kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Ligayang May Panginginig

Aklat na Shamati, Sanaysay # 11
Aking narinig sa 1948

Ang ligaya ay isinaalang-alang na pag-ibig, iyon ay pag-iiral. Ito ay katulad sa taong magtatayo ng bahay para sa kanyang sarili na hindi gumawa ng anumang butas sa pader. Makita mo na hindi siya makakapasok sa bahay, dahil walang ukang lugar sa pader ng bahay na maaaring makapasok sa loob nito. Kung kaya, ang ukang espasyo ay dapat gawin para ang tao ay makakapasok sa bahay.

Kaya, kung saan mayroong pag-ibig, dapat mayroon ding takot, dahil ang takot ay ang uka. Sa ibang mga salita, dapat pukawin ng tao ang takot na siya ay hindi maaaring tumutok sa pagkaloob.

Makita natin na kung ang dalawa ay nandoon, mayroong kabuuan. At kung hindi, ang bawa't isa ay gustong pawalan ng bisa ang isa pa, at sa dahilang ito dapat subukan ng tao ang dalawa sa parehong lugar.

Ito ang kahulugan ng pangangailangan sa pag-ibig at takot. Ang pag-ibig ay tinawag na pag-iiral, samantalang ang takot ay tinawag na kakulangan at uka. Tanging kung ang dalawa ay magkasama ay mayroong kabuuan. At ito ay tinawag na "dalawang paa," at tiyak na kung ang tao ay may dalawang paa ang tao ay makakalakad.