kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Ano ang Ibig Sabihin na ang Lumikha ay Nagagalit sa mga Katawan, sa Gawain

Aklat na Shamati, Sanaysay # 19
Aking narinig sa 1943, Herusalem

Ang Banal na Zohar ay nagsasabi na ang Lumikha ay nagagalit sa mga katawan. Siya ay nagsabi, na dapat nating interpretahin ito na tumutukoy sa hangaring tumanggap, tinawag Guf (lit. Katawan). Ang Lumikha ay naglikha sa Kanyang mundo sa Kanyang kaluwalhatian, gaya ng sinulat, "Ang bawa't isa na tinawag sa Aking pangalan, at aking nilikha para sa Aking kaluwalhatian, hinubog Ko siya, oo, ginawa Ko siya."

Kung kaya, ito ay sumasalungat sa argumento ng katawan na ang lahat ng bagay ay para nito, ibig sabihin para lamang sa kanyang sariling kapakanan, habang ang Lumikha ay nagsasabi ng kabaligtaran, na ang lahat na bagay ay dapat para sa Lumikha. Kaya, sinabi ng ating mga taong paham na ang Lumikha ay nagsabi, "siya at Ako ay hindi maaaring manirahan sa iisang tirahan."

Ito ay masusundan, na ang pangunahing maghiwalay mula sa pagiging madikit sa Lumikha ay ang hangaring tumanggap. Ito ay malinaw kung ang masama ay dumating; ibig sabihin na ang hangaring tumanggap ay dadating at magtatanong, "Bakit gusto mong gumawa para sa Lumikha?" Ating maiisip na ito ay magsasabi gaya ng ginagawa ng mga tao, na ito ay gustong makaintindi sa pamamagitan ng kanyang talino. Nguni't, ito ay hindi ang katotohanan dahil ito ay hindi nagtatanong kung kanino ang tao nagtatrabaho. Ito ay talagang makatwirang argumento dahil ang argumentong ito ay pumupukaw sa taong may rason.

Sa halip, ang argumento ng masama ay tanong na pisikal, ibig sabihin ito ay nagtatanong, "Ano ang kahulugan sa iyo sa paglingkod na ito?" Sa ibang mga salita, aling kapakanan ang mayroon ka para sa pagbubuhos ng lakas na iyong ginagawa? Ito ay nangangahulugan na ito ay nagtatanong, "Kung ikaw ay hindi gumagawa para sa iyong sarili, ano ang makukuha ng katawan, tinawag na hangaring tumanggap, mula nito?"

Dahil ito ay argumentong pangkatawan, ang natatanging sagot ay sagot pangkatawan, "Pinudpod niya ang kanyang mga ngipin, at kung wala siya doon, siya ay hindi matutubos." Bakit? Sapagkat ang hangaring tumanggap para sa sarili ay walang pagkakatubos kahit sa panahon ng pagkakatubos. Ito ay sapagkat ang bagay ng pagkakatubos ay mangyayari kung ang lahat ng mga pakinabang ay tumatagos sa mga sisidlan ng pagkaloob at hindi sa mga sisidlan ng pagtanggap.

Ang hangaring tumanggap para sa sarili ay dapat laging mananatili sa kakulangan dahil ang pagpuno ng hangaring tumanggap ay talagang kamatayan. Ang rason ay, gaya ng sinabi natin sa itaas, na ang paglikha ay una sa lahat para sa Kanyang kaluwalhatian (at ito ang sagot sa sinulat, na ang Kanyang hangarin ay ang gumawa ng mabuti sa Kanyang mga nilalang, at hindi para sa Kanyang sarili).

Ang magiging interpretasyon na ang paglikha ay talagang pagbunyag sa lahat na ang layunin ng paglikha ay ang gumawa ng mabuti sa Kanyang mga nilalang. Ito ay tiyakan kung ang tao ay magsasabi na siya ay isinilang para magbigay ng papuri sa Lumikha. Sa panahong iyon, sa mga sisidlang iyon, ang layunin ng paglikha ay lumilitaw, na siyang ang gumawa ng mabuti sa Kanyang mga nilalang.

Para sa dahilang ito dapat laging suriin ng tao ang kanyang sarili, ang layunin ng kanyang gawain, ibig sabihin kung ang Lumikha ay tumatanggap ng kasiyahan sa bawa't galaw na kanyang ginagawa, dahil siya ay gusto ng pagkapareho ng anyo. Ito ay tinawag na "Lahat ng iyong mga pagkilos ay maging para sa Lumikha," ibig sabihin ang tao ay gusto na ang Lumikha ay masaya sa anumang kanyang ginagawa, gaya ng sinulat, "para magbigay kasiyahan sa kanyang Lumikha."

