kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Ang Bagay ng Pagtatamong Espiritwal

Aking narinig

Ating maunawaan ang maraming antas at mga pag-unawa sa mga mundo. Kailangan nating malaman na ang lahat ng bagay na mauugnay sa mga pang-unawa at mga antas ay magtalakay sa pagtatamo ng mga kaluluwa kaugnay sa kung ano ang kanilang matanggap buhat sa mga mundo.  Ito ay sumang-ayon sa panuntunan, "Ano ang hindi natin maabot, hindi natin malaman sa pangalan." Ito ay ganoon dahil ang salitang "pangalan" ay magpahiwatig ng pagtamo, tulad ng tao na magbigay ng pangalan ng alin mang bagay pagkatapos niyang matamo ang ano man tungkol dito ayon sa kanyang pagtatamo.

Kung kaya, sa pangkalahatan ang katotohanan ay binahagi sa tatlong pag-uunawa, ayon sa pagtatamong espiritwal:

1) Atzmuto (Ang Kanyang Diwa)

2) Ein Sof (Walang Hangganan)

3) Ang mga kaluluwa

1) Hindi natin mapag-usapan ang Atzmuto kailan man. Dahil ang ugat at ang lugar ng mga nilalang ay magsimula sa Isip ng Paglikha, kung saan sila ay pinagsama-sama, gaya ng naisulat, "Ang resulta ng gawain ay nasa paunang isip."

2) Ang Ein Sof ay ukol sa Isip ng Paglikha, na siyang "ang Kanyang hangaring gumawa ng mabuti sa Kanyang mga likha." Ito ay isinaalang-alang na Ein Sof, at ito ang ugnayan na umiiral sa pagitan ng Atzmuto at ng mga kaluluwa. Mahulo natin ang ugnayang ito sa anyo ng "hangaring magbigay kasiyahan sa mga nilalang."

Ang Ein Sof ay ang simula. Ito ay tinawag na "Liwanag na walang Kli (sisidlan)," nguni't doon ay ang ugat ng mga nilalang, mangangahulugan ng ugnayan sa pagitan ng Lumikha at ng mga likha, tinawag na "ang Kanyang hangaring gumawa ng mabuti sa Kanyang mga likha." Ang hangaring ito ay magsimula sa mundo ng Ein Sof at umabot sa mundo ng Assiya.

3) Ang Mga Kaluluwa, na siyang mga tagatanggap ng mabuti na nais Niyang gawin.

Siya ay tinawag na Ein Sof dahil ito ang ugnayan  sa pagitan ng Atzmuto at ng mga kaluluwa, na siyang mahulo natin bilang "ang Kanyang hangaring gumawa ng mabuti sa Kanayang mga likha." Wala tayong pagbigkas maliban sa ugnayan ng hangaring lumigaya at ito ay ang simula ng unawaan, at ito ay tinawag na "Liwanag na walang Kli."

Nguni't, doon magsimula ang ugat ng mga nilikha, nangangahulugang ang ugnayan sa pagitan ng Lumikha at ng mga likha, na tinawag "ang Kanyang hangaring gumawa ng mabuti sa Kanyang mga nilalang." Ang hangaring ito ay magsimula sa mundo ng Ein Sof at umabot sa mundo ng Assiya.

Lahat ng mundo mismo sa kanilang sarili ay isinaalang-alang na Liwanag na walang Kli, kung saan doon ay walang pagbigkas. Sila ay maunawaan bilang Atzmuto at walang pagtatamo sa kanila.

Huwag kang magtaka na maunawaan natin ang maraming pag-unawa doon. Ito ay dahil ang mga pag-unawang ito ay nandoon sa potensyal. Pagkatapos, kapag ang mga kaluluwa ay dumating, ang mga pag-unawa ay lilitaw sa mga kaluluwa na tumanggap sa Lalong Mataas na Liwanag ayon sa kung ano ang kanilang binago at inayos. Kaya, ang mga kaluluwa ay magkaroon ng kakayahan na tumanggap sa kanila, ang bawa't isa ayon sa kanyang kakayahan at kwalipikasyon. At pagkatapos, ang mga pag-unawang ito ay lumitaw sa tunay na pangyayari. Subali't, habang ang mga kaluluwa ay hindi makatamo ng Lalong Mataas na Liwanag, sila mismo ay isinaalang-alang na Atzmuto.

Tungkol sa mga kaluluwa na tumanggap mula sa mga mundo, ang mga mundo ay isinaalang-alang na Ein Sof. Dahil sa ang ugnayan sa pagitan ng mga mundo at ng mga kaluluwa, nangangahulugan kung ano ang ibinigay ng mga mundo sa mga kaluluwa, ay umabot mula sa Isip ng Paglikha, na siyang pagkakaugnay sa pagitan ng mga kaluluwa at Atzmuto.

