kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Kalayaan

Aklat na Shamati: Sanaysay #198
Aking narinig sa taon 1938

Harut (nakaukit), huwag mong bigkasin ito na Harut kundi Herut (kalayaan). Ito ay nangangahulugan na ito ay sinulat, “isulat sila sa mesa ng iyong puso.” Ang pagsulat ay sa tinta, na tinuring karimlan. At bawa’t oras na ang tao ay sumusulat, ito ay nangangahulugan na ang tao ay gumagawa ng mga pasiya tungkol paano mag-asal, at pagkatapos bumabalik sa kanyang mga masamang pamamaraan, dahil ang pagsulat ay binura. Kaya, ang tao ay dapat laging sumusulat, pero ito ay dapat sa anyo ng Harut, para ito ay magiging Harut sa kanyang puso para hindi niya mabubura.

At pagkatapos siya ay agad-agad pinagkalooban ng Herut. Kaya, ang Kli para sa Herut ay sa laganap sa pagkasulat sa kanyang puso. Sa laganap ng pagkaukit, gaya rin ang kaligtasan. Ito ay dahil ang diwa ng Kli ay ang hungkag, gaya ng sinulat, “ang aking puso ay pinatay [1]sa loob ko.” At pagkatapos siya ay pinagkalooban ng kalayaan mula sa anghel ng kamatayan, dahil ang kababaan ay ang SAM mismo, at dapat niyang malaman ito ng husto, at pangibabawan ito hanggang sa ang Lumikha ay tumutulong sa kanya.


[1] Sa salitang Hebreo, ang salitang Halal ay parehong nangangahulugan na pinatay at hungkag.