kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Ang Pinakamahalaga Ay Ang Kagustuhang Magkaloob Lamang

Aklat na Shamati Sanaysay #30
Aking narinig sa Sabado ng Vayikra, Marso 20, 1943

Ang pinakamahalaga ay ang hindi magkagusto ng anumang bagay maliban sa pagkaloob dahil sa Kanyang kadakilaan, dahil ang anumang pagtanggap ay may depekto. Imposibleng umalis sa pagtanggap, kundi kunin lamang ang kabilang pinakamatindi, ibig sabihin ang pagkaloob.

Ang gumagalaw na lakas, ibig sabihin ang lumalawak na lakas at ang lakas na nagpumilit magtrabaho, ay ang Kanyang kadakilaan lamang. Ang tao ay dapat mag-isip na, sa bandang huli, ang mga pagpupunyagi at mga gawain ay dapat gawin, kundi sa pamamagitan ng mga lakas na ito ang tao ay makakakuha ng mangilan-ngilang benepisyo at kasiyahan. Sa ibang mga salita, ang tao ay makakapagbigay-kasiyahan sa limitadong katawan sa kanyang gawain at pagpupunyagi, na siyang ang dumadaang  bisita o ang panloob, ibig sabihin ang kanyang enerhiya ay nanatili sa eternidad.

Ito ay katulad ng taong may kakayahang magtayo ng buong bansa, at siya ay nagtayo lamang ng bahay-kubo na sinira ng malakas na hangin. Makita mo na lahat ng mga lakas ay nasayang. Subali't, kung ang tao ay mananatili sa Kedusha (Kabanalan), sa gayon lahat ng mga lakas ay mananatili sa eternidad. Mula lamang sa ganito na ang tao ay dapat tumanggap ng kanyang basehan para sa gawain, at lahat ng ibang mga basehan ay diskwalipikado.

Ang lakas ng pananampalataya ay sapat para sa tao na magtrabaho sa anyo ng pagkaloob. Ito ay nangangahulugan na ang tao ay makakapaniwala na tinanggap ng Lumikha ang kanyang gawain, kahit na ang kanyang gawain ay hindi masyadong mahalaga sa kanyang sariling paningin. Datapwa't, tinanggap ng Lumikha ang lahat. Kung ipinatungkol ng tao ang gawain sa Kanya, tanggapin Niya at gugustuhin ang lahat na mga gawain, gaano pa man ang mga iyon.

Sa ganoon, kung ang tao ay gustong gumamit ng pananampalataya sa pamamagitan ng pagtanggap, kung gayon ang pananampalataya ay hindi sapat para sa kanya. Ito ay nangangahulugan na sa panahong iyon siya ay mayroong mga pagdududa sa pananampalataya. Ang dahilan ay: na ang pagtanggap ay hindi ang katotohanan, ibig sabihin sa totoo lang, ang tao ay walang parte sa gawain; ang Lumikha lamang ang mayroon sa kanyang gawain.

Kung gayon, ang mga pagdududa ng tao ay totoo. Sa ibang mga salita, ang mga kakaibang pag-iisip na ito na lumitaw sa kanyang isipan ay totoong mga argumento. Subali't, kung ang tao ay gustong gumamit ng pananampalataya para mamuhay sa mga pamaraan ng pagkaloob, talagang siya ay walang duda sa pananampalataya. Kung ang tao ay may mga pagdududa, dapat niyang malaman na talagang wala siyang gustong mamuhay sa pamaraan ng pagkaloob, dahil sa pagkaloob, ang pananampalataya ay sapat.