kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Kung ang Tao ay Makadama sa Sarili ng Kalagayan ng Pag-akyat

Aklat na Shamati, Sanaysay # 21
Aking narinig sa Heshvan 23, Nobyembre 9, 1944

Kung ang tao ay makadama sa sarili ng kalagayan ng pag-akyat, na siya ay masigla, kung siya ay makadama na siya ay walang hangarin kundi para sa espiritwalidad lamang, sa gayon mabuti ang magsaliksik sa mga sekreto ng Torah, para matamo ang kanyang panloob na katangian. Kahit kung makikita ng tao na maski na siya ay nagpupunyagi sa sarili para maintindihan ang anumang bagay, at hindi pa rin makakaalam ng anumang bagay, sulit pa rin ang magsaliksik sa mga sekreto ng Torah, kahit isang daang beses sa iisang bagay.

Ang tao ay hindi dapat mawalan ng pag-asa na ito ay walang silbi dahil siya ay hindi makaunawa ng anumang bagay. Ito ay ganito sa dalawang mga dahilan:

Kung ang tao ay mag-aaral ng mangilan-ngilang babasahin at magnanais na maunawaan ito, ang pagnanais na iyon ay tinawag na "dalangin." Ito ay dahil ang dalangin ay kakulangan, ibig sabihin na ang tao ay maghahangad kung ano ang wala siya, na ang Lumikha ay magbibigay-kasiyahan ng kanyang hangarin.

Ang sukdulan ng dalangin ay sinusukat sa hangarin, dahil ang bagay na kinakailangan ng tao ng nakararami, ang hangarin para nito ay lalong malaki. Dahil ayon sa sukat ng pangangailangan, gayon din ang sukat ng paghahangad.

Mayroong patakaran na sa bagay na ang tao ay gumagawa ng pinakamaraming pagpupunyagi, ang pagbubuhos ng lakas ay nagpaparami ng hangarin, at ang tao ay gustong tumanggap ng kasiyahan sa kanyang kakulangan. Mandin, ang hangarin ay tinawag na "dalangin," "ang gawain ng puso," dahil  "ang Tanging Maawain ay gusto ng mga puso."

 Ito ay magresulta na sa gayon ang tao ay makakapagbigay ng tunay na dalangin dahil kung ang tao ay mar-aaral ng mga salita ng Torah, ang puso ay kailangang malaya mula sa ibang mga hangain at bigyan ang isip ng kakayahan na makakapag-isip at makakapagsuri. Kung walang hangarin sa puso, ang isip ay hindi makakapagsuri, gaya ng sinabi ng ating mga taong paham, "Ang tao ay laging matuto kung saan ang kanyang puso ay naghahangad."

Para matanggap ang dalangin ng tao, ito ay dapat buong dalangin. Kung kaya, kung magsusuri sa buong sukat, ang tao ay magpalabas mula nito ng buong dalangin, at sa gayon ang dalangin ng tao ay matatanggap, dahil ang Lumikha ay makikinig ng dalangin. Pero mayroong kondisyon: ang dalangin ay dapat buong dalangin, at hindi magkaroon ng ibang mga bagay na nakahalo sa gitna ng dalangin.

B) Ang pangalawang dahilan ay sa panahong iyon, dahil ang tao ay nakahiwalay sa katotohanang panlupa sa mangilan-ngilang sukdulan, at mas malapit sa katangian ng pagkaloob, ang panahon ay lalong bagay na mag-ugnay sa panloob ng Torah, na siyang lumilitaw sa kanilang may pagkapareho sa Lumikha. Ito ay dahil ang Torah, ang Lumikha, at Israel ay isa. Subali't, kung ang tao ay nasa kalagayan ng pagtanggap para sa sarili, siya ay nabibilang sa panlabas, at hindi sa panloob.