa nakatalaga na na mga pormulang nauukol sa kaugalian:
ang hangarin para tumanggap sa pinakamalaking kaligayahan sa
pinakamaliit na pagsusumikap. Kaya, tayo ay inatasang pumili ng
kaligayahan at tumakas mula sa pighati. Sa gayon, hindi
nagkaroon ng kaibahan sa pagitan natin at sa iba pang mga hayop.
Nakilala ng psikolohiya ang posibilidad na baguhin ang mga
priyoridad ng bawat tao. Tayo ay maaring turuan para gumawa ng
iba't ibang mga pagsusuring kapakipakinabang. Posible ring
purihin ang kinabukasan sa mga mata ng bawat tao para siya ay
sasang-ayon na dumanas ng kasalukuyang mga pagsubok para sa
gantimpalang darating.
Halimbawa, tayo ay nakahandang gumawa ng malaking pagsusumikap
sa pag-aaral para pag-aralan ang hanapbuhay na magkaloob ng
mataas na sahod o kagalang-galang na katayuan. Itong lahat ay
tanong ng mga pagsusuring kapaki-pakinabang. Sinusuri natin
gaano karaming pagsusumikap ang magdala sa atin sa gayon karami
ring kaligayahan, at kung tayo ay iwanan kasama ang subrang
kaligayahan, tayo ay gumawa para maabot ito. Ginawa tayong lahat
ng ganito.
Ang nag-iisang kaibahan sa pagitan ng tao at ng hayop ay ang tao
ay maaaring umasa sa layuning darating at sumang-ayon para
dumanas sa isang panukat na paghihirap at pighati para sa
gantimpalang darating. Kapag suriin natin ang partikular na tao,
makikita natin na lahat ng mga gawain ay nanggaling sa ganitong
uri ng pagsusuri, at isa iyon, sa katunayan, na magsagawa ng mga
ito nang hindi kinukusa.
Ukol sa Kapaligiran na Pagsasanay
Bagama't ang hangaring magsaya ay nag-atas sa atin na umiwas sa
pighati at piliin ang kasiyahan, tayo ay walang kayang pumili
kahit sa uri ng kasiyahan na ating gusto. Ito ay dahil sa ang
desisyon kung ano ang ikaliligaya ay ganap na hindi-abot sa
ating mga kamay, dahil sa ito ay naugnay sa mga hangarin ng iba.
Ang bawa't tao ay namuhay sa loob ng kapaligiran ng
di-karaniwang mga batas at kultura. Hindi lang sa ang mga ito ay
nagpasya ng mga pamantayan ng ating pag-uugali, nguni't sila ay
nakaapekto din sa ating mga pananaw tungo sa bawa't aspeto ng
buhay.
Sa totoo, tayo ay hindi pumili sa ating pamamalakad sa buhay, ng
ating hanapbuhay, ng ating mga gawain sa oras na tayo ay malaya
sa trabaho, ng pagkain na ating kakainin, o ang uso ng pananamit
na ating sinusunod. Lahat ng ito ay pinili ayon sa mga kapritso
at mga kabaliwan ng lipunan na nakapaligid sa atin.
Bilang karagdagan sa nasabi, hindi kailangan na ang lalong
mabuti na bahagi ng lipunan ang pumili subalit mabuti pa ang
lalong marami. Sa katunayan, tayo ay nakakadena ayon sa mga
ugali at mga gusto ng ating mga lipunan na siyang naging mga
pamantayan sa pag-uugali.
Ang pagtamo sa paghanga ng lipunan ay ang layunin sa lahat ng
bagay na ating ginawa. Kahit na gusto tayo na maging kakaiba,
ang paggawa ng bagay na hindi pa nagawa ng iba noong una o ang
pagbili ng bagay na wala pa sa iba o kahit ang magretiro sa
lipunan at mapahiwalay sa ating mga sarili, ginawa natin ito
para matamo ang paghanga ng lipunan. Mga pag-iisip tulad ng, "Ano
ang masasabi nila tungkol sa akin?" at "Ano ang iniisip nila
tungkol sa akin?" ay ang pinakamahalagang mga dahilan, kahit na
tayo ay mapadako sa pagtanggi at supilin sila. Sa wakas, ang
aminin sila ay parang ipinagwalang-bisa ang ating mga "sarili."
Mula sa lahat na nabanggit sa itaas, saan, kung mayron, natin
mahanap ang malayang pagpili? Para masagot ang tanong na ito,
kailangan muna nating unawain ang ating sariling diwa, at
tingnan kung aling elemento ang nagtaglay sa atin. Sa kanyang
sanaysay, The Freedom, isinulat sa 1933, ipinahayag ni Baal
HaSulam na sa loob ng bawat bagay at sa loob ng bawat tao ay may
apat na dahilan na nagpaliwanag sa kanila.
Tinapos niya ang sanaysay, pagkatapos suriin ang apat na mga
dahilan, na ang ating malayang pagpili lamang ay ang pagpili ng
tamang kapaligiran. Kapag hikayatin nating baguhin ang ating
nakapaligid na mga kalagayan at pabutihin ang ating kapaligiran,
binabago natin ang bisa ng kapaligiran sa ating nababagong mga
katangian, at sa gayon pasyahan ang bukas.
Sa lahat ng mga antas ng Kalikasan—ang walang galaw, halaman,
hayop, at tao—ang tao lamang ang may ulirat na pumili sa kanyang
kapaligiran na nagpaliwanag sa mga hangarin, pag-iisip at mga
gawain. Kaya ang proseso ng pagwawasto ay nababatay sa
pakikitungo ng tao sa kapaligiran. Kung ang ating kapaligiran ay
nagtamo ng mga angkop na pamantayan sa paglago, makamit natin
ang dakilang mga kinalabasan.