kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

ANG KAPAKINABANGAN SA ISANG LUPA

Aklat na Shamati, Sanaysay #34
Aking narinig sa Tevet 1942

Ito ay alam natin na walang bagay na nakikita sa tunay nitong anyo, kundi lamang sa kanyang kabaligtaran, “kasing layo ng pangingibabaw ng liwanag sa kadiliman”.  Ang ibig sabihin nito na ang lahat ng bagay ay umuukol sa iba, at sa pamamagitan ng kasalungat ng isang bagay, ang paglabas ng kasalungat nito ay maari natin makita.

Dahil dito, ito ay di-maari na maintindihan ang isang bagay sa ganap nitong kalinawan kung ang kanyang kasalungat ay nawawala.  Halimbawa: ito ay di-maari na kalkulahin at sabihin na ang isang bagay ay mabuti, kung ang kabaligtaran nito ay nawawala, na umuukol sa masama.   Ito ay kapareho ng mapait at matamis, pagmamahal at poot, pagkagutom at pagkabusog, pagkauhaw at pagkababad.  Ito ay nangangahulugan na di-maari na makamit ang pagmamahal sa pag-anib bago ang pagkakaroon ng poot sa pagkakahiwalay.

Upang magantimpalaan ng antas ng pagkapoot sa pagkakahiwalay, dapat munang malaman ng isang tao kung ano ang ibig sabihin ng pagkakahiwalay, ibig sabihin kung saan siya nakahiwalay, at sa gayon ang isang tao ay pwedeng magsabi na nais niyang itama itong pagkakalayo. Sa madaling salita, dapat munang pag-aralan kung ano at kung saan siya nahiwalay. Pagkatapos ay kaya na niyang baguhin ito at siya mismo ang makipag-ugnayan sa bagay na kung siya ay nalayo. Kung, halimbawa, ang tao ay nakakaintindi na siya ay makikinabang sa pagkikipagbuklod sa kanya, sa gayon kaya niyang akalain at malaman kung anong nawawala sa isang tao kapag siya nanatili sa pagkahiwalay.

Ang pakinabang at pagkatalo ay nasusukat ayon sa kasiyahan at pagdurusa.  Ang tao ay lumalayo sa isang bagay na nagdudulot sa kanya ng pagdurusa, at kinasusuklaman ito. Ang sukatan ng layo ay batay sa sukat ng pagdurusa.  Dahil dito, siya ay aasa sa isa, ibig sabihin ng dahil sa laki ng pagdurusa, ang tao ay magsisikap at gagawa ng lahat ng uri ng gawa para malayo mula dito.  Sa madaling salita, ang mga paghihirap ay nagdudulot ng pagkapoot sa bagay nagbibigay ng pagdurusa, at dahil doon ang tao ay lumalayo rito.

Ang kasunod nito, dapat malaman ng isang tao kung ano ang pagkakaparehas ng anyo upang malaman niya kung ano ang dapat niyang gawin para makamtan ang pagkakadikit, “na kung tawagin ay pagkakaparehas ng anyo”.  At dahil doon kanyang malalaman kung ano ang pagkakaiba ng anyo at pagkakahiwalay.

Ito ay kilala mula sa mga aklat at mula sa mga may-akda na ang Lumikha ay mabait.  Ibig sabihin na ang kanyang patnubay ay nagpapakita sa mga tao ng kabaitan, at ito ang dapat nating paniwalaan.

Dahil doon, kapag ang isang tao ay nagsusuri sa kilos ng mundo, at simulan na suriin ang kanyang sarili o ang iba, kung paano sila magdusa sa ilalim ng kalooban ng Diyos sa halip na magalak, na siyang akma sa kanyang pangalan-Mapagkalinga-ito ngayon ay mahirap para sa kanya na sabihin na ang kalooban ng Diyos ay mapagkalinga at nagbibigay ng kasaganaan.

Gayunman, dapat nating malaman na sa ganyang kalagayan, kapag hindi nila kayang sabihin na ang Lumikha ay nagbibigay lamang ng kabutihan, sila ay maituturing na makasalanan dahil ang pagdurusa ay nagdudulot sa kanila na kamuhian ang kanilang tagapaglikha.  Na kapag lamang ang Lumikha ay nagbibigay sa kanila ng saya doon lamang nila magbibigay-matwid ang Lumikha.  Ito ang sinabi ng ating mga pantas, “Sino ang banal? Siya na nagbibigay-matwid sa Lumikha”,  ibig sabihin siya na nagsasabi na ang Lumikha ang nangunguna sa mundo sa banal na paraan.