At saka, kailangan ng tao na umasal sa hangaring tumanggap at sabihin nito, "Ako ay nakapagdesisyon na na ako ay walang gustong tumanggap ng anumang kasiyahan dahil gusto mong lumigaya. Ito ay dahil sa iyong hangarin ako ay mapilitang mapahiwalay mula sa Lumikha, dahil ang hindi pagkapareho ng anyo ay magdudulot ng pagkahiwalay at distansya mula sa Lumikha.

Ang pag-asa ng tao ay dapat maging sa ganoon dahil ang tao ay hindi makakabuwag mula sa dominyon ng hangaring tumanggap, siya sa dahilang iyon ay nasa walang katapusang mga pag-akyat at mga pagbaba. Para sa dahilang ito ang tao ay naghihintay na pagkakalooban ng Lumikha na buksan ang kanyang mga mata at bigyan siya ng lakas na makapangibabaw at gumawa para sa pakinabang lamang ng Lumikha. Ito ay gaya ng sinulat, "Isang bagay ang aking hinihingi sa Lumikha na aking hahanapin," ibig sabihin ng Banal na Diyos, at ang tao ay humihingi, "na ako ay maninirahan sa tirahan ng Panginoon sa lahat ng araw ng aking buhay," at ang tirahan ng Panginoon ay ang Banal na Diyos.

Ngayon ating mauunawaan ang sinabi ng ating mga taong paham tuungkol sa talata, "At ito ay magdadala sa iyo sa unang araw." Ito ay una sa pagbilang ng mga kasalanan. Tayo ay dapat makakaunawa bakit mayroong ligaya kung mayroong lugar para sa kasalanan-magbilang dito? Siya ay nagsabi na dapat nating malaman na mayroong bagay ng kahalagahan sa gawain, kung mayroong ugnayan sa pagitan ng tao at ng Lumikha.

Ibig sabihin na ang tao ay makakadama na siya ay nangangailangan ng Lumikha. Ito ay dahil sa kalagayan ng paggawa, makikita ng tao na wala nang iba sa mundo na makakaligtas sa kanya mula sa kanyang sitwasyon kundi ang Lumikha lamang. Sa gayon makikita ng tao na "Wala nang iba maliban sa Kanya," na makakaligtas sa kanya mula sa sitwasyong kanyang kinalalagyan at siya ay hindi makakaiwas.

Ito ay tinawag na pagkakaroon ng mahigpit na ugnayan sa Lumikha. Ang tao ay walang alam sa pagpapahalaga sa ugnayang iyon. Ibig sabihin na ang tao ay dapat maniwala na sa gayon siya ay dumidikit sa Lumikha, ibig sabihin na ang kanyang buong pag-iisip ay sa Lumikha, ibig sabihin na Siya ay tutulong sa kanya. At kung hindi makikita ng tao na siya ay nawawala.

Subali't, ang taong pinagkalooban ng pribadong awa't tulong ng Maykapal, at nakakakita na ang Lumikha ay gumagawa ng lahat ng bagay, gaya ng sinulat, "Siya lamang ang gumagawa at gagawa ng lahat ng mga gawa," siya siyempre ay walang maidagdag, at halatang-halata ng tao na wala nang lugar para sa dalangin para sa tulong ng Lumikha. Ito ay dahil makikita ng tao na kahit wala ang kanyang dalangin, ang Lumikha ay gumagawa pa rin sa lahat ng bagay. 

Kaya, sa panahong iyon ang tao ay walang lugar para makakagawa ng mabubuting mga gawain dahil makikita ng tao na ang lahat ng bagay ay ginawa na wala siya ng Lumikha kahit paano. Sa ganoon, sa kalagayang iyon ang tao ay walang pangangailangan para sa Lumikha para tulungan siya na gumawa na anumang bagay. Halatang-halata, sa panahong iyon ang tao ay walang ugnayan sa Lumikha para kailanganin siya sa abot na siya ay nawawala kung ang Lumikha ay hindi tumutulong sa kanya.

Ito ay maunawaan, na siya ay walang ugnayan na mayroon siya sa Lumikha sa panahon ng paggawa. Siya ay nagsabi na ito ay tulad ng tao na nasa pagitan ng buhay at ng kamatayan, at humihingi ng kanyang kaibigan na iligtas siya mula sa kamatayan. Paano ang tao hihingi sa kanyang kaibigan? Talagang subukan ng tao na hihingi sa kanyang kaibigan na kaawaan siya at iligtas siya sa kamatayan sa bawa't lakas na nasa kanyang mga kamay. Siya talaga ay hindi makakalimot na manalangin sa kanyang kaibigan, dahil makikita niya na kung hindi siya ay mawawalan ng buhay.