Ang ugnayang ito ay tinawag na Ein Sof. Kung tayo ay manalangin sa Lumikha at humingi sa Kanya na tulungan tayo at bigyan tayo ng anumang gusto natin, tayo ay nakipag-ugnayan sa pag-unawa ng Ein Sof. Doon ay ang ugat ng mga nilalang, na gustong magbahagi sa kanila ng kasiyahan at kagalakan, na tinawag "ang Kanyang hangaring gumawa ng mabuti sa Kanyang mga nilalang."

Ang panalangin ay para sa Lumikha na naglikha sa atin, at ang Kanyang Pangalan ay "ang Kanyang hangaring gumawa ng mabuti sa Kanyang mga nilalang." Siya ay tinawag na Ein Sof dahil ito ay ipinahayag bago sa pagbabawal. At kahit pagkatapos ng pagbabawal, walang pagbabago na nangyari sa Kanya dahil sa walang pagbabago sa Liwanag at Siya ay palaging manatili sa pangalang ito.

Ang paglaganap ng mga pangalan ay tungkol lamang sa mga tumanggap. Kaya, ang unang pangalan na lumitaw, ibig sabihin, ang ugat para sa mga nilalang, ay tinawag na Ein Sof. At ang pangalang ito ay manatiling hindi magbago. Lahat ng mga pagbabawal at mga pagbabago ay ginawa lamang tungkol sa mga tumanggap, at Siya ay palaging magliwanag sa unang pangalan, "ang Kanyang hangaring gumawa ng mabuti sa Kanyang mga nilalang," sa walang hangganang paraan.

Ito ang dahilan na manalangin tayo sa Lumikha, tinawag na Ein Sof, na lumiwanag na walang pagbabawal o katapusan. Ang katapusan, na siyang  lumitaw sa dakong huli, ay mga pagwawasto para sa mga tumatanggap para matanggap nila ang Kanyang Liwanag.

Ang Lalong Mataas na Liwanag ay binuo ng dalawang pag-uunawa: pagtatamo at natamo. Lahat ng bagay na ating sinabi tungkol sa Mataas na Liwanag ay mag-ugnay lamang paano ang pagtatamo ay tumalab sa natamo. Subali't, mismo sa kanilang sarili, nangangahulugang ang pagtatamo lamang o ang natamo lamang, sila ay hindi tinawag na Ein Sof. Kundi, ang natamo ay tinawag na Atzmuto at ang pagtatamo ay tinawag na "mga kaluluwa," bilang bagong pag-unawa, na bahagi sa buo. Ito ay bago dahil sa ang hangaring tumanggap ay bumakat nito. At sa dahilang iyon, ang paglikha ay tinawag na ""pag-iiral buhat sa wala."

Para mismo sa kanila, lahat ng mga mundo ay itinuring na payak na pagkakaisa at walang pagbabago sa Kabanalan. Ito ang kahulugan ng "Ako ang Panginoon ay hindi magbago." Walang Sefirot at Behinot (mga pag-unawa) sa Kabanalan.

Kahit ang pinakamahiwaga na mga titulo ay hindi tumutukoy sa Liwanag mismo, dahil ito ay pag-unawa ng Atzmuto kung saan ay walang pagtatamo. Kundi, lahat ng Sefirot at mga pag-unawa ay nagpahayag lamang sa kung ano ang matamo ng tao sa kanila. Ito ay dahil sa ang Lumikha ay gustong matamo natin at maintindihan ang kasaganaan gaya ng "ang Kanyang hangaring gumawa ng mabuti sa Kanyang mga nilalang."

Para matamo natin ang gusto Niyang ating matamo at maunawaan gaya ng "ang Kanyang hangaring gumawa ng mabuti sa Kanyang mga nilalang," nilikha at binahaginan Niya tayo ng mga pandamang ito, at ang mga pandamang ito ay nakatamo ng kanilang mga pakiramdam ng Lalong Mataas na Liwanag.

Ayon sa nararapat, binigyan tayo ng maraming mga pag-unawa, dahil ang pangkalahatang pandama ay tinawag na "ang hangaring tumanggap," at hinati sa maraming detalye, ayon sa panukat na kayang matanggap ng mga tumatanggap. Kaya, makita natin ang maraming pagkakahati at mga detalye, tinawag na mga pag-akyat at mga pagbaba, paglaganap at pag-alis, at iba pa.

Dahil sa ang hangaring tumanggap ay tinawag na "nilalang" at "bagong pag-unawa," ang pagbigkas ay magsimula talagang buhat sa lugar kung saan ang hangaring tumanggap ay magsimulang tumanggap ng mga pakiramdam. Ang pananalita ay mga pag-unawa, mga bahagi ng mga pakiramdam. Para dito, mayron nang pag-uugnay sa pagitan ng Liwanag at ng hangaring tumanggap.

Ito ay tinawag na "Liwanag at Kli. Subali't, walang pagbigkas sa Liwanag kung wala ang Kli, dahil ang Liwanag na hindi natamo ng tumanggap ay itinuring na Atzmuto, kung saan ang pagbigkas ay bawal dahil ito ay hindi matatamo, at paano natin maaring bigyan ng pangalan ang hindi natin matamo?