Samakatuwid, kapag ang isang tao ay nagdurusa, siya ay lumalayo sa Lumikha, buhat noon siya ay nagiging likas na may pagkamuhi sa kanya na siyang nagbibigay sa kanya ng sakit. Samakatuwid, kung saan siya dapat ay nagmahal sa Lumikha, siya ay nagiging kabaligtaran, dahil siya ngayon ay may poot sa Lumikha.

Alinsunod dito, ano ba ang dapat gawin ng isang tao para magkaroon ng pagmamahal sa Lumikha?  Sa gayong hangarin tayo ay pinagkalooban ng lunas sa pag-akit ng Torah at Mitzvot, dahil ang liwanag na ito ay nakapagpapabuti. Mayroong liwanag doon, kung saan siya ay hinahayaang maramdaman ang kabagsikan ng kalagayan sa pagkakahiwalay.  At dahan-dahang, kapag kanyang binalak na makamtan ang liwanag ng Torah, pagkapoot sa pagkakahiwalay ay lumalabas sa kanya. Simula niyang nararamdaman ang dahilan na nagdudulot sa kanya at sa kanyang kaluluwa na humiwalay at malayo mula sa Lumikha.

Sa ganito, siya dapat ay maniwala na ang kanyang patnubay ay mabuti, ngunit yamang siya ay lubog sa Pag-ibig sa sarili, ito ay naghihimok ng pagkakaiba ng anyo sa kanya, yamang mayroon doong pagtatama na kung tawagin ay para sa pagkakaloob, na kung tawagin ay “Pagkakapareho ng Anyo”.  Sa ganito lamang paraan ating matatanggap itong galak at kasiyahan.  Ang kawalan ng kakayahan upang matanggap ang galak at kasiyahan na nais ibigay ng Lumikha ay nagpapaalala sa tumatanggap ng poot sa pagkakahiwalay, at sa gayon kaya niyang mawari ang labis na kapakinabangan sa pagkakaparehas ng anyo at ang isang tao ay nagsisimulang manabik sa pagkakadikit.

Ang kinalabasan, ang bawat anyo ay nagtuturo sa iba pang anyo.  Sa ganito, ang lahat ng mga pag-baba na kung saan siya ay nakakaramdam na siya ay nakaranas ng pagkakahiwalay ay mga pagkakataon upang mawari sa pagitan ng isang bagay at sa kanyang kasalungat. Sa madaling salita, dapat niyang matutunan ang mga pakinabang ng mga pag-akyat mula sa mga pag-baba.  Sa halip, hindi niya makakakaya na pasalamatan ang kahalagahan ng pagpapalapit sa kanya ng kaitaas-taasan, at ang mga pag-akyat na ibinigay sa kanya.  Hindi niya makakayang kumuha ng kahalagahan na dapat niyang makuha, na parang siya ay binigyan ng pagkain kahit hindi nakakaramdam ng gutom.

Ang kinalabasan na ang lahat ng pagbaba, kung saan ay ang mga oras ng pagkakalayo, ay nagpakita ng kahalagahan ng pagkakadikit sa mga pag-akyat, habang ang mga pag-akyat ay nagdulot sa kanya para magalit sa mga pagbaba na ang pagkakahiwalay ay nagdudulot sa kanya.  Sa madaling salita, hindi niya kayang pangahalagahan kung gaano kasama ang mga pagbaba, kapag siya ay nagsasalita ng paninirang-puri tungkol sa kalinga ng Maykapal at hindi man lamang nakararamdam kung kanino siya naninirang-puri, upang malaman niya na dapat siyang magsisi sa kasalanang iyon.  Ang tawag dito ay “Paninirang-puri sa Lumikha”.

Sa ganito, sumunod dito na sa katiyakan na kung saan kapag siya ay mayroong dalawang anyo kaya niyang mawari ang layo sa pagitan ng bawat isa.  “Kasing layo ng pangingibabaw ng liwanag sa kadiliman”.  Sa gayon lamang kaya niyang pangahalagahan at magsaalang-alang ng batayan ng Pagkakadikit, na kung saan ang kagalakan at kasiyahan sa Isip ng Paglilikha ay maaring makuha, sa pagiging “Kanyang pagnanais na gumawa ng mabuti sa kanyang mga nilikha”.  Lahat ng bagay na nakikita ng ating mga mata ay kung ano ang gusto ng Lumikha na ating marating sa parang nararapat, sapagka’t sila ay mga paraan kung saan matatamo ang ganap na hantungan.