Subali't, ang taong humihingi sa kanyang kaibigan para sa mga karangyaan, na siyang hindi masyadong kailangan, ang pagsusumamo ay hindi masyadong madikit sa kanyang kaibigan na bigyan siya ng kanyang hinihingi sa puntong ang kanyang pag-iisip ay hindi maliligaw sa paghihingi. Mapapansin mo na sa mga bagay na hindi nauugnay sa kaligtasan ng buhay, ang pagsusumamo ay hindi ganoon kadikit sa taga-bigay.

Kung kaya, kung ang tao ay makakadama na siya ay dapat hihingi sa Lumikha na iligtas siya mula sa kamatayan, ibig sabihin mula sa kalagayan ng, "Ang masama sa kanilang buhay ay tinawag na patay," ang ugnayan sa pagitan ng tao at ng Lumikha ay mahigpit na ugnayan. Para sa dahilang ito, para sa matuwid at makatuwiran, ang lugar ng gawain ay ang pangangailangan ng tulong ng Lumikha; kung hindi siya ay nawawala. Ito ang hinahangad ng matuwid at makatuwiran, ang lugar sa paggawa para siya ay magkaroon ng mahigpit na ugnayan sa Lumikha.

Ito ay masusundan na kung ang Lumikha ay magbibigay ng lugar para sa gawain. ang mga matuwid at makatuwiran ay masayang-masaya. Ito ang dahilan na sinabi nila, "una sa kasalanan-magbilang." Para sa kanila ito ay kasayahan na ngayon sila ay may lugar sa paggawa. Ibig sabihin na ngayon sila ay naging hikahos sa Lumikha at ngayon ay makakarating sa mahigpit na ugnayan sa Lumikha, dahil ang tao ay hindi makakarating sa Palasyo ng Hari kundi para sa mangilan-ngilang layunin.

Ito ang kahulugan ng, "At ikaw ay magdadala sa iyo." Ito ay tumutukoy sa iyo, dahil lahat ng bagay ay nasa mga kamay ng Maykapal maliban sa takot ng Maykapal. Sa ibang mga salita, ang Lumikha ay makakapagbigay ng kasaganaan ng Liwanag dahil ito ang mayroon Siya, pero ang kadiliman, ang lugar ng kakulangan, ito ay hindi Kanyang  teritoryo.

Dahil mayroong alituntunin na mayroong takot sa Maykapal sa lugar lamang ng kakulangan at ang lugar ng kakulangan ay tinawag na hangaring tumanggap, ito ay nangangahulugan na sa gayon lamang ay mayroong lugar sa paggawa. Sa ano? Yayaman din lamang ito ay lumalaban.

Ang katawan ay dumadating at magtatanong, "Ano ang kahulugan sa iyo sa paglilingkod na ito?" at ang tao ay walang sagot sa kanyang tanong. Sa gayon ang tao ay dapat tumanggap ng pabigat ng Kaharian ng Langit sa ibabaw ng rason gaya ng baka sa kanyang pabigat at gaya ng asno sa kanyang pasanin na walang anumang argumento. Sa halip, Siya ay magsasabi at ang Kanyang kagustuhan ay magawa. Ito ay tinawag sa Iyo, ibig sabihin ang gawaing ito ay maging bahagi talagang sa Iyo, at hindi sa akin, ibig sabihin sa gawaing kinakailangan ng iyong hangaring tumanggap.

Subali't, kung ang Lumikha ay magbibigay ng tao ng magilan-ngilang luminisensya mula sa itaas, ang hangaring tumanggap ay sumusuko at magpapawalang-bahala gaya ng kandela sa harapan ng sulo. Sa gayon ang tao ay walang gawain kahit paano dahil ang tao ay hindi na nangangailangan na dalhin sa kanyang sarili ang pabigat ng Kaharian ng Langit sa pamimilit gaya ng baka sa kanyang pabigat at gaya ng asno sa kanyang pasanin, gaya ng sinulat, "ikaw na umiibig sa Panginoon, kagalitan mo ang masama."

Ibig sabihin na ang pag-ibig sa Maykapal ay maipaabot lamang mula sa lugar ng kasamaan. Sa ibang mga salita, sa abot na ang tao ay mayroong pagkamuhi para sa masama, ibig sabihin na makikita ng tao paano ang hangaring tumanggap ay humaharang ng tao para maabot ang kaganapan ng layunin, sa abot na ang tao ay mangangailangan na pagkakalooban siya ng pag-ibig ng Maykapal.

Subali't, kung ang tao ay hindi makakadama na siya ay mayroong kasamaan, ang tao ay hindi mapagkakalooban ng pag-ibig ng Maykapal. Ito ay dahil siya ay walang pangangailangan para nito, dahil siya ay nagkakaroon na ng kasiyahan sa gawain.

