Aklat na Shamati, Sanaysay # 10
Aking narinig sa Tamuz, Hulyo 1944
Tandaan, na kung ang tao ay magsisimulang lumakbay sa daan na gustong gumawa ng lahat na bagay para sa Lumikha, ang tao ay dumadating sa mga kalagayan ng pag-akyat at pagbaba. Minsan ang tao ay dumadating sa napakalaking pagbaba na ang tao ay magkaroon ng pag-iisip na iiwas sa Torah at Mitzvot, ibig sabihin mga pag-iisip na dumadating sa tao na siya ay walang hangarin na mapunta sa nasasakupan ng Kedusha (Kabanalan).
Sa kalagayang iyon dapat ang tao ay maniwala na ito ay ang kabaligtaran, ibig sabihin na ang Kedusha ang lumalayo sa kanya. Ang rason ay sa panahong gusto ng tao na dungisan ang Kedusha, ang Kedusha ay pupunta sa unahan at nauunang lumalayo sa kanya. Kung ang tao ay maniniwala nito at magwagi sa panahon ng pagtakas, sa gayon ang Brach (Pagtakas) ay maging Barech (basbas), gaya ng sinulat, "Basbasan, Panginoon, ang kanyang katuturan at tanggapin ang gawain ng kanyang mga kamay."