Ang Aklat ng Shamati, Sanaysay #138
Aking narinig sa 1942
Kapag ang takot ay darating sa tao, dapat niyang malaman na wala nang iba maliban sa Kanya. At kahit ang karunungang itim. At kung makita ng tao na ang takot ay nanaig sa kanya, dapat niyang sabihin na walang ganoong mga bagay gaya ng sapalaran, kundi ang Panginoon ay nagbigay sa kanya ng pagkakataon buhat sa Itaas, at dapat siyang magmuni-muni at mag-aral ng layunin kung bakit pinadalhan siya nitong takot. Ito ay maging malinaw sa kanya at siya ay magtatagumpay at magsabi, "wala nang iba maliban sa Kanya."
Nguni't kung pagkatapos sa lahat na ito, ang takot ay hindi pa rin umalis sa kanya, dapat kunin niya ito bilang halimbawa at sabihin na ang paglilingkod ng tao sa Lumikha ay dapat sa parehong sukat ng takot, nangangahulugan na ang takot sa Panginoon, na isang merito, ay dapat sa parehong paraan ng takot na mayroon siya ngayon. Ibig sabihin, ang katawan ay natalaban ng takot na paimbabaw, at talagang sa parehong paraan na ang katawan ay natalaban, ang takot sa Panginoon ay dapat.