Aklat na Shamati, Sanaysay # 25
Aking narinig sa Av 5, Hulyo 25, 1944, sa panahon ng masayang kainan sa pagtatapos ng Ang Zohar
Tungkol sa mga bagay na nagmula sa puso, papasok sa puso. Kaya, bakit makikita natin na kahit kung ang bagay ay nakapasok na sa puso, ang tao ay mahuhulog pa rin mula sa kanyang antas?
Ang bagay ay kung ang tao ay makarinig ng mga salita ng Torah mula sa kanyang titser, siya ay kaagad sumang-ayon sa kanyang titser, at magpasyang sundin ang mga salita ng kanyang titser kasama ang kanyang puso at kaluluwa. Pero maya-maya, kung siya ay lumalabas na sa mundo, siya ay makakita, magnanasa, at mahawaan sa dami-daming hangarin na gumagala sa mundo, at siya at ang kanyang isip, ang kanyang puso, at ang kanyang kagustuhan ay mapawalang-saysay sa harapan ng nakakarami.
Habang siya ay walang kapangyarihang husgahan ang mundo sa antas ng merito, sila ay mangingibabaw sa kanya. Siya ay makihalubilo sa kanilang mga hangarin at siya ay dinala tulad ng karnerong papunta sa katayan. Siya ay walang pagpilian; siya ay pinilit na mag-isip, gumusto, maghangad, at magdemanda ng lahat ng bagay na dinidemanda ng nakakarami. Siya sa gayon ay pumipili sa kanilang kakaibang pag-iisip at ng kanilang nakakadiring libog at hangarin, na siyang kakaiba sa espirito ng Torah. Sa kalagayang iyon siya ay walang lakas na pangibabawan ang nakakarami.
Sa halip, mayroon lamang iisang payo sa gayon, ang kumapit sa kanyang titser at sa mga aklat. Ito ay tinawag na “Mula sa bibig ng mga aklat at mula sa bibig ng mga may-akda.” Sa pagkapit lamang sa kanila siya ay maaaring makapagbago ng kanyang isip at hangarin sa mas nakakabuti. Subali't, ang mga matalinong argumento ay hindi makakatulong sa kanya sa pagbabago ng kanyang isip, kundi ang remedyo lamang ng Dvekut (debosyon), dahil sa ito ay kamangha-manghang lunas, dahil pagbaguhin siya ng Dvekut
Habang nasa loob lamang siya ng Kedusha (Kabanalan) siya ay maaaring makipagtalo sa kanyang sarili at magpakasawa sa mautak na pakikipagtalo, na kinakailangan ng utak na siya ay dapat laging lumakad sa daan ng Lumikha. Subali't, dapat malaman ng tao na kahit kung siya ay mautak at tiyak na siya ay maaari nang gumamit ng utak na ito para talunin ang Sitra Achra (ibang bahagi), dapat niyang itanim sa isip na lahat ng ito ay walang halaga.
Ito ay hindi armamento na maaaring tumalo ng digmaan ng hangarin, dahil ang lahat ng mga konseptong ito ay mga resulta lamang na kanyang natamo pagkatapos sa nabanggit na Dvekut. Sa ibang mga salita, lahat ng mga konseptong kung saan niya tinayo ang kanyang gusali, ibig sabihin dapat siya ay palaging sumunod sa daan ng Lumikha, ay natatag sa Dvekut sa kanyang titser. Kaya, kung mawalan siya ng pundasyon, sa gayon ang lahat ng mga konsepto ay walang kapangyarihan, dahil sila ngayon ay kulang na ng pundasyon.
Kung kaya, ang tao ay dapat hindi umasa sa kanyang sariling isip, kundi kumapit muli sa mga aklat at mga may-akda, dahil iyon lang ang maaaring makatulong sa kanya, at hindi utak at talino, dahil sila ay walang buhay.