Gaya ng nasabi na natin, ang tao ay dapat hindi magalit kung mayroon siyang gawain sa hangaring tumanggap, na ito ay humaharang sa kanya sa gawain. Ang tao ay talagang lalong masisiyahan kung ang hangaring tumanggap ay wala sa katawan, ibig sabihin na ito ay hindi magdadala ng kanyang mga tanong sa tao, humaharang sa kanya sa gawain na pangatawanan ang Torah at Mitzvot.

Subali't, ang tao ay dapat maniwala na ang hangaring tumanggap na humaharang sa kanya sa gawain, ito ay nanggagaling sa itaas. Ang tao ay binigyan ng lakas na madiskubrehan ang hangaring tumanggap mula sa itaas dahil mayroong lugar para sa gawain talagang kung ang hangaring tumanggap ay napupukaw.

Kung ang tao ay may mahigpit na ugnayan sa Lumikha para matulungan siya na baligtarin ang hangaring tumanggap na maging magkaloob, ang tao ay dapat maniwala na mula doon maiparating ang kasiyahan sa Lumikha, mula sa dalangin ng tao sa Kanya, para dalhin siya malapit sa Dvekut (lit. Debosyon). Ito ay tinawag na "pagkapareho ng anyo," isinaalang-alang na pagkansela ng hangaring tumanggap na maging magkaloob. Ang Lumikha ay nagsasabi tungkol diyan, "Tinalo Ako ng Aking Mga Anak." Sa ibang mga salita, binigyan Ko kayo ng hangaring tumanggap at kayo'y humingi sa Akin na bigyan kayo ng hangaring magkaloob sa halip.

Ngayon ating maiinterpret ang dinala sa Gmarah (Hulin p. 7): "Si Rabbi Pinehas ay pumunta sa Captive Redeem. Siya ay dumaan sa ilog Ginai (ang pangalan ng ilog ay Ginai). Sinabi niya kay Ginai, "Hatiin mo ang iyong mga tubig, at ako ay dadaan sa iyo." Sabi nito sa kanya, "Ikaw ay gagawa sa kagustuhan ng iyong Lumikha, at ako ay gagawa sa kagustuhan ng aking Lumikha; ikaw, baka gagawa, baka hindi gagawa, samantalang ako ay talagang gagawa" at iba pa.

Ito ay nagsasabi na ang kahulugan na sinabi niya sa ilog, ibig sabihin ng hangaring tumanggap, na padaanin siya nito at makaabot sa antas ng paggawa ng kagustuhan ng Maykapal, ibig sabihing gagawin ang lahat para magkaloob ng kasiyahan sa Lumikha. Ang ilog, ibig sabihin ang hangaring tumanggap, ay sumagot na dahil sa nilikha siya ng Lumikha kasama ang kalikasang gustong tumanggap ng ligaya at kasiyahan, kaya siya ay walang gustong baguhin ang kalikasan na nilikha ng Lumikha.

Si Rabbi Pinehas Ben Yair ay nakipaglaban nito, ibig sabihin gusto niyang baligtarin ito na maging hangaring magkaloob. Ito ay tinawag na pakikipaglaban sa paglikha na nilikha ng Lumikha sa kalikasan, tinawag na hangaring tumanggap na nilikha ng Lumikha, na siyang ang buong paglikha tinawag na pag-iiral mula sa wala.

Dapat malaman ng tao, na sa panahon ng gawain, nang ang hangaring tumanggap ay dumating sa tao kasama ang mga argumento nito, walang mga argumento at walang mga pangangatwiran ang makatulong nito. Kahit na maiisip ng tao na sila ay tamang mga argumento, ito ay hindi makakatulong na talunin ang kanyang kasamaan.

Sa halip, gaya ng sinulat, "Pinudpod niya ang kanyang mga ngipin," ibig sabihin na susulong lamang sa pamamagitan ng mga gawa, hindi sa mga argumento. Ito ay tinawag na pilitin ng tao na magdagdag ng mga lakas. Ito ang kahulugan ng sinulat ng ating mga taong paham, "Siya ay pinilit hanggang sa siya ay magsasabi 'Gusto ko.'" Sa ibang mga salita, sa pamamagitan ng pagpupumilit ang nakasanayan ay magiging pangalawang kalikasan.