Ngunit, hindi napakadaling matamo ang pagkakadikit sa Lumikha.  Nangangailangan ito ng napakalaking pagsisikap at pagpupunyagi upang makamit ang pakiramdam at damdamin ng kagalakan at kasiyahan.  Bago pa iyan, siya dapat ay magbigay-matwid sa kalinga ng Diyos, maniwala sa ibabaw ng katwiran na ang Lumikha ay kumikilos sa Kabutihan sa mga nilalang, at sabihin, “Mayroon silang mata pero wala silang nakikita”.

Ang sabi ng ating mga pantas, “Si Habakkuk ay dumating at iniukol sila sa isa”, kung saan ito ay nasusulat, “Ang banal ay mabubuhay sa pamamagitan ng kanyang pananalig”.  Ang ibig sabihin na hindi niya kailangang abalahin pa ang sarili sa mga detalye, kundi itutok ang kanyang buong gawain sa isang layunin, isang kautusan, na kung saan ay ang pananalig sa Lumikha.  Ito dapat ang kanyang ipagdarasal, ibig sabihin na ang Lumikha ang tutulong sa kanya para maging mahusay sa pagsulong sa paraan ng pananalig sa ibabaw ng katwiran. Mayroong kapangyarihan sa pananalig: sa pamamagitan nito, nagkakaroon siya ng galit sa pagkakahiwalay. Ito ay maituturing na ang pananalig ang hindi tuwirang lumikha sa kanya ng galit sa pagkakahiwalay.

Nakikita natin na mayroong malaking pagkakaiba sa pagitan ng pananalig, pagkakakita, at pagkakaalam.  Isang bagay na maaring makita at malaman, kung ang isip ay mangangailangan na ito ay mabuti na gumawa ng bagay na yoon at isang beses lamang magpasiya doon, ang pasiya na yoon ay sapat na hinggil sa bagay na kanyang pinagpasiyahan na.  Ito ay ganyan dahil ang isip ay kasama niya sa bawat gawa para hindi sirain kung ano ang sinabi ng kanyang isip, at hayaan siyang maintindihan ng isang daang porsiyento, hanggang sa kalawakan na ang isip ang nagdala sa kanya sa pasiya na kanya ng sinapit.

Gayunman, ang pananalig ay isang bagay na maaring pagkasunduan.  Sa madaling salita, magagapi niya ang isip at sabihing na siyang tunay ay mahalaga na gumawa na kailangan ng pananalig-sa ibabaw ng katwiran. Dahil dito, pananalig sa ibabaw ng katwiran ay kapaki-pakinabang lamang habang ginagawa, kapag siya ay naniniwala.  Pagkatapos noon doon lamang siya nakahanda na magsikap sa ibabaw ng katwiran sa gawain.

Kung pag-uusapan, kapag iniwan niya ang pananalig sandali, ibig sabihin kapag ang pananalig ay nanghina sa maikling sandali, agad-agad niyang tinitigil ang Torah at ang gawa.  Ito ay hindi nakakatulong sa kanya na sa sandaling oras na nakalipas tinangan niya mismo ang pasanin ng pananalig sa ibabaw ng katwiran.

Gayunman, kapag kanyang nakita sa kanyang isip na ito ay masamang bagay para sa kanya, na ito ay isang bagay na mapanganib sa kanyang buhay, hindi niya kailangan pa ng paulit-ulit na mga paliwanag at mga pangangatwiran kung bakit ito ay isang mapanganib na bagay.  Higit pa, yamang siya minsan ay ganap na naunawaan sa kanyang isip na dapat niyang pagsanayan ang mga bagay na ito, na kung saan ang isip ay tiyak na nagsasabi sa kanya kung ano ang masama at kung ano ang mabuti, siya ngayon ay sumusunod sa pasiyang yaan.

Ating makikita ang pagkakaiba na umiiral sa pagitan kung ano ang kailangan ng isip at kung ano lamang ang kinakailangan ng pananalig, at kung ano ang dahilan na kapag ang isang bagay ay batay sa pananalig, kailangan nating palaging tandaan ang anyo ng pananalig, kung hindi siya ay mahuhulog mula sa kanyang antas patungo sa lagay ng pagkakasala. Ang mga kalagayan na ito ay maaring mangyari kahit sa isang araw; siya ay maaring mahulog mula sa kanyang antas ng maraming beses sa isang araw dahil ito ay di-maari na ang pananalig sa ibabaw ng katwiran ay hindi titigil kahit sa isang sandali habang sa isang araw.

Kailangan nating malaman na ang dahilan sa pagkakalimot sa pananalig ay nagmumula sa katotohanang na ang pananalig sa ibabaw ng katwiran at ang isip ay tutol sa lahat ng pagnanais ng katawan. Dahil ang mga pagnanais ng katawan ay galing sa pamamagitan