Aklat na Shamati: Sanaysay #207
Aking narinig sa Shabbat, Tevet 13
Ang mga tao sa mundo ay naglalakad sa dalawang paa, tinawag na “kasiyahan at pighati.” Sila ay laging naghahabol sa lugar ng kasiyahan, at laging tumatakas sa lugar ng pighati. Kaya, kung ang tao ay pinagkalooban sa pagtikim ng lasa ng Torah at Mitzvot, gaya ng sinulat, “tikman at tingnan na ang Panginoon ay mabuti,” sa gayon siya ay naghahabol sa paglilingkod sa Lumikha. Ang resulta sa iyon ay ang tao ay laging pagkalooban ng mga antas ng Torah at Mitzvot, gaya ng sinulat, “at sa Kanyang batas siya ay magninilay-nilay araw at gabi.”
Pero paano maaaring higpitan ng tao ang kanyang isip sa iisang bagay? Lalo pa, ang pag-ibig at kasiyahan ay laging nagtatali ng kanyang isip para ang kanyang isip at katawan ay nakabit sa pag-ibig at sa kasiyahan gaya ng makikita natin sa makamundong pag-ibig. Ito ay talagang ganito kung ang tao ay pinagkalooban na ng paglaki ng isipan, na nagbubunga ng pag-ibig. At ang pag-unawang ito ay tinawag na “sa loob ng katwiran.” Pero ang dapat laging tandaan ng tao na gumawa sa pamamagitan ng sa ibabaw ng katwiran, dahil ito ay tinawag na “pananampalataya at pagkaloob.”
Ito ay hindi ganito sa loob ng katwiran. Sa panahong iyon, lahat ng mga organo ay sumasang-ayon sa kanyang gawain dahil sila, rin, ay nakatanggap ng kaluguran at kasiyahan, at ito ang dahilan na tinawag ito na “sa loob ng katwiran.”
At sa ganoong panahon ang tao ay nasa mahirap na kalagayan: ipinagbawal na sirain ang pag-uunawa, dahil ito ay maka-Diyos na tanglaw sa kanyang loob, dahil ito ay kasaganaan mula sa Itaas. Sa halip, dapat ayusin ng tao ang dalawa, ibig sabihin ang pananampalataya at ang katwiran.
At pagkatapos kailangan niyang ayusin ito para ang lahat ng bagay na kanyang natamo hanggang dito, ibig sabihin ang Torah na ngayon ay kanyang natamo at ang kasaganaan na mayroon siya ngayon, ano ang kinalaman nito? Ito ay dahil lamang na mayroon siyang nauunang paghahanda, sa pamamagitan sa pag-akyat sa ibabaw ng katwiran.
Ito ay nangangahulugan na sa pamamagitan ng kapangakuan sa Dvekut (debosyon), kumabit siya mismo sa ugat, at kaya pinagkalooban ng katwiran. Ito ay nangangahulugan na ang katwiran na kanyang natamo sa pamamagitan ng pananampalataya ay tunay na pagbunyag. Ito ay mauunawaan na una niyang ikinatutuwa ang ibabaw sa katwiran, at ikinatutuwa din niya ang katwiran, na siya ngayon ay pinagkalooban sa pagbunyag ng Kanyang mga pangalan para igawad ang kasaganaan.
Ito ang dahilan na dapat lalo niyang palakasin ngayon sa pamamagitan ng katwiran, at umakyat ng labis sa ibabaw ng katwiran, dahil ang Dvekut sa ugat ay unang mangyayari sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito ang kanyang buong layunin. At ito ay tinawag na “pagtanggap,” ang katwiran na kanyang ipinaabot para magkaloob, sa pamamaraang siya ay makakaakyat sa pananampalataya sa ibabaw ng katwiran sa pinakahigit na sukat, sa dami at katangian.