kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

KABANALAN NA NASA PAGKAKATAPON

Aking narinig sa 1942

Sabi ng Banal na Zohar, "Siya ang Shochen (Nanirahan) at Siya ang Shechina (Kabanalan)." Dapat nating interpretahin ang mga salitang ito: Napag-alaman tungkol sa Lalong Mataas na Liwanag, na sabi nila ay walang pagbabago, gaya ng naisulat, "Ako ang Panginoon ay hindi magbago." Lahat ng mga pangalan at mga titulo ay tungkol lamang sa Kelim (mga sisidlan), na siyang ang hangaring tumanggap kalakip sa Malchut—ang ugat ng paglikha. Mula doon ito ay nakabitin pababa patungo sa ating mundo, patungo sa mga nilalang.

Lahat ng mga pag-unawang ito, simula sa Malchut, bilang ugat ng paglikha ng mga mundo, sa pamamagitan ng mga nilalang ay tinawag na Shechina. Ang pangkalahatang Tikkun (pagwawasto) ay ang Lalong Mataas na Liwanag na liliwanag sa kanila sa kalubus-lubusan.

Ang Liwanag na magliwanag sa Kelim ay tinawag na Shochen, at ang Kelim ay sa kalahatan tinawag,  Shechina. Sa ibang mga salita, ang Liwanag ay manatili sa loob ng Shechina. Ito ay mangangahulugan na ang Liwanag ay tinawag na Shochen dahil ito ay manatili sa loob ng Kelim, iyon nga, ang kabuuang Kelim ay tinawag na Shechina.

Bago ang Liwanag magliwanag sa kanila sa kalubus-lubosan, pinangalanan natin ang panahong iyon, "Ang Panahon ng mga Pagwawasto." Ito ay nangangahulugan na gumawa tayo ng mga pagwawasto upang ang Liwanag ay magliwanag sa kanila sa kalubus-lubusan. Hanggang doon, ang kalagayang iyon ay tinawag na "Kabanalan na Nasa Pagkakatapon."

Ito ay mangangahulugan na wala pa ring perpeksyon sa Lalong Mataas na mga Mundo, sa mundong ito, dapat ay mayroong kalagayan kung saan ang Lalong Mataas na Liwanag ay nasa loob ng hangaring tumanggap. Ang Tikkun ay itinuring na pagtanggap upang magkaloob.

Samantala, ang hangaring tumanggap ay puno ng karumal-dumal at mga istupidong bagay na hindi gumawa ng lugar kung saan ang  karangalan ng Langit ay maaaring ibunyag. Ito ay nangangahulugan na kung saan ang puso dapat ang Tabernakulo para sa Liwanag ng Panginoon, ang puso ay maging lugar ng basura at karumihan. Sa ibang mga salita, nahuli ng walang kapurihan ang buong puso.

Ito ay tinawag na "Kabanalan na nasa alikabok." Ito ay nangangahulugan na ito ay ibinaba sa lupa at ang bawa't isa ay masuklam sa mga bagay ng Kabanalan, at walang hangarin kahit anuman na dalhin ito pataas buhat sa alikabok. Sa halip, pumili sila sa mga karumal-dumal na bagay, at ito ay magdala ng kalungkutan ng Shechina, kung hindi gumawa ang tao ng lugar sa puso na maging Tabernakulo para sa Liwanag ng Panginoon.