Aklat na Shamati, Sanaysay # 17
Aking narinig sa 1941, Herusali
Korona ay nangangahulugang Keter, at Keter ay ang Pinagmulan at ang Ugat. Kedusha (Kabanalan) ay naugnay sa ugat, ibig sabihin ang Kedusha ay tinuring na pagkakapareho ng anyo sa kanyang ugat. Ito ay nangangahulugan na gaya ng ating ugat, ang Lumikha, ay gusto lamang magkaloob, gaya ng sinulat, "Ang Kanyang hangarin ay gumawa ng mabuti sa mga nilalang," kaya ang Kedusha ay pagkaloob lamang sa Lumikha.
Subali't ang Sitra Achra ay hindi ganoon. Siya ay naglalayon lamang na tumanggap para sa kanyang sarili. Para sa rason na ito, siya ay walang pagkakadikit sa ugat, ang Keter. Kaya ang Sitra Achra ay tinukoy na walang Keter (korona). Sa ibang mga salita, siya ay walang Keter dahil siya hiwalay mula sa Keter.
Ngayon maiintindihan natin kung ano ang sinabi ng ating mga taong paham (Sanhedrin 29), "Lahat na magdagdag, magbawas." Ito ay nangangahulugan na kung ikaw ay magdagdag sa bilang, ito ay magbabawas. Ito ay sinulat (Zohar, Pekudei paksa 249), "Ito ay pareho dito, nauugnay sa kung ano ang nasa loob, sinusulat, 'Sa karagdagan ikaw ay dapat gumawa ng tabernakulo na may sampung kurtina.' Kaugnay sa kung ano ang nasa labas, sinusulat, 'labing-isang kurtina,' magdadagdag ng letra, ibig sabihin magdagdag ng Ayin (ang dinagdag na letrang Hebreo) sa labindalawa, at magbabawas sa bilang. Ito ay magbabawas ng isa mula sa numerong labindalawa dahil sa pagdadagdag ng Ayin sa labindalawa.
Ito ay napag-alaman na ang kalkulasyon ay isinagawa lamang sa Malchut, na kumakalkula ng kataasan ng antas (sa pamamagitan ng Ohr Hozer na nasa kanya). Ito ay napag-alaman din na ang Malchut ay tinawag na "hangaring tumanggap para sa kanyang sarili."
Kung siya ay magkakansela ng kanyang hangaring tumanggap sa harapan ng ugat, at hindi gustong tumanggap, kundi magbigay lamang sa ugat, tulad ng ugat, na siyang ang hangaring magkaloob, kung gayon ang Malchut, tinawag na Ani (Ako), ay magiging Ein (wala). Sa gayon lamang siya makapagpahaba ng Liwanag ng Keter para buuhin ang kanyang Partzuf at magiging labindalawang Partzufim ng Kedusha.
Subali't, kung siya ay gustong tumanggap para sa kanyang sarili, siya ay magiging masamang Ayin (Mata). Sa ibang mga salita, kung saan mayroong kumbinasyon ng Ein, nangangahulugang pagkakansela sa harapan ng ugat, na siyang ang Keter, ito ay nagiging Ayin (nangangahulugang makakita at makaalam sa loob ng rason).
Ito ay tinawag na pagdadagdag. Nangangahulugan na ang tao ay gustong magdagdag ng kaalaman sa paniniwala, at gumawa sa loob ng rason. Sa ibang mga salita, siya ay magsasabi na mas kapaki-pakinabang na gumawa sa loob ng rason, at pagkatapos ang hangaring tumanggap ay hindi tututol sa gawain.
Ito ay magdudulot ng kakulangan, ibig sabihin sila ay nakahiwalay sa Keter, tinawag na "ang hangaring magkaloob," na siyang ang ugat. Wala na ang bagay ng pagkapareho ng anyo sa ugat, tinawag na Keter. Para sa dahilang ito, ang Sitra Achra ay tinawag na “Malchut na walang Korona.” Ibig sabihin na ang Malchut ng Sitra Achra ay walang Dvekut (debosyon) sa Keter. Para sa dahilang ito, sila ay mayroon lamang labing-isang Partzufim, walang Partzuf Keter.
Ito ang kahulugan ng sinulat ng ating mga taong paham, "siyam napu't siyam ang namatay sa masamang mata," ibig sabihin dahil sila ay walang pag-uunawa ng Keter. Ito ay nangangahulugan na ang Malchut na nasa kanila, na siyang ang hangaring tumanggap, ay walang gustong magkansela sa harapan ng ugat, tinawag na Keter. Ibig sabihin na sila ay walang gustong gawin ang Ani (Ako), tinawag na "ang hangaring tumanggap," sa pag-uunawa ng Ein (wala), na siyang ang pagkansela ng hangaring tumanggap.
Sa halip, gusto silang magdagdag. At ito ay tinawag na "ang masamang Ayin" (Mata). Iyon nga, kung saan dapat mayroong Ein taglay ang Aleph (ang unang letra sa salitang Ein), isiningit nila ang masamang Ayin (Mata, ang unang letra sa salita). Kung kaya, sila ay nahulog mula sa kanilang antas dahil sa kakulangan ng Dvekut sa ugat.
Ito ang kahulugan ng sinabi ng ating mga taong paham, "Sinuman ang mapagmalaki, ang Lumikha ay magsabi, 'Siya at Ako ay di-maaaring maninirahan sa parehong tahanan,'" dahil siya ay gumawa ng dalawang kapangyarihan. Subali't, kung ang tao ay nasa kalagayan ng Ein, at siya ay magkansela ng kanyang sarili sa harapan ng ugat, ibig sabihin na ang kanyang nag-iisang intensyon ay magkaloob lamang, tulad ng ugat, makita mo ang iisang kapangyarihan lamang dito—ang kapangyarihan ng Lumikha. Kung kaya, lahat na matanggap ng tao sa mundo ay para magkaloob lamang sa Lumikha.
Ito ang kahulugan ng kanyang sinabi, "Ang buong mundo ay nilikha para sa akin, at ako, para maglingkod sa aking Lumikha." Para sa dahilang ito ako ay dapat tumanggap ng lahat ng mga antas sa mundo para ako makakapagbigay ng lahat sa Lumikha, tinawag na "para maglingkod sa aking Lumikha."