Buhat dito ating mapag-aralan na kung tayo ay manalangin sa Lumikha para padalhan tayo ng kaligtasan, lunas, at iba pa, mayrong dalawang bagay na dapat nating makilala: 1 - Ang Lumikha; 2 - Iyong nagbuhat sa Kanya.

Sa unang pag-unawa, itinuring na Atzmuto, ang pagbigkas ay bawal, gaya ng nasabi natin sa itaas. Sa pangalawang pag-unawa, iyong nagbuhat sa Kanya, na itinuring na Liwanag na lumaganap sa ating Kelim, nangangahulugang patungo sa ating hangaring tumanggap, iyon ay tinawag nating Ein Sof. Ito ang ugnayan ng Lumikha sa mga nilalang, bilang "ang Kanyang hangaring gumawa ng mabuti sa Kanyang mga nilalang." Ang hangaring tumanggap ay itinuring gaya ng lumaganap na Liwanag na sa wakas ay nakarating sa hangaring tumanggap.

Kung ang hangaring tumanggap ay makatanggap ng lumaganap na Liwanag, ang lumaganap na Liwanag ay gayon din tinawag na Ein Sof. Ito ay darating sa mga tumatanggap sa pamamagitan ng maraming mga takip upang ang lalong mababang tumatanggap ay maaaring tumanggap sa kanila.

Lumabas na ang lahat ng mga pag-unawa at mga pagbabago ay tiyakang ginawa sa tumanggap, na may ugnayan kung paano ang tumanggap ay natablan sa kanila. Subali't, dapat nating unawain ang bagay na ating pinag-usapan.Kung mag-usap tayo sa mga pag-unawa sa mga mundo, ito ay mga pag-unawang potensyal. At kung ang mga pag-uanwa ay matamo ng tumanggap, ito ay tinawag na "tunay."

Ang pagtatamong espiritwal ay kung ang nagtamo at ang natamo ay nagkaisa, gaya ng kung walang nagtamo walang anyo sa natamo, dahil walang pagkukunan ng anyo ang natamo. Kaya, ang pag-unawang ito ay itinuring na Atzmuto, kung saan walang lugar para sa kahit anong pagbigkas. Sa dahilang iyon, paano natin maaaring masabi na ang natamo ay mayrong kanyang sariling anyo?

Maaari lamang tayo mag-uusap buhat sa kung saan ang ating mga pandama ay tinalaban ng mga lumaganap na Liwanag, na siyang "ang Kanyang hangaring gumawa ng mabuti sa Kanyang mga nilalang," na dumating sa mga kamay ng mga tumatanggap sa tunay na katotohanan.

Sa parehong paraan, kung susuriin natin ang misa ang ating hipo ay makadama nito na bagay na matigas. Mapuna din natin ang haba at lapad nito, lahat ayon sa ating mga pandama. Subali't, hindi kailangang ang misa ay lumitaw sa ganoon sa taong may ibang mga pandama. Halimbawa, sa mga mata ng anghel, kung suriin nito ang misa, makikita niya ito ayon sa kanyang mga pandama. Kaya, hindi natin maaaring malaman ang alin mang anyo tungkol sa anghel, dahil hindi natin alam ang mga pandama nito.

Kung kaya, dahil wala tayong pagtamo sa Lumikha, hindi natin masabi kung aling anyo mayron ang mga mundo mula sa Kanyang perspektibo. Matamo lamang natin ang mga mundo ayon sa ating mga pandama at mga pakiramdam, dahil iyon ang Kanyang kagustuhan para sa atin  na matamo Siya sa ganoon.

Ito ang kahulugan ng "Walang pagbabago sa Liwanag." Kundi, ang lahat ng pagbabago ay nasa Kelim, ibig sabihin sa ating mga pandama. Sinusukat natin ang lahat ng bagay ayon sa ating guni-guni. Buhat nito lumabas na kung maraming tao ang sumusuri sa isang bagay espiritwal, ang bawa't isa ay tatamo ayon sa kanyang guni-guni at mga pandama, sa ganoong paraan ay makakita ng kakaibang anyo.

Sa karagdagan, ang anyo mismo ang babago sa tao ayon sa kanyang mga pag-akyat at mga pagbaba, gaya ng nasabi natin sa itaas na ang Liwanag ay Payak na Liwanag at lahat ng pagbabago ay nasa mga tumanggap lamang.

Sana ay pagkalooban tayo ng Kanyang Liwanag at sumunod sa mga pamamaraan ng Lumikha at paglingkuran Siya hindi dahil para magantimpalaan, kundi magbigay ng kasiyahan sa Lumikha at iangat ang Kabanalan buhat sa alikabok. Sana ay pagkalooban tayo ng debosyon sa Lumikha at ng pagbunyag ng Kanyang Kabanalan sa Kanyang mga nilalang.