kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Pananaliksik at Pagkakatuklas

Ano ang aking hinahanap?

Tayo ay dumating sa pag-uusisa hinggil sa espiritwal mula sa pangangailangan, ang kakulangan ng isang bagay. Ano ang "isang bagay" na ito tayo ay hindi segurado. Sa paraang payak alam natin na tayo ay nagmintis ng isang bagay; at ang ating mga kabiguan sa ating pananaliksik na gumanap sa kakulangang ito ay parang nagbigay lamang ng pagkakataong ito ay lalong tumubo.

Sa isang punto, para sa mga pinakamaswerte nitong nakaramdam ng pagkukulang, na hindi maaaring punuin kahit saan sa loob ng ating mundo, kahit paano ay makita natin ang ating mga sarili na dumampot ng aklat, nakinig ng panayam o tumingin-tingin sa website na ating natuklasan na naglaan ng atensyon sa mahiwagang kakulangang ito.

Sa simula, ang ating pag-uusisa nitong kalabisan ng impormasyon ay mukhang patid, walang kaugnayan sa ating pagkukulang, at gaya ng patakaran, ay ganap at lubos na nakakalito. Ngunit sa mga tunay na matiyaga sa atin, sa isang taong saan ang pagkukulang na ito ay labis, ay patuloy na nananaliksik palalim ng palalim. "Ano ang aking makukuha sa lahat ng impormasyong ito? Bakit ito humila sa akin? Ano ang nasa impormasyong ito na makapagtulong sa akin na isakatuparan ang pagkukulang na ito, ang pangangailangang ito, saan ang lahat ng aking ibang pananaliksik ay nabigo?" Talaga, ang tunay na tanong ay: "Ano talaga ang aking hinahanap?"

Ang pahiwatig sa sagot ng tanong na ito ay nakatago sa loob ng ating mga karanasan—ng tayo ay mga bata at ng tayo ay mga magulang. Kung isipin nating pabalik noong tayo ay bata, agad-agad maalaala natin ang mga masayang alaala ng mga araw saan ang pakialam lamang natin ay kung anong uri ng laro punuin natin ang ating araw. Marahil ang pagbibisiklita susundan ng pakikitagpo ng mga kababatang kaibigan sa luneta at ang saliksikin ang mga kapuri-puring sangkap sa paglalaro na mayroon tayong pagpipilian. O marahil dalhin tayo ng ating mga magulang sa isang espesyal na lugar. Sinong bata ang hindi makaalaal ng kanyang unang pagpunta sa alagaan ng iba't-ibang hayop? At saka, marahil tayo ay nasa loob lamang ng bahay at naglaro ng kung anong laro at mga laruan na kanilang binili para sa atin.

Ngunit kapag ihambing natin ang ating mga pagdaramdam sa mga karanasang ito sa mga pagdaramdam ng magulang na nanonood ng kanyang mga anak sa parehong kalagayan, maski na ang mga laruan ay may pagbabagong konte, ang ating pananaw ay kakaiba sa anyong nakakaantig. Ating nakita na ang pagbibisiklitang iyon ay ehersisyo at paraang pakawalan ang kinimkim na lakas para sa ating mga anak. Ating nakita na ang pakikipagkita nila sa kanilang mga kaibigan sa luneta ay paraan para pagyamanin ang panlipunang kasanayan na kanilang kailangan sa kapanahunan nila. Ang biyahe sa alagaan ng iba't-ibang mga hayop ay nagbigay ng kawili-wiling kaalaman na mayroong buong mundo na hindi pa nasisiyasat. At ang mga laro at laruan na kanilang nilaro sa loob ng bahay na mabusising pinili para matulungan silang pagyamanin ang kanilang mga prosesong nagbibigay-malay na siyang makapagbigay ng malawak na biyaya kung sila ay magsimula nang pumunta sa eskwela.

Ang ating mga alaala ng ating sariling kabataan ay nagdala ng walang gunita sa kung anong nangyari nang lihim sa ating mga araw na puno ng kasiyahan. Ni hindi natin maiugnay ang mga alaalang iyon sa hindi mapaniniwalaang halaga sa bawa't isa ng mga karanasang iyon na nagpapel sa ating sariling personal na pagsulong. Bilang mga bata, tayo sa paraang payak ay gustong "magkaroon ng kasiyahan," maglaro at magpakaligaya—tumanggap ng kasiyahan. Pero kung tayo ay huminto ng sandali at ihambing ang mga kalagayang ito na ating naranasan sa ngayong nakilala natin bilang mga magulang, natuklasan natin na ang bawa't isa at bawa't karanasan na mayron tayo bilang bata ay puno ng layunin para akayan tayo at turuan tayo patungo sa pagsulong sa may sapat na gulang.

Subalit ano kung ang parehong pangyayari ay umiral sa pagkakataong ito kasama tayong lahat, bilang "mga magulang"? Talaga bang di natin gagawin ang mga parehong bagay ngayon bilang bata? Tayo ba ay hindi naghahanap ng mga paraan para mabigyang kasiyahan ang ating mga sarili, punuin ang mga sarili natin ng mga kasiyahan sa lahat ng mga uri nito? Kung ating tingnan ang mga paghihirap na ating hinarap bawa't araw gaya ng parehong paghihirap na hinaarap ng bata araw-araw, ang pananaliksik para sa mga paraang magpakasaya sa sandaling ito o sa sandaling darating. tayo ay simulang makaunawa na tayo ay talagang walang kaibahan sa batang tayo sa mga taong lumipas.

