kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Parang Nakatayo sa Harapan ng Hari

Aklat na Shamati, Sanaysay # 211
Aking narinig sa Elul 1, Agosto 28, 1938 

Ang taong nakaupo lamang sa kanyang bahay ay hindi katulad sa taong nakatayo sa harapan ng Hari. Ito ay nangangahulugan na ang paniniwala ay dapat na siya ay makakadama na parang siya ay nakatayo sa harapan ng Hari sa buong magdamag. Sa gayon ang kanyang pag-ibig at takot ay tiyak na magiging ganap. At hanggang sa hindi niya matamo ang uri ng paniniwalang ito, dapat hindi siya magpahinga, "dahil iyon ang ating buhay at ang katagalan ng ating mga araw," at hindi tayo tatanggap ng kabayaran.

At ang kakulangan ng paniniwala ay dapat ilala sa kanyang mga paa hanggang sa ang nakasanayan ay maging pangalawang kalikasan, sa  abot na "kung maalaala ko Siya, hindi Niya ako pahintulutang matulog." Pero lahat ng mga makalupang bagay ay papawiin ng hangaring ito, dahil makita niya na anumang bagay na magbigay sa kanya ng kasiyahan, ang kasiyahan ay kakansela ng kakulangan at ng pighati.

Gayon pa man, ang tao ay dapat hindi mangangailangan ng konsolasyon, at dapat maging maingat sa anumang makalupang bagay na kanyang matanggap, para hindi papawiin ang kanyang hangarin. Ito ay magawa sa panghihinayang na sa pamamagitan ng hangaring ito, ang mga tilamsik at mga lakas ng mga sisidlan ng Kedusha (Kabanalan) ay mawala sa kanya, ibig sabihin, ang mga hangarin para sa Kedusha. At sa pamamagitan ng kalungkutan, maaring hindi mawala sa kanya ang mga sisidlan ng Kedusha.