Dapat ang tao ay talagang sumubok na magkaroon ng malakas na hangarin na matamo ang hangaring magkaloob at pangibabawan ang hangaring tumanggap. Ang kahulugan ng malakas na hangarin ay ang malakas na hangarin ay sinukat sa pagitan ng mga pahinga at mga paghuli, ibig sabihin ng mga paghinto ng panahon sa pagitan ng bawa't pangingibabaw

Minsan ang tao ay makakatanggap ng paghinto sa gitna, ibig sabihin sa pagbaba. Ang pagbaba na ito ay maaaring paghinto sa minuto, sa oras, sa araw, o sa buwan. Pagkatapos, ang tao ay magsisimulang magsubok at muling  magtamo ng hangaring magkaloob. Ang malakas na hangarin ay nangangahulugan na ang paghinto ay hindi aabot ng matagal na panahon at siya ay magising kaagad sa gawain.

Ito ay tulad ng tao na gustong basagin ang malaking bato. Siya ay kumuha ng malaking pamukpok at pinukpukpok ng maraming beses sa buong mag-araw, pero sila ay mahina. Sa ibang mga salita, siya ay hindi nagpukpok sa malaking bato sa isang indayog kundi dahan-dahang kinayag ang malaking pamukpok. Pagkatapos siya ay umaangal na ang gawaing ito ng pagbasag ng malaking bato ay hindi para sa kanya, na ito ay nangangailangan ng bayani na mayroong kakayahang basagin ang malaking bato. Siya ay magsasabi na siya ay hindi isinilang na mayroong ganoong mga lakas na mayroong kakayahang basagin ang malaking bato.

Subali't, ang taong bumubuhat ng malaking pamukpok na ito at  humahampas sa malaking bato sa malaking indayog, hindi dahan-dahan kundi kasama ang malaking pagpupunyagi, ang malaking bato ay kaagad sumusuko sa kanya at mababasag. Ito ang kahulugan ng, "tulad ng malaking pamukpok na bumabasag ng malaking bato sa pira-piraso."

Gayon din, sa banal na gawain, na siyang ang pagdala ng mga sisidlan ng pagtanggap sa Kedusha (lit. Kabanalan), tayo ay mayroong malakas na pamukpok, ibig sabihin mga salita ng Torah na magbibigay sa atin ng magandang mga payo.  Subali't, kung ito ay hindi palagi, kasama ang mahabang intermisyon sa pagitan, ang tao ay umiiwas sa labanan at magsasabi na siya ay hindi ginawa para nito kundi ang gawaing ito ay nangangailangan ng tao na isinilang na may espseyal na mga kasanayan para nito. Gayun pa man, ang tao ay dapat maniwala na kahit sino ay maaaring makaabot sa layunin, maski na dapat niyang subukan na palaging dagdagan ang kanyang pagpupunyagi sa pangingibabaw, sa gayon ang tao ay maaaring makabasag sa malaking bato sa maikling panahon.

Dapat din nating malaman na mayroong pinakamalupit na kalagayan dito para sa pagpupunyaging magbuo ng ugnayan sa Lumikha: ang pagpupunyagi ay dapat sa anyo ng pampaganda. Ang pampaganda ay nangangahulugan ng bagay na importante sa tao. Ang tao ay hindi makakagawa na may saya kung ang gawain ay walang kahalagahan, ibig sabihin na ang tao ay mayroong saya na sa ngayon siya ay mayroong ugnayan sa Lumikha.

Ang bagay na ito ay ipinahiwatig sa Citron. Ito ay sinulat tungkol sa citron, prutas ng punong citrus, na ito ay dapat malinis sa ibabaw ng kanyang ilong. Ito ay napag-alaman na mayroong tatlong pag-uunawa: A) Pampaganda, B) Amoy, at K) Lasa.

Ang lasa ay nangangahulugan na kung ang mga Liwanag ay binuhos mula sa itaas pababa, ibig sabihin sa ibaba ng Peh (lit. Bibig), kung saan nandoon ang mga ngala-ngala at ang lasa, ibig sabihin na ang mga Liwanag ay dumating sa mga sisidlan ng pagtanggap.

Ang amoy ay nangangahulugan na ang mga Liwanag ay nagmula sa ibaba paitaas, ibig sabihin ang mga Liwanag ay dumating sa mga sisidlan ng pagkaloob, sa anyo ng pagtanggap at hindi pagkaloob sa ibaba ng ngala-ngala at ng lalamunan. Ito ay maunawaan na, "at siya ay makakaaamoy ng takot sa Panginoon" sinabi tungkol sa Mesiyas. Ito ay napag-alaman na ang amoy ay nagpatungkol sa ilong.

Ang pampaganda ay kagandahan, maunawaan na sa ibabaw ng kanyang ilong, ibig sabihin walang amoy. Ito ay nangangahulugan na walang lasa at amoy doon. Kung kaya, ano ang mayroon doon na siyang ang tao ay maaaring maligtas? Mayroon lamang pampaganda doon, at ito ang nagpapalakas ng loob sa kanya.

