kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Ano ang Araw ng Panginoon at ang Gabi ng Panginoon, sa Gawain

Aklat na Shamati, Sanaysay # 16
Aking narinig sa 1941, Herusali

Sinabi ng ating mga taong paham tungkol sa talata, "Kasawiang-palad sa inyo na naghahangad ng araw ng Panginoon! Nasaan kaya kayo sa araw ng Panginoon? Ito ay kadiliman, at hindi liwanag" (Amos 5): "Mayroong talinghaga tungkol sa tandang at sa paniki na naghihintay ng liwanag. Sinabi ng tandang sa paniki: 'Ako ay naghihintay sa liwanag dahil ang liwanag ay akin; pero ikaw, ano ang pangangailangan mayron ka sa liwanag?'" (Sanhedrin 98,2). Ang interpretasyon ay dahil ang paniki ay walang mga mata para makakita, ano ang makukuha niya sa liwanag ng araw? Sa kabaligtaran, para sa taong walang mga mata, ang liwanag ng araw ay lalo lamang magpadilim.

Dapat nating maintindihan ang talinghagang iyon, ibig sabihin paano ang mga mata ay nauugnay sa pagtingin ng Liwanag ng Maykapal, na siyang pinangalanan ng teksto na "araw ng Panginoon." Sila ay nagbigay ng talinghaga sa pagmamasid na iyon tungkol sa paniki, na ang taong walang mga mata ay mananatili sa dilim.

Dapat din nating maintindihan ano ang araw ng Panginoon at ano ang gabi ng Panginoon, at ano ang kaibahan sa pagitan nila. Ating maunawaan ang araw ng mga tao sa pagsikat ng araw, pero sa araw ng Panginoon, sa ano maunawaan natin ito?

Ang sagot ay, gaya ng paglitaw ng araw. Sa ibang mga salita, sa panahong ang araw ay sumisikat sa lupa, tinatawag natin ito na "araw." At sa panahong ang araw ay hindi sumisikat, ito ay tinawag na "kadiliman." Ito ay katulad sa Lumikha. Ang araw ay tinawag na "rebelasyon" at ang kadiliman ay tinawag na "pagkatago ng mukha."

Ito ay nangangahulugan na sa panahong may rebelasyon sa mukha, kung ito ay kasing-linaw gaya ng araw para sa tao, ito ay tinawag na "ang araw." Ito ay katulad ng sinabi ng ating mga taong paham  (Psachim 2) tungkol sa talata, "Ang mamamatay-tao ay bumabangon sa liwanag, para patayin ang pulubi at nagdaralita; at sa gabi siya ay tulad ng magnanakaw." Dahil sinabi niya, "at sa gabi siya ay tulad ng magnanakaw," ito ay maunawaan na ang liwanag ay araw. Sinasabi niya doon, na kung ang bagay ay kasing-linaw sa iyo gaya ng liwanag na dumadating sa ibabaw ng mga kaluluwa, siya ay mamamatay-tao, at posibleng ligtasin siya ng kanyang kaluluwa. Kaya makikita natin na tungkol sa araw, ang Giarah ay nagsasabi na ito ay kasing-linaw sa araw.

Ito ay mauunawaan na ang araw ng Panginoon ay mangangahulugan na ang Maykapal—paano ang Lumikha namumuno sa mundo—malinaw na maging sa anyo ng kabutihan. Halimbawa, kung ang tao ay mananalangin, ang kanyang dalangin ay agad-agad sagutin at siya ay makakatanggap ng anumang kanyang dinadalangin, at ang tao ay magtatagumpay kahit saan siya lumilingon. Ito ay tinawag na "ang araw ng Panginoon."

Pasalungat, kadiliman, na siyang ang gabi, ay mangangahulugan ng pagkatago ng mukha. Ito ay magdadala ng tao sa mga alinlangan sa mapagkawanggawang patnubay at kakaibang mga pag-iisip. Sa ibang mga salita, ang pagkatago ng patnubay ay magdadala ng tao ng lahat ng mga kakaibang pananaw at pag-iisip. Ito ay tinawag na "gabi" at "kadiliman." Gaya ng, ang tao ay makakaranas ng kalagayan kung saan ang tao ay makakadama na ang mundo ay naging madilim sa kanya.

Ngayon ating maiinterpret kung ano ang nakasulat, "Kasawiang-palad sa inyo na naghahangad ng araw ng Panginoon! Nasaan kaya kayo sa araw ng Panginoon? Ito ay kadiliman, at hindi liwanag."  Ang bagay ay iyong naghihintay ng araw ng Panginoon, ito ay nangangahulugan na sila ay naghihintay na pagkalooban ng paniniwala sa ibabaw ng rason, ang paniniwalang iyon ay maging kasing-tibay na parang sila ay nakakakita sa kanilang mga mata, na may kaseguradohan, na iyon ay ganoon, nangangahulugang ang Lumikha ay nangangasiwa ng mundo sa kabutihan.

