kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Ikaw na Umiibig sa Panginoon, Kamuhian Mo ang Kasamaan

Aklat na Shamati, Sanaysay # 23
Aking narinig sa Sivan 17, Hunyo 2, 1931

Sa talata, "O ikaw na umiibig sa Panginoon, kamuhian mo ang kasamaan; Siya ang nangangalaga ng mga kaluluwa ng Kanyang mga santo; Siya ang nagliligtas sa kanila mula sa mga kamay ng mga masasama," iniinterpret niya na hindi sapat na iibig sa Lumikha, at gustong pagkalooban ng debosyon sa Lumikha. Ang tao ay dapat din mamuhi sa kasamaan.

Ang bagay ng pagkamuhi ay inihayag sa pagkamuhi ng masasama, tinawag na "hangaring tumanggap." At makikita ng tao na siya ay walang panlinlang para alisin ito, at sa parehong panahon hindi gustong tanggapin ng tao ang sitwasyon. At madadama ng tao ang mga kawalan na magagawa ng kasamaan sa kanya, at makikita din ang katotohanan na hindi niya mapawalang bisa ang kasamaan sa kanyang sariling lakas, dahil ito ay natural na lakas sa Lumikha, na siyang nagtatak ng hangaring tumanggap sa tao.

Sa kalagayang iyon, sinasabi ng talata kung ano ang maaaring magawa ng tao, ibig sabihin ang kamuhian ang kasamaan. At sa paraang iyon ang Lumikha ay mangangalaga sa kanya mula sa kasamaang iyon, gaya ng sinulat, "Siya ang mangangalaga ng mga kaluluwa ng Kanyang mga santo." Ano ang preserbasyon? "Siya ang nagligtas sa kanila mula sa mga kamay ng mga masasama." Sa kalagayang iyon siya ay matagumpay na tao na, maging ito ay pinakamaliit na koneksyon.

Sa katotohanan, ang bagay ng kasamaan ay mananatili at magsisilbi bilang Achoraim (nasa Likuran) sa  Partzuf (Mukha). Pero ito ay koreksyon lamang ng tao: sa pamamagitan ng tapat na pagkamuhi ng kasamaan, ito ay kinorekta sa anyo ng  Achoraim. Ang pagkamuhi ay dumadating dahil kung ang tao ay gustong magtamo ng debosyon sa Lumikha, sa gayon mayroong pakikitungo sa gitna ng mga kaibigan: kung ang dalawang tao ay dumating sa pag-uunawa na ang bawa't isa ay namumuhi sa kung ano ang kinamuhian ng kanyang kaibigan, at umiibig sa kung ano ang iniibig ng kanyang kaibigan, sa gayon sila ay dumating sa ugnayang walang hanggan, gaya ng tukod na hindi bibigay.

Kung kaya, dahil ang Lumikha ay ibig magkaloob, ang mga mas mababa ay dapat ding bumagay na gusto lamang magkaloob. Ang Lumikha ay namumuhi din na maging taga-tanggap, gaya ng Siya ay ganap na buo at hindi nangangailangan ng bagay. Kaya, ang tao, din, ay dapat mamuhi sa bagay ng pagtanggap para sa sarili.

Ito ay mauunawaan mula sa itaas, na ang tao ay dapat mamuhi ng masaklap sa hangaring tumanggap, dahil ang lahat ng mga pagwasak sa mundo ay nanggaling lamang  sa hangaring tumanggap. At sa pamamagitan ng pagkamuhi, kinokorekta ito ng tao at sumusuko sa ilalim ng Kedusha (Kabanalan).