Ating mauunawaan tungkol sa citron na ang pampaganda ay nandoon talagang sa hindi pa ito bagay kainin. Subali't, nang ito ay bagay kainin, ang pampaganda nito ay wala na.

Ito ay magsasabi sa atin tungkol sa gawain ng nauuna na bilangin ang mga kasalanan. Ito ay nangangahulugan na talagang kung ang tao ay gumagawa sa anyo ng "At ikaw ay magdadala sa iyo," ibig sabihin ng gawain sa panahon ng pagtanggap ng pabigat ng Kaharian ng Langit, kung ang katawan ay lumalaban, sa gayon ang gawaing ito ay mayroong lugar ng saya, ng pampaganda

Ito ay nangangahulugan na sa panahon ng gawain ang pampaganda ay halata. Ito ay nangangahulugan na kung siya ay mayroong kaligayahan mula sa gawain, ito ay dahil siya ay nagsasaalang-alang ng gawaing ito bilang pampaganda, hindi bilang disgrasya.

Sa ibang mga salita, minsan ay kinamumuhian ng tao ang gawaing ito ng pagtanggap ng pabigat ng Kaharian ng Langit. Ito ay panahon ng sensasyon ng kadiliman, nang makikita ng tao na walang makakaligtas sa sitwasyong kanyang kinalalagyan kundi ang Lumikha, at siya ay tatanggap sa kanyang sarili ng Kaharian ng Langit sa ibabaw ng rason, gaya ng baka sa kanyang pabigat at gaya ng asno sa kanyang pasanin.

Ang tao ay dapat maging masaya na ngayon siya ay mayroong bagay na maibigay sa Lumikha. Ang Lumikha ay naaaaliw sa kanya na mayroong bagay na maiibigay sa Lumikha, pero ang tao ay hindi laging mayroong lakas na magsabi na ito ay magandang gawain, tinawag pampaganda, kundi kinamumuhian niya ang gawaing ito.

Ito ay malupit na kalagayan para sa tao upang makapagsabi na siya ay pumipili sa gawaing ito higit pa sa gawain ng kaputian, ibig sabihin kalagayang siya ay walang paglalasa ng lasa ng kadiliman sa panahon ng gawain, kundi sa panahong siya ay makalasa ng lasa sa gawain. Ito ay nangangahulugan na sa gayon siya ay hindi kailangang gumawa sa hangaring tumanggap na sumang-ayon na tanggapin sa kanyang sarili ang Kaharian ng Langit sa ibabaw ng rason.

Kung ang tao ay makapangibabaw sa kanyang sarili at makakapagsabi na ang gawaing ito ay kawili-wili sa kanya, ngayong siya ay nagpupunyagi sa Mitzva (lit. Utos) ng paniniwala sa ibabaw ng rason, at tumatanggap sa gawaing ito gaya ng pampaganda, ito ay tinawag na "Ang ligaya sa  Mitzva."

Ito ang kahulugan ng ang dalangin ay lalong mahalaga kaysa ng sagot sa dalangin. Ito ay dahil sa dalangin, ang tao ay mayroong lugar para sa gawain; siya ay nangangailangan ng Lumikha, ibig sabihin siya ay naghihintay ng awa ng langit.

Sa panahong iyon ang tao ay mayroong totoong ugnayan sa Lumikha, at sa gayon siya ay nasa Palasyo ng Hari. Subali't, kung ang dalangin ay sinagot, siya ay nakaalis na sa Palasyo ng Hari dahil nakuha na niya ang kanyang hiningi at umalis.

Ayon sa nararapat, dapat nating unawain ang talata, "Ang iyong mga lana ay mayroong magandang amoy; ang iyong pangalan ay gaya ng lanang binuhos." Lana ay tinawag na "Ang Lalong Mataas na Liwanag" kung ito ay "binuhos" ibig sabihin sa panahon ng paghinto ng kasaganaan. Sa panahong iyon ang amoy ay nanatili mula sa lana (amoy na nanatili ay isinalang-alang pa rin na Reshimo (lit. Ala-ala) ng lumipas. Ang pampaganda, subali't, ay tinawag ng gayon sa lugar na wala nang natitira, ibig sabihin kahit ang Reshimo ay hindi lumiliwanag.)

Ito ang kahulugan ng Atik at AA (Arich Anpin). Sa panahon ng paglaganap, ang kasaganaan ay tinawag AA, na siyang ang Hochma (lit. Kaalaman), ibig sabihin bukas na kalooban ng Diyos. Ang  Atik ay nanggagaling sa salitang Hebreo VaYe’atek (lit. Pagkakahiwalay), ibig sabihin ang pag-alis ng Liwanag. Sa ibang mga salita, ito ay hindi lumiliwanag; at ito ay tinawag na pagkatago.