Kung isasaalang-alang ang mga pinagmulan ng kasiyahan ay nagbago mula sa pagbibisiklita sa maglibang sa mabuting kalusugan, mula sa paglalaro sa luneta kasama ang ating mga kaibigan sa maglibang ng malawak na pagpipilian ng libangan kasama ang mga adultong kaibigan, mula sa pagbisita ng alagaan ng iba't ibang hayop sa mga kahanga-hangang bakasyon, at mula sa mga laruan at mga laro na ating nilaro sa mga edukasyong tumulong sa ating kumita ng pera bilang mga adulto. Mangyari pa, ang mga adulto ay hindi nag-ugnay ng mga bagay "adulto" sa parehong antas sa kanilang mga bata, subalit sa wakas ng araw, wala talagang kaibahan.

Pero bumalik tayo doon sa pagkukulang na una nating pinag-uusapan, ang bagay na siyang naging dahilan sa pagsimula ng ating pananaliksik at pag-uusisa. Kung ating pag-aralan ang ating mga bata at ang kanilang pagtubo, mayroong ibang hangarin na ating makita na simulang tumubo. Ito ay kadalasan mahalata kapag ang ating mga bata ay simulang gayahin ang mga adulto sa iba't ibang mga gawain. Ang anak ng bombero ay maaaring magsuot ng sapatos at sombrero ng kanyang amang bombero, at saka maglaro ng laro na animo siya ay bombero. Ang anak ng manggagamot ay maaaring magkaroon ng kanyang sariling laruang kasangkapan ng manggagamot na puno ng mga laruan na nagbigay sa kanyang magpanggap bilang katulad ng kanyang ina, ang manggagamot. Ano talaga ang nangyari dito ay ang bata ay simulang nakatuklas ng lubosang bagong hangarin, ang hangaring maging adulto, na gustong lumaki.

Katulad ng batang iyon na simulang nakatuklas ng pinakamahalaga sa mga hangarin, tayo rin ay makaranas ng hangarin, ang pagkukulang sa kaparehong bagay na ito. Sa ngayon ang pagkukulang na ito ay di maaaring maisakatuparan sa ating mga karaniwang mga laruan at mga laro, ang mga saling adulto, dahil sa ang mga hangaring dulot ng mga laruan at mga laro ay hindi maisakatuparan sa pagkukulang na ito. Ang mga hangaring ito ay nauugnay sa bagay na kasindayuhan sa pagtubong nagbibigay-malay sa batang naglalaro ng mga laruan at mga laro na hindi kailanman makaunawa sa tunay na layunin ng mga laro.

Mula sa palagay espiritwal, tayong lahat ay mga bata, naglalaro ng ating mga laruan at mga laro na tinawag nating ating buhay panlupa, lubosang walang nalalaman sa ating mga magulang na espiritwal na tumulong sa ating sumulong. Subalit kapag ang isang tao ay simulang makadama sa pagkukulang na ito, pagkukulang na hindi nagmula ng ating pagkasilang, pagkukulang na di-maaaring maisakatuparan sa ating adultong "mga laruan at mga laro," ang isang tao ay simulang makatuklas ng hangaring tumubo sa pagiging adulto—sa paraang espiritwal.

Ano ang ibig sabihin nito? Bilang mga bata, tayo ay isinilang kasama ng hangaring tumanggap ng kasiyahan. Iyon ang payak na ating nalalaman. At tayo ay palaging nananaliksik ng mga paraan para maisakatuparan ang hangaring ito. Subalit mula sa kung saan, ang bagong hangarin ay lumitaw sa loob ng bata, ang hangaring maging tulad ng ama o ina, ang hangaring gustong tumubo, maging adulto.

Bilang mga adulto tayo ay nanatiling nasa loob ng hangaring tumanggap ng kasiyahan; at lahat ng ating mga gawain ay inakay nito hanggang sa sandaling kailan, tulad ng bata, natuklasan natin na tayo ay gustong tumubo. Tayo ay binigyan ng mga laruan at mga larong laruin ng di-makitang magulang, ang espiritwal na magulang, para tulungan tayong tumubo. Ngunit nang matuklasan natin ang hangaring itong maging katulad ng di-makitang magulang na ito, ang nadama natin ay ang hangaring gawin kung ano ang ginagawa ng mahiwagang magulang na ito—ang magbigay. Natukalasan natin na para matamo ang katangiang ito ng ating "espiritwal na magulang" na tinawag na kaloob ay ang maging tunay na adulto, espiritwal na adulto. At saka, gaya ng batang nagsimula ng prosesong maging adultong makalupa, tayo ay nagsimula ng prosesong maging espiritwal na adulto. Ano talaga ang ating natuklasan? Natuklasan natin kung sino talaga tayo at ang tunay na layunin sa ating pag-iiral.