Aklat na Shamati, Sanaysay # 24
Aking narinig sa Av 5, Hulyo 25, 1944, sa pagtatapos ng Ang Zohar
Ito ay sinulat, "O ikaw na umiibig sa Panginoon, kamuhian mo ang kasamaan; Siya ang nangangalaga ng mga kaluluwa ng Kanyang mga santo; Siya ang nagliligtas sa kanila mula sa mga kamay ng mga masasama." Siya ay nagtatanong, ano ang koneksyon sa pagitan ng "kamuhian mo ang kasamaan" at ng "Siya ang nagliligtas sa kanila mula sa mga kamay ng mga masasama?" Para maunawaan natin iyon, dapat muna nating ipambungad ang mga salita ng ating mga taong paham, "Ang mundo ay hindi nilikha, kundi maaaring para sa ganap na banal, o maaaring para sa ganap na masama." Siya ay nagtatanong, ito ba ay kapaki-pakinabang na likhain ang mundo para sa ganap na masama, pero hindi kapaki-pakinabang para sa hindi ganap na banal?
Siya ay sumasagot: mula sa perspektibo ng Lumikha, walang bagay na mayroong dalawang kahulugan sa mundo. Ito ay mula lamang sa perspektibo ng mga tumatanggap, ibig sabihin ayon sa sensasyon ng mga tumatanggap. Ito ay nangangahulugan na ang mga tumatanggap ay maaaring makalasa ng magandang lasa sa mundo o maaaring sila ay makadama ng sobrang pait na lasa sa mundo.
Ito ay dahil sa bawa't kilos na kanilang ginawa, tinatantya muna nila ito nang gawin ito, dahil walang kilos na ginawa na walang layunin. Maaaring sila ay gustong lalong pagbutihin ang kanilang kasalukuyang kalagayan o maaaring pinsalain ang isang tao. Pero ang mga maliliit na bagay ay hindi kapaki-pakinabang sa determinadong tagapangasiwa.
Kung kaya, silang tumatanggap ng mga pamaraan ng pakikitungo ng Lumikha sa mundo, ay magpasyang ito ay mabuti o masama depende sa kung paano sila nakadama: maaaring ito ay mabuti o maaaring masama. Sa dahilang iyon "ikaw na umiibig sa Panginoon," na nakaunawa na ang layunin ng paglikha ay para gumawa ng mabuti sa Kanyang mga nilikha, para sila makarating sa pagdama nito, sila ay makaunawa na ito ay tinanggap nang tiyakan sa Dvekut (Debosyon) at paglapit sa Lumikha.
Kaya, kung sila ay makadama ng anumang pagkalayo mula sa Lumikha, tinatawag nila ito na "masama." Sa kalagayang iyon, isinaalang-alang ng tao ang kanyang sarili na masama, dahil ang panggitnang kalagayan ay hindi totoo. Sa ibang mga salita, maaaring ang tao ay makadama ng pag-iiral ng Lumikha at ng Kanyang Kalooban, o maaaring siya ay nag-iisip na "Ang mundo ay binigay sa mga kamay ng mga masasama."
Dahil ang tao ay makadama tungkol sa kanyang sarili na siya ay taong tapat, ibig sabihin na hindi niya maaaring dayain ang kanyang sarili at magsabi na siya ay nakadama kung hindi siya nakadama, kaya, siya ay agad-agad simulang umiyak sa Lumikha na kaawaan siya at iligtas siya mula sa lambat ng Sitra Achra at lahat na mga kakaibang pag-iisip. Dahil siya ay marubdob na umiyak, ang Lumikha ay nakinig sa kanyang dalangin. (At baka ito ang kahulugan ng "Ang Panginoon ay malapit sa kanila na tumatawag sa Kanya sa katunayan.) Sa panahong iyon "Siya ang nagliligtas sa kanila mula sa mga kamay ng mga masasama."
Habang hindi madama ng tao ang kanyang tunay na sarili, ibig sabihin ang panukat ng kanyang kasamaan sa hustong dami para pukawin ang tao na umiyak sa Lumikha mula sa paghihirap na kanyang nadama sa kanyang pagkilala ng masama, siya ay hindi pa karapat-dapat sa kaligtasan. Ito ay dahil hindi pa niya natagpuan ang Kli (Sisidlan) sa pagdinig ng dalangin, tinawag "mula sa kaibuturan ng puso."
Ito ay ganito dahil naiisip pa ng tao na mayroong mangilan-ngilang kabutihan sa kanya, ibig sabihin siya ay hindi pa pumanaog sa kaibuturan ng puso. Sa kaibuturan ng puso ang tao ay nag-iisip na siya ay mayroon pang mangilan-ngilang kabutihan, at hindi niya mabatid sa anong pag-ibig at takot siya mag-uugnay sa Torah at sa Mitzvot, at ito ang dahilan na hindi niya makikita ang katotohanan.