kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Torah Lishma (para sa Kanyang Pangalan)

Aklat na Shamati, Sanaysay # 22
  Aking narinig sa Pebrero 6, 1941

Ang Torah ay tinawag Lishma una sa lahat kung ang tao ay matuto para makaalam sa lubos na katiyakan, sa loob ng rason, walang anumang pag-aatubili sa kalinawan ng katotohana, na mayroong huwes at mayroong paghuhukom. Mayroong paghuhukom ay nangangahulugan na ang tao ay makakita ng katotohanan gaya sa paglantad nito sa ating mga mata. Ibig sabihin nito na kung tayo ay gumagawa sa pananalig at pagkaloob, makikita natin na tayo ay tumutubo at umaakyat araw-araw, dahil lagi nating makikita ang pagbabago para sa mas nakakabuti.

Pasalungat, kung tayo ay gumagawa sa anyo ng pagtanggap at kaalaman, makikita natin na tayo ay bumababa bawa't araw pababa sa pinakababa sa katotohanan.

Kung susuriin ang dalawang kalagayang ito makikita natin na mayroong paghuhukom at mayroong huwes. Ito ay dahil habang hindi natin sinusunod ang mga batas ng Torah ng katotohanan, tayo ay agad-agad pinaparusahan. Sa kalagayang iyon makikita natin na mayroong makatarungang paghuhukom. Sa ibang mga salita, makikita natin na ito talaga ang pinakamabuti at pinakamagaling na paraan para matamo ang katotohanan.

Ito ay tinuring na ang paghuhukom ay makatarungan, na sa paraang ito lamang tayo makakarating sa panghuling layunin, sa pag-unawa sa loob ng rason, sa buo at ganap na pag-unawa na wala nang mas mataas, na sa paraan lamang ng pananalig at pagkaloob maaaring matamo natin layunin.

Kaya, kung ang tao ay mag-aaral para sa layuning ito, para unawain na mayroong paghuhukom at mayroong huwes, ito ay tinawag na Torah Lishma (para sa Kanyang Pangalan). Ito rin ang kahulugan ng sinabi ng ating mga taong paham, "Dakila ang pag-aaral na magdadala sa gawa."

Parang ito ay dapat sinabi, "na magdadala sa mga pagkilos," ibig sabihin para magkaroon ng kakayahang gumawa ng maraming gawain, sa pangmaramihang anyo, at hindi sa anyong isahan. Subali't, ang bagay ay, gaya ng nabanggit sa itaas, ang pag-aaral ay dapat magdadala ng tao sa pananalig lamang, at ang pananalig ay tinawag na isang Mitzva (Kautusan), na siyang naghahatol  ng buong mundo para maging karapat-dapat.

Ang pananalig ay tinawag na "paggawa," dahil ito ay karaniwang ugali na ang taong gumagawa ng mangilan-ngilang bagay, dapat mayroon munang rason na namimilit ng tao para gumawa sa loob ng rason. Ito ay tulad ng kaugnayan sa pagitan ng isip at ng gawain.

Subali't, kung mangilan-ngilan sa bagay ay nasa ibabaw ng rason, na ang rason ay hindi pumayag na ang tao ay gumawa sa bagay na iyon, kundi sa kabaligtaran, sa gayon ang tao ay dapat magsabi na wala nang rason sa gawang ito, kundi ang gawa lamang. Ito ang kahulugan ng, "Kung ang tao ay gumagawa ng isang Mitzva, siya ay masaya, dahil siya ay naghatol sa kanyang sarili, at iba pa, sa antas ng merito." Ito ang kahulugan ng "Dakila ang pag-aaral na magdadala sa gawa," ibig sabihin sa gawa na walang rason, tinawag na "sa ibabaw ng rason."