kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Ang Bahagi Ay ang Pagkapukaw Mula sa Itaas

Aklat na Shamati Sanaysay #32
Aking narinig sa Terumah 4, Pebrero 10, 1943

Ang bahagi ay ang pagkapukaw mula sa Itaas, kapag ang mas mababa ay hindi tumutulong sa anumang bagay. Ito ang kahulugan ng “paghagis ng Pur,” “ang bahagi.” Si Haman ay nagreklamo at nagsabi, “ni hindi man nila sinusunod ang mga batas ng hari.” 

Ito ay nangangahulugan na ang pagkaalipin ay magsisimula para sa manggagawa sa kalagayan ng Lo Lishma (hindi para sa Kanyang Pangalan), ibig sabihin sa pagtanggap para sarili. Kaya, bakit ang Torah ibinigay sa kanila, dahil pagkatapos silang pagkalooban ng Lishma (para sa Kanyang Pangalan) at sila ay binigyan ng mga Liwanag at ng pagtatamo ng pangingibabaw? 

Saka dumating ang nagsakdal at nagtatanong, “Bakit sila binigyan nitong mga dakilang bagay na hindi nila pinaghirapan at hindi inaasahan, kundi ang kanilang bawa’t pag-iisip at mga layunin ay tanging mga bagay na may kinalaman lamang sa kanilang sariling mga pangangailangan, tinawag na Lo Lishma”? Ito ang kahulugan ng “Ang masama ay maaaring maghanda nito, pero ang makatarungan ang magsusuot nito.”

Ito ay nangangahulugan na siya ay dating gumagawa sa kalagayan ng masama, ibig sabihin Lo Lishma, pero para sa tumanggap. Pagkatapos siya ay pinagkalooban ng Lishma, ibig sabihin ang lahat na gawain ay pumapasok  sa lugar ng  Kedusha (Kabanalan), ibig sabihin lahat ng bagay para sa pagkaloob. Ito ang kahulugan ng, “ang makatarungan ang magsusuot nito.”

Ito ang kahulugan ng Purim na parang Yom Kippurim (Araw ng Pagsisisi). Purim ay ang pagkapukaw mula sa Itaas, at Yom Kippurim ay ang pagkapukaw mula sa ibaba, ibig sabihin sa pamamagitan ng pagsisisi. Subali’t, mayroon ding pagkapukaw mula sa Itaas, katugon sa mga bahagi na nandodoon, “isang bahagi para sa Panginoon, at ang ibang bahagi para sa Azazel,” at ang Lumikha ay ang tagasuri.