Ang bawa't isa sa atin ay nagsumikap na mabigyan ang ating mga anak ng pinakamabuting mga kasangkapan sa buhay. Ito ang dahilan na pinalaki natin silang maging mapagkaloob. Sa totoo, ang pagtuturo ng mas batang henerasyon ay laging batay sa mapagkaloob na mga pagpapahalaga.
Pinalaki natin ang ating mga anak na maging maawain sa iba dahil sa walang kamalayang paraan alam natin na ang pagiging malupit sa iba ay sa wakas masasaktan din. Gusto nating bigyan ang ating mga anak ng seguridad, at nadama natin na tayo ay magtagumpay lamang sa pamamagitan ng edukasyong mapagkaloob.
Sa gayon, ang tiwala ng tao ay hindi nakadepende sa isang tao, kundi sa kapaligiran. Dahil ang kapaligiran ng tao ay nagpakita ng kanyang pananaw tungo nito, lahat ng pinsala ay dumating sa atin mula sa kapaligiran. Sa ano mang paraan, sa pamamagitan ng pagtaguyod ng mga halagang mapagkaloob, madagdagan natin ang pagkakataon na ang lipunan ay hindi makapinsala sa atin.
Ang bawa't lipunan, sa bawa't bansa, sa kabuuan ng kasaysayan, ay nagnais na ipaabot ang mga halagang mapagkaloob sa kanyang mga anak. Ang pinakamakapangyarihan na tao lamang, tulad ng isang manlulupig kung saan ang kanyang mga sundalo ay laging handa para sundin ang kanyang hangarin, ang maykayang magturo sa kanyang mga anak na maging malupit, manhid at walang awa. Pero ang mga anak ng ganoong klaseng tao ay nangangailangan ng napakalaking proteksyon para mabuhay. Kailangan nilang maging handa laban sa bawa't isa, at ipagtanggol ang kanilang sarili sa pamamagitan ng lakas ng sandata.
Ang magandang pananaw tungo sa iba ay nagbigay ng damdamin ng seguridad, kapayapaan at tahimik na siyang pangalawa sa wala. Sa dahilang ito, sinubukan nating palakihin ang ating mga anak sa mga halagang ito. Sa ano mang paraan, at ito ang pinakamahalagang punto, sa panahong makita ng ating mga anak na tayo, sa ating sarili, ay hindi nag-asal sa paraang ito tungo sa iba, sa ganong paraan sila ay maging makasarili gaya natin.
Ang wastong edukasyon ay batay sa wastong mga halimbawa. Ipinakita ba natin sa ating mga anak ang halimbawa ng mapagkaloob na asal tungo sa iba? Tiyak na ang sagot ay negatibo, kahit na pinalaki natin silang maging mapagkaloob nang sila ay bata. Ang bata na nakakita na ang kanyang mga magulang ay hind "lumakad sa lakarin, kundi sa paraang simple ay nagsalita ng salita," ay makadama na ang kanilang mga salita ay walang laman at kasinungalingan. Hanggang sa ipakita nila ang karapat-dapat na paraan ng pag-asal, ito ay walang silbi.
Ang krisis na kinalalagyan natin sa kasalukuyan, at ang ating mapanganib na bukas, ay nag-udyok sa ating gumawa na pagbabago. Hanggang sa ngayon, tinuturuan natin ang ating mga anak na gumawa ng isang bagay, nguni't hindi sinusunod ang ating sariling pangaral. Pero ngayon wala na tayong pagpilian. Kailangan nating baguhin ang ating sariling makasariling pananaw tungo sa iba.
Parami nang paraming tao ay simulang nag-asal sa mapagkaloob na paraan, ang katotohanan na kagigisnan ng ating mga anak ay magbago, at sila ay madaling makaunawa sa mga bagay na para sa atin ay mahirap unawain. Makilala nila na tayong lahat ay bahagi ng nag-iisang sistema, at ayon sa nararapat, ang ating mga ugnayan ay kailangang mapagkaloob. Wala nang iba pang mas mabuti na maaari nating gawin para sa ating mga anak at para sa ating mga sarili.