Aklat na Shamati, Sanaysay # 27
Aking narinig sa Shabbat Terumah, Marso 5, 1949, Tel-Aviv
“Ang Panginoon ay mataas at ang mababa ay makakakita.” Paano magkaroon ng pagkapareho sa Lumikha kung ang tao ay tagatanggap at ang Lumikha ay tagabigay? Ang talata ay nagsasabi sa iyon, “Ang Panginoon ay mataas at ang mababa…”
Kung ang tao ay magkakansela sa kanyang sarili, sa gayon siya ay walang kapangyrarihan na maghiwalay sa kanya sa Lumikha. Sa kalagayang iyon ang tao “ay makakakita,” ibig sabihin siya ay pinagkalooban ng Mochin de Hochma, “at ang mayabang ay Kanyang makilala sa malayo.” Subali't, ang mapagmataas, ibig sabihin ang taong mayrong kanyang sariling kapangyarihan, ay nailayo, dahil siya ay kulang ng pagkareho.
Ang pagkamababa ay hindi itinuring na pagbababa ng sarili sa harapan ng iba. Ito ay pagpapakumbaba, at ang tao ay makadama ng kabuuhan sa gawaing ito. Kundi, ang pagkamababa ay nangangahulugan na ang mundo ay namuhi sa tao. Talagang kung ang mga tao ay namuhi, ito ay itinuring na pagkamababa. Sa panahong iyon ang tao ay hindi makadama ng kabuuhan, dahil ito ang batas na kung ano ang iniisip ng mga tao ay makakaapekto ng tao.
Kung kaya, kung ang mga tao ay nagbigay respeto sa kanya, siya ay makadama ng kabuuhan; at iyong kinamumuhian ng mga tao, iniisip nila ang kanilang sarili na mababa.