Sa ibang mga salita, hindi sila gustong makakita paano ang Lumikha nangangasiwa ng mundo sa kabutihan, dahil ang pagkakakita ay salungat sa paniniwala. Sa ibang mga salita, ang paniniwala ay talagang kung saan ito ay laban sa rason. At kung ang tao ay gumagawa ng anuman na laban sa kanyang rason, ito ay tinawag na "paniniwala sa ibabaw ng rason."

Ito ay nangangahulugan na sila ay naniniwala na ang patnubay ng Lumikha sa ibabaw ng mga nilalang ay mapagkawang-gawa. At habang sila ay hindi nakakakita nito sa ganap na katiyakan, sila ay hindi magsasabi sa Lumikha, "Kami ay gustong makakita ng kabutihang-loob gaya ng pagkakakita sa loob ng rason." Sa halip, sila ay gustong ito ay mananatili sa kanila gaya ng paniniwala sa ibabaw ng rason.

Pero sila ay humihingi sa Lumikha na pagkalooban sila sa ganoong lakas na ang paniniwalang ito ay maging malakas, gaya ng parang makikita nila ito sa loob ng rason. Ibig sabihin na wala ng kaibahan sa pagitan ng paniniwala at kaalaman sa isip. Ito ang kanilang, ibig sabihin sa mga taong gustong kumapit sa Lumikha, tinutukoy na "ang araw ng Panginoon."

Sa ibang mga salita, kung madadama nila ito na kaalaman, kung gayon ang Liwanag ng Maykapal, tinawag na "ang Lalong Mataas na Kasaganaan," ay pupunta sa mga sisidlan ng pagtanggap, tinawag na "nahiwalay na mga sisidlan." At sila ay hindi gusto nito, dahil ito ay mapupunta sa hangarin para tumanggap, na siyang kabaligtaran ng Kedusha (Kabanalan), na siyang laban sa hangarin para tumanggap para sa sariling kasiyahan. Sa halip, sila ay gustong maging dikit sa Lumikha, at ito ay maaari lamang sa pamamagitan ng pagkapareho ng anyo.

Subali't, para matamo iyon, ibig sabihin para sa taong gustong magkaroon ng hangarin at pangangailangang kumapit sa Lumikha, dahil ang tao ay isinilang na kasama ang kalikasan ng hangarin para tumanggap lamang para sa kanyang sariling kapakanan, paano ito posible para matamo ang bagay na talagang laban sa kalikasan? Para sa rason na ito ang tao ay dapat gagawa ng malalaking mga pagpupunyagi hanggang matatamo niya ang pangalawang kalikasan, na siyang ang hangarin para magkaloob.

Kung ang tao ay pinagkalooban ng hangaring magkaloob, siya ay kwalipikado na tumanggap ng Lalong Mataas na Kasaganaan na kasama nito, at hindi mantsahan, dahil lahat ng mga depekto ay darating lamang sa pamamagitan ng hangarin para tumanggap para sa sarili. Sa ibang mga salita, kahit kung ang paggawa ng bagay para magkaloob, sa kaloob-looban mayroong pag-iisip na makakatanggap siya ng bagay para sa gawaing ito ng pagkaloob na kanyang ginawa ngayon.

Sa isang salita, ang tao ay hindi makakagawa ng anumang bagay kung hindi siya makakatanggap ng bagay na kapalit para sa gawain. Ang tao ay dapat magsaya, at anumang kasiyahan na matatanggap ng tao para sa sarili, ang kasiyahang iyon ay dapat magdulot sa kanya ng pagkahiwalay mula sa buhay ng mga buhay, sa pamamagitan ng pagkahiwalay.

Ito ay magtitigil ng tao sa pagiging madikit sa Lumikha, dahil ang bagay ng Dvekut (Debosyon) ay sinusukat sa pamamagitan ng pagkapareho ng anyo. Kaya imposibleng magkaroon ng tunay na pagkaloob na walang halong pagtanggap mula sa kanyang sariling mga lakas. Kung kaya, para ang tao ay magkaroon ng mga lakas ng pagkaloob, tayo ay mangangailangan ng pangalawang kalikasan, sa gayon ang tao ay magkakaroon ng lakas para matamo ang pagkapareho ng anyo.

Sa ibang mga salita, ang Lumikha ay ang taga-bigay at hindi tumatanggap ng anumang bagay, dahil wala Siyang pagkukulang. Ito ay nangangahulugan na kung ano ang Kanyang binibigay ay hindi din dahil sa pangangailangan, ibig sabihin na kung wala Siyang mapagbigyan, Siya ay makakadama nito na pangangailangan.

