Aklat na Shamati, Sanaysay #26
Aking narinig sa 1943
Ito ay sinulat, “Ang Panginoon ay mataas at ang mababa ay makakakita,” na ang mababa lamang ang makakakita ng kadakilaan. Ang mga letrang Yakar (Mahal) ay mga letra ng Yakir (makakaalam). Ito ay nangangahulugan na malaman ng tao ang kadakilaan ng bagay sa lawak na ito ay mahal sa tao.
Ang tao ay nakintal ayon sa kahalagahan ng bagay. Ang kakintalan ay magdadala ng tao sa sensasyon sa puso, at ayon sa sukat ng kanyang pagkilala sa kahalagahan, sa lawak na iyon ang ligaya ay maisilang sa kanya.
Kaya, kung alam ng tao ang kanyang kababaan, na siya ay hindi lalong nakakaangat kaysa kanyang mga kontemporaryo, ibig sabihin na makikita ng tao na mayroong maraming mga tao sa mundo na hindi binigyan ng lakas na gumawa ng banal na gawain sa pinakasimpleng paraan, kahit wala ang layon at sa Lo Lishma (hindi sa Kanyang Pangalan), kahit sa Lo Lishma ng Lo Lishma, at kahit sa paghahanda para sa paghahanda ng kasuotan ng Kedusha (Kabanalan), habang siya ay pinagkalooban ng hangarin at ng isip na kahit paano ay gumawa ng banal na gawain, kahit sa pinakasimpleng paraan, kung ikakalugod ng tao ang kahalagahan nito, ayon sa kahalagahan na itinunton ng tao sa banal na gawain, sa lawak na iyon ang tao ay dapat magbigay papuri at maging mapasalamatin para nito.
Ito ay ganito dahil ito ay totoo na hindi natin maaaring pahalagahan ang kahalagahan na magkaroon ng kakayahan minsan na magpunyagi sa Mitzvot ng Lumikha, kahit walang anumang layon. Sa kalagayang iyon, ang tao ay dumating sa pagdaramdam ng kagalakan at ligaya sa puso.
Ang papuri at ang pasasalamat na mabibigay ng tao para nito ay magpalawak ng mga damdamin, at ang tao magalak sa bawa't isang punto ng banal na gawain, at alam kaninong manggagawa siya, at sa gayon ay lalong pumailanlang pataas. Ito ang kahulugan ng sinulat, “Ako ay magpapasalamat sa Iyo sa mga biyaya na Iyong ginawa sa akin,” ibig sabihin sa nakaraan, at sa pamamagitan nito siya ay may-tiwalang magsabi, at siya ay magsabi, “at iyon ay Iyong gagawin sa akin.”