Ito ang panahon ng pagtanggi sa kasuutan, na siyang ang pagtanggap ng korona ng Hari, na siyang isinaalang-alang na Malchut (lit. Kaharian) ng mga Liwanag, itinuring na Ang Kaharian ng Langit.

Ito ay sinulat tungkol dito sa Banal na Zohar, "Sabi ng Banal na Dibinidad kay Rabbi Shimon, 'Walang lugar na makapagtago mula sa iyo' (ibig sabihin na walang lugar na maitago ko ang aking sarili mula sa iyo)." Ito ay nangangahulugan na kahit sa pinakamatinding pagkatago sa katotohanan tinatanggap pa rin niya sa kanyang sarili ang pabigat ng Kaharian ng Langit sa matinding ligaya.

Ang dahilan para nito ay siya ay sumusunod sa linya ng hangaring magkaloob, at sa gayon siya ay magbibigay ng mayron siya sa kanyang mga kamay. Kung ang Lumikha ay lalong magbibigay sa kanya, siya ay lalong magbibigay. Kung siya ay walang mabibigay, siya ay tumatayo at umiiyak gaya ng tagak para sa Lumikha na iligtas siya mula sa masasamang tubig. Kaya, sa pamamaraang ito din siya ay mayroong ugnayan sa Lumikha.

Ang Atik ay ang pinakamataas na antas, at ang rason na ang pag-unawang ito ay tinawag na Atik ay na kung lalong malayo ang bagay sa kasuutan, lalong mataas ito. Ang tao ay makakadama ng pinakabasal na bagay, tinawag "Ganap na Wala," dahil doon ang kamay ng tao ay hindi makakaabot.

Ito ay nangangahulugan na ang hangaring tumanggap ay makakahawak lamang sa lugar na mayroong mangilan-ngilang paglaganap ng Liwanag. Sa hindi pa madadalisay ng tao ang kanyang mga sisidlan para hindi mamantsahan ang Liwanag, ang tao ay walang kakayahan na ang Liwanag ay dadating sa kanya sa anyo ng paglaganap sa Kelim (lit. Mga Sisidlan). Sa panahon lamang na ang tao ay lumalakad sa daan ng pagkaloob, ibig sabihin sa lugar na ang hangaring tumanggap ay hindi matagpuan, hindi sa isip at hindi sa puso, doon ang Liwanag ay dadating sa ganap na kadalisayan. Sa gayon ang Liwanag ay dumadating sa kanya sa pagdaramdam na makakadama siya ng kadakilaan ng Lalong Mataas na Liwanag.

Subali't, kung hindi pa baguhin ng tao ang mga sisidlan para maging magkaloob, kung ang Liwanag ay dumadating sa anyo ng paglaganap, ang Liwanag ay dapat magtakda at magliwanag lamang ayon sa kadalisayan ng mga Kelim. Kaya, sa panahong iyon ang Liwanag ay lilitaw sa matinding kaliitan. Sa gayon, kung ang Liwanag ay inalisan ng kasuutan ng mga Kelim, ang Liwanag ay makakaliwanag sa ganap na kadalisayan at linaw na walang anumang mga pagtatakda para sa lalong mababa.

Ito ay maintindihan na ang kahalagahan ng gawain ay talagang kung ang tao ay darating sa kalagayan ng wala, ibig sabihin kung makikita ng tao na kinakansela niya ang kanyang buong pag-iiral at pagkatao, para sa gayon ang hangaring tumanggap ay mawalan ng lakas. Sa gayon lamang ang tao makakapasok sa  Kedusha

Dapat nating malaman na, "Ginawa ng Maykapal ang isa at ang isa pa." Ito ay nangangahulugan na hanggang sa mayroong pagbubunyag sa Kedusha, sa abot ding ganoon ang Sitra Achra ay gumigising. Sa ibang mga salita, kung sasabihin ng tao, "lahat ng ito ay akin," ibig sabihin ang buong katawan ay pag-aari ng Kedusha, ang Sitra Achra din ay makikipagtalo laban sa kanya na ang buong katawan ay dapat maglingkod sa Sitra Achra.

Kaya, dapat malaman ng tao na kung makikita ng tao na ang katawan ay magsasabi na ito ay pag-aari ng Sitra Achra, at sumisigaw sa tanyag na mga tanong ng "Sino" at "Ano" sa kanyang buong lakas, ito ay palatandaan na ang tao ay lumalakad sa daan ng katotohanan, ibig sabihin na ang pangunahing intensyon ng tao ay ang magkaloob ng kasiyahan sa kanyang Lumikha. Kaya, ang pangunahing gawain ay talagang sa kalagayang iyon.

