kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Hindi Ako Mamatay Kundi Mabuhay

Aklat na Shamati: Sanaysay #28
Aking narinig sa 1943

Sa talata, “Hindi ako mamatay kundi mabuhay,” para ang tao makatamo ng katotohanan, dapat mayroong sensasyon na kung ang tao ay hindi makatamo ng katotohanan, ang tao ay makadama na gaya ng patay, dahil siya ay gustong mabuhay. Ito ang kahulugan ng talata, “Hindi ako mamatay kundi mabuhay” ay tumutukoy sa tao na gustong makatamo ng katotohanan.

Ito ang kahulugan ng “Jonah Ben (ang anak ni) Amithai.” Ang Jonah ay nanggaling sa salitang Hebreo Honaa (Pandaraya), at Ben (anak) mula sa salitang Hebreo Mevin (Makaunawa). Ang tao ay makaunawa dahil ang tao ay palaging sumusuri ng sitwasyon na kanyang kinalalagyan at nakikita na nilinlang niya ang kanyang sarili, na hindi siya lumalakad sa landas ng katotohanan.

Ito ay ganito dahil ang katotohanan ay nangangahulugan ng pagkaloob, ibig sabihin Lishma. Ang katapat niyan ay pandaraya at panlilinlang, ibig sabihin pagtanggap lamang, na siyang Lo Lishma. Para diyan ang tao mayamaya ay pinagkalooban ng “Amithai,” ibig sabihin Emet (Katotohanan).

Ito ang kahulugan ng “ang iyong mga mata ay gaya ng sa mga kalapati.” Eynaim (mga mata) ng Kedusha (Kabanalan), tinawag na Eynaim ng Banal na Shechina (Dibinidad), ay Yonim (mga kalapati). Nilinlang nila tayo at iniisip natin na siya ay walang Eynaim, gaya ng sinulat sa Holy Zohar, “Ang magandang dalaga na walang mga mata.”

Ang katotohanan ay, na ang tao na pinagkalooban ng katotohanan ay makakita na siya ay walang mga mata. Ito ang kahulugan ng “Ang babaeng ikakasal na mayroong magagandang mga mata, ang kanyang buong katawan ay hindi na kailangan ng maingat na pagsisiyasat.”