kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

LISHMA (para sa Kanyang Pangalan)

Aking narinig sa 1945

Tungkol sa Lishma (para sa Kanyang Pangalan). Upang ang tao ay makatamo ng  Lishma, ang tao ay nangangailangan ng pagkapukaw mula sa Itaas, dahil ito ay iluminasyon mula sa Itaas, at ito ay hindi para sa talino ng tao na intindihin. Pero siya na nakatikim ay may alam. Ito ay sinabi tungkol diyan, "Tikman at tingnan na ang Panginoon ay mabuti."

Sa dahilang iyon, sa pagtanggap ng pabigat ng Kaharian ng Langit, ang tao ay mangangailangan na ito ay talagang buong-buo, ibig sabihin sa pagkaloob lamang at hindi sa pagtanggap. At kung makikita ng tao na ang kanyang mga organo ay hindi pumapayag sa palagay na ito, siya ay walang ibang payo kundi sa dalangin -ibuhos ang kanyang puso sa Lumikha, para tulungan siya na gawin ng kanyang katawan ang pagsang-ayon na magpaalila ang kanyang sarili sa Lumikha.

At huwag mong sabihin na kung ang Lishma ay isang regalo mula sa Itaas, sa gayon anong kabutihan ang pangingibabaw ng tao at mga pagpupunyagi at lahat ng mga remedyo at mga pagbabago na kanyang ginagawa para makarating sa Lishma, kung ito ay depende sa Lumikha? Sinabi ng ating mga taong paham ang tungkol diyan, "Ikaw ay walang kalayaang alisin ito sa iyong sarili." Kundi, ang tao ay dapat maghandog ng pagkapukaw mula sa ibaba, at iyon ay tinuring na "dalangin."  Hindi maaaring magkaroon ng tunay na dalangin kung ang tao ay walang paunang kaalaman na kung wala ang dalangin ito ay hindi maaaring matamo.

Kung kaya, ang mga gawain at mga remedyo na kanyang ginagawa para matamo ang Lishma ay gumawa ng mga naayos na sisidlan na  gumustong tumanggap ng Lishma. Kaya, pagkatapos ng lahat ng mga magagandang gawain at mga remedyo siya ay maaaring manalangin ng mataimtim dahil nakita niya na ang lahat ng kanyang gawain ay nagdala sa kanya ng walang pakinabang. Sa gayon lamang siya ay maaaring manalangin ng taos-pusong dalangin mula sa kaibuturan ng kanyang puso, at sa gayon ang Lumikha ay makikinig sa kanyang dalangin at bibigyan siya ng regalo na Lishma.

Dapat din nating malaman na sa pagtamo ng Lishma, pinapatay ng tao ang masamang inklinasyon. Dahil ang masamang inklinasyon ay tinawag na pagtanggap para sa sariling kapakanan. At sa pagtamo ng layuning magkaloob, kinansela ng tao ang pansariling kasiyahan. At ang kamatayan ay nangangahulugan na ang tao ay hindi na gumagamit sa mga sisidlan ng pagtanggap para sa sarili. At dahil sa ito ay hindi na aktibo, ito ay isinaalang-alang na patay.

Kung tingnan ng tao kung ano ang kanyang natanggap para sa kanyang gawain sa ilalim ng araw, mapapansin ng tao na hindi masyadong mahirap ang alipinin ang kanyang sarili sa Lumikha, sa dalawang mga dahilan:

1. Ang tao ay dapat maghirap sa kanyang sarili sa mundong ito sa anumang kaso, may gusto man siya o wala.

2.  Kahit sa panahon ng gawain, kung ang tao ay gumagawa sa Lishma, ang tao ay makakatanggap ng kasiyahang mula sa gawain mismo.

Ito ay gaya ng sinabi ng Mananalita mula Dubna tungkol sa talata, "Hindi ka tumawag sa Akin oh Yaakob, ni hindi mo binabalisa ang iyong sarili tungkol sa Akin oh Israel." Ito ay nangangahulugan na siya na gumagawa para sa Lumikha ay walang pagsusumikap. Sa kabaligtaran, siya ay may kasiyahan at kagalakan.

Pero siya na hindi gumagawa para sa Lumikha, kundi para sa ibang mga layunin, ay hindi makakapagreklamo sa Lumikha sa hindi pagbigay sa kanya ng kasiglahan sa gawain, dahil siya ay gumagawa para sa ibang layunin. Siya ay makakapagreklamo lamang sa taong pinagtatrabahuan niya, at magdemanda na bigyan siya ng kasiglahan at kasiyahan sa panahon ng gawain. Ito ay sinabi tungkol sa kanya: "Ang sinumang nananalig sa kanila ay maging katulad sa kanila na gumagawa sa kanila."

Huwag kang mabigla na kung tanggapin ng tao ang pabigat ng Kaharian ng Langit, kung siya ay gustong gumawa para magkaloob sa Lumikha, na hindi pa rin siya makadama ng kasiglahan, at ang kasiglahang ito ang magpwersa ng tao na tanggapin ang pabigat ng Kaharian ng Langit. Manapa ay, dapat tanggapin ito ng tao sa pwersahan, laban sa kanyang mas mabuting palagay. Ibig sabihin, ang katawan ay hindi sumasang-ayon sa pagpapaaliping ito, bakit hindi siya pagkalooban ng Lumikha ng kasiglahan at kasiyahan.

Sa katunayan, ito ay dakilang koreksyon. Kung wala iyon, kung ang hangaring tumanggap ay sumang-ayon sa gawaing ito, ang tao kahit kaylan ay hindi makakatamo ng Lishma. Manapa, siya ay laging gumagawa para sa kanyang sariling kapakanan, para bigyang kasiyahan ang kanyang sariling mga hangarin. Ito ay gaya na sinabi ng mga tao, na ang magnanakaw mismo ay sumisigaw, "Hulihin ang magnanakaw." At sa gayon hindi mo maaaring masabi sino ang tunay na magnanakaw para hulihin siya at kunin ang ninakaw.

Pero kung ang magnanakaw, ibig sabihin ang hangaring tumanggap, ay hindi makakita na ang pagtanggap ng pabigat ng Kaharian ng Langit ay malasa, dahil ang katawan ay nasasanay sa kanyang sarili na gumawa laban sa kanyang sariling hangarin, ang tao ay may pamaraan para gumawa lamang para bigyan ng kasiyahan ang kanyang Lumikha, dahil ang nag-iisang intensyon ng tao ay dapat para sa Lumikha lamang, gaya ng sinabi, "Sa gayon ikaw ay magsaya sa iyong sarili sa Panginoon." Kung kaya, nang siya ay naglingkod sa Lumikha sa nakaraan, hindi siya nakadama ng anumang  kasiyahan sa gawain. Kundi ang kanyang gawain ay ginawa sa pagpupumilit.

Subali't, ngayon na sinasanay ng tao ang kanyang sarili na gumawa para magkaloob, ang tao ay pagkalooban ng kaligayahan sa Lumikha, at ang gawain mismo ay magbigay ng tao ng kasiyahan at kasiglahan. At ito ay isinaalang-alang na kasiyahan, din, natatangi para sa Lumikha.