Dapat malaman ng tao na ito ay palatandaan na ang gawaing ito ay tumatama sa target. Ang palatandaan ay na siya ay lumalaban at nagpapadala ng kanyang mga pana sa ulo ng serpente dahil ito ay nagsisigaw at nakikipagtalo sa argumentong "Sino" at "Ano", ibig sabihin, "Anong kahulugan sa iyo sa paglilingkod na ito?" Sa ibang mga salita, ano ang iyong makukuha sa paggawa lamang para sa Lumikha at hindi para sa iyong sarili? Ang argumentong "Sino" ay nangangahulugan na ito ay argumento ni Paraon na nagsabi. "Sino ang Panginoon na dapat kung susundin ang Kanyang tinig?"

Ito ay parang ang argumentong "Sino" ay argumentong makatuwiran. Ito ay makamundong ayos na kung ang tao ay sabihang umalis at magtrabaho para sa isang tao, ang tao ay magtatanong para kanino? Kaya, kung ang katawan ay magsasabi, "Sino ang Panginoon na dapat kung susundin ang Kanyang tinig?" ito ay argumentong makatuwiran.

Subali't, ayon sa batayan na ang rata ay hindi ang bagay sa kanyang sarili, kundi ay ang salamin, kung ano ang nandoon sa mga pandamdam, lumilitaw gayon sa isip, at ito ang kahulugan ng, "At ang mga anak ni Dan: Hushim." Ito ay nangangahulugan na ang isip ay  humahatol lamang ayon sa kung ano ang sinusuri ng mga pandamdam at  magsa-isip ng mangilan-ngilang mga pakana at mga imbensyon para umakma sa mga hiling ng mga pandamdam.

Sa ibang mga salita, kung ano ang hinihiling ng mga pandamdam, ang isip ay magsusubok na pagbigyan sila ng kanilang hiling. Subali't, ang isip mismo ay walang kailangang magtrabaho para sa kanyang sarili, para sa anumang hiling. Kaya, kung mayroong hiling para magkaloob sa mga pandamdam, ang isip ay gumagana ayon sa hiniling.

Ang isip ay tulad ng taong tumitingin sa salamin para makita kung siya ay marumi, at bawa't lugar na ipinakita ng salamin na marumi, siya ay umalis at naghugas at naglinis, dahil ipinakita ng salamin na mayroong mga pangit na bagay sa kanyang mukha na kailangang linisin.

Subali't, ang pinakamahirap sa lahat ay ang alamin kung ano ang isina-alang-alang na pangit na  bagay. Ito ba ay ang hangaring tumanggap, ibig sabihin ang hiling ng katawan na gawin ang lahat na bagay para sa sarili lamang, o ito ba ay ang hangaring magkaloob ang masamang bagay na hindi maaatim ng katawan? Ang isip ay hindi makakapagsuri nito gaya ng salamin. Ang tao ay hindi makapagsabi kung ano ang pangit at ano ang maganda, kundi lahat ng ito ay nagdedepende sa mga pagdaramdam, at ang mga pagdaramdam lamang ang makapagpasya nito.

Kaya, kung sinasanay ng tao ang kanyang sarili na gumawa sa pwersahan, na gumawa para magkaloob, sa gayon ang isip ay gumagawa din sa mga hanay ng pagkaloob. Sa panahong iyon ito ay nasa imahinasyon lamang na ang isip ay magtatanong ng "Sino" na tanong, kung ang mga pandamdam ay nasanay na gumawa na magkaloob.

Sa ibang mga salita, ang mga pandamdam ay hindi na magtatanong ng tanong "Ano ang kahulugan sa iyo sa paglilingkod na ito?"dahil sila ay nagtatrabaho na para magkaloob, at siyempre, ang isip ay hindi magtatanong ng "Sino" na tanong.

Iyong makikita na ang pinakamahalaga ay ang magkaloob, at ang isip ay hindi magtatanong ng mga tanong dahil ito ay naglilingkod lamang sa mga pandamdam. Ang gawain ay nasa "Ano ang kahulugan sa iyo sa paglilingkod na ito?," at kung marinig ng tao na ang katawan ay nagtatanong ng "Sino" na tanong, ito ay dahil ang katawan ay hindi gustong insultuhin ang kanyang sarili sa ganoon. Sa dahilang ito, ito ay magtatanong ng "Sino" na tanong. Ito ay nagpakita na nagtatanong ng makatwirang tanong, pero ang katotohanan ay, gaya ng nasabi natin sa itaas, ang pangunahing gawain ay nasa "Ano."

[1] Sa Hebreo, ang citrus ay Hadar, mula sa salitang Hidur (pampaganda).