kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Ano ang Aking Kaluluwa ay Iiyak sa Tago, sa Gawain

Aklat na Shamati, Sanaysay # 18
Aking narinig sa 1940, Herusalem

Kung ang pagkatago ay mananaig sa tao at siya ay darating sa kalagayan kung saan ang gawain ay magiging walang lasa, at hindi niya maiilarawan at madama ang anumang pag-ibig at takot, at hindi siya makakagawa ng anumang bagay sa kabanalan, sa gayon ang nag-iisang payo sa kanya ay ang umiyak sa Lumikha na siya ay kaawaan at alisin ang tabing mula sa kanyang mga mata at puso.

Ang usapin ng pag-iyak ay ang pinakaimportanteng bagay. Ito ay gaya ng sinulat ng ating mga taong paham:  "lahat ng mga pintuan ay nakakandado maliban sa mga pintuan ng mga luha." Ang mundo ay nagtatanong tungkol diyan: Kung ang mga pintuan ng mga luha ay hindi nakakandado, sa anumang bagay ang kailangan para sa mga pintuan? Siya ay nagsabi na ito ay tulad ng isang taong humihingi sa kanyang kaibigan ng mangilan-ngilang bagay na kinakailangan. Ang bagay na ito ay nagbabago ng kanyang puso, at siya ay humihingi at nagsusumamo sa kanya sa bawa't paraan ng dalangin at pakiusap. Nguni't, ang kanyang kaibigan ay hindi bumibigay-pansin sa lahat ng mga iyon. At kung makita ng tao na wala nang rason para sa mga dalangin at pakiusap, siya sa gayon ay magtataas ng kanyang boses sa pag-iiyak.

Ito ay sinabi tungkol diyan: "Lahat ng mga pintuan ay nakakandado maliban sa mga pintuan ng mga luha." Kaya, kailan ang mga pintuan ng mga luha hindi nakakandado? Tiyakang kung kailan ang lahat ng mga pintuan ay nakakandado. Sa gayon ay mayroong lugar para sa mga pintuan ng mga luha at sa gayon makikita ng tao na sila ay hindi nakakandado.

Subali't, kung ang mga pintuan ng dalangin ay bukas, ang mga pintuan ng mga luha at pag-iyak ay irelebante. Ito ang kahulugan ng mga pintuan ng mga luha na nakakandado. Kaya, kailan ang mga pintuan ng mga luha ay hindi nakakandado? Tiyakang kung kailan lahat ng mga pintuan ay nakakandado, ang mga pintuan ng mga luha ay bukas. Ito ay dahil ang tao ay mayroon pang payo ng dalangin at pakiusap.

Ito ang kahulugan ng "Ang aking kaluluwa ay iiyak sa tago," nangangahulugan kung ang tao ay darating sa kalagayan ng pagkatago, sa gayon "Ang aking kaluluwa ay iiyak," dahil ang tao ay wala nang ibang pagpipilian. Ito ang kahulugan ng "Anumang bagay na magagawa ng iyong mga kamay, iyon ang gagawin mo."