Sa halip, dapat maunawaan natin ito na isang laro. Iyon nga, ito ay hindi na kung Siya ay gustong magbigay, ito ay bagay na Siya ay nangangailangan; pero itong lahat ay tulad ng isang laro. Ito ay gaya ng sinabi ng ating mga taong paham tungkol sa ginang: Siya ay nagtanong, "Ano ang ginagawa ng Lumikha pagkatapos Niya likhain ang mundo?" Ang sagot ay, "Siya ay umuupo at naglalaro sa balyena," gaya ng sinulat "Doon pumunta ang mga barko sa dagat, at Lebyatan (ang halimaw sa dagat), na Iyong binuo para paglaruan sa loob nito" (Avoda Zarah (Pagsasamba ng Anito), p. 3).

Ang bagay ng Lebyatan ay tumutukoy sa Dvekut at koneksyon (gaya ng sinulat, "ayon sa espasyo ng bawa't isa, may mga koronang bulaklak"). Ito ay nangangahulugan na ang layunin, na siyang ang koneksyon ng Lumikha sa mga nilalang, ay laro lamang; ito ay hindi bagay ng hangarin at ng pangangailangan.

Ang kaibahan sa pagitan ng laro at ng hangarin ay na lahat ng bagay na dumadating sa hangarin ay pangangailangan. Kung hindi matatamo ng tao ang kanyang hinahangad, ang tao ay said. Subali't, sa laro, kahit hindi matatamo ng tao ang bagay, ito ay hindi tinuring na kakapusan, gaya ng sinasabi nila, "hindi masyadong masama na hindi ko natamo ang aking naisip, dahil ito ay hindi masyadong importante." Ito ay ganito dahil ang hangarin na mayron ang tao para nito ay mapaglaro lamang, at hindi seryoso.

Ating mauunawaan, na ang buong layunin ay na ang gawain ng tao ay ang pagiging ganap sa pagkaloob, at siya ay hindi magkakaroon ng hangarin at pagnanais na tumanggap ng kasiyahan para sa kanyang gawain.

Ito ay mataas na antas, gaya ng ito ay isinakatuparan doon sa Lumikha. At ito ay tinawag na "ang araw ng Panginoon."

Ang araw ng Panginoon ay tinawag na "pagkabuo," gaya ng sinulat, "Hayaan ang mga bituin ng umaga na dulot doon magdidilim; hayaan ito na maghanap ng liwanag, pero wala." Ang liwanag ay tinuring na pagkabuo.

Kung ang tao ay magtatamo ng pangalawang kalikasan, ng hangaring magkaloob, na siyang binibigay ng Lumikha sa tao kasunod sa unang kalikasan, ang hangaring tumanggap, at ngayon ay tumatanggap ng hangaring magkaloob, kung gayon ang tao ay kwalipikadong maglingkod sa Lumikha sa kalubus-lubusan, at ito ay tinuring na "ang araw ng Panginoon."

Kung kaya, ang taong hindi pa nakatamo ng pangalawang kalikasan at maaaring maglingkod sa Lumikha sa anyo ng pagkaloob, at naghihintay na gagantimpalaan niyan, ibig sabihin pagkaloob, ibig sabihin na kung ang tao ay nagbuhos na ng lakas at ginawa ang lahat para matamo ang lakas na iyon, siya ay tinuring na naghihintay ng araw ng Panginoon, ibig sabihin para magkaroon ng pagkapareho ng anyo sa Lumikha.

Kung ang araw ng Panginoon ay darating, siya ay nagagalak. Siya ay masaya na nakalabas siya sa lakas ng hangaring tumanggap para sa sarili, na nakapaghiwalay sa kanya mula sa Lumikha. Ngayon ang tao ay kumakabit sa Lumikha, at tinuturing ito gaya ng pag-akyat sa pinaka-itaas.

Subali't, ito ay ang kabaligtaran sa taong ang gawain ay pagtanggap sa sarili lamang. Ang tao ay maligaya habang siya nag-iisip na magkakaroon siya ng anumang gantimpala mula sa kanyang gawain. Kung makikita ng tao na ang hangaring tumanggap ay hindi makakatanggap ng anumang gantimpala para sa kanyang gawain, ang tao ay magiging malungkot at tamad. Kung minsan ang tao ay mag-iisip tungkol sa simula, at magsasabi, "Ako ay hindi sumumpa dito."

Kung kaya, bilang karagdagan sa nasabi, ang araw ng Panginoon ay ang pagtatamo ng lakas para magkaloob. Kung sinabi sa tao na ito ang maging ganansya niya mula sa pag-aabala ng Torah at Mitzvot, ang tao ay magsabi, "Aking tinuturing ito na kadiliman, hindi liwanag," dahil ang kaalamang ito ay magdadala ng tao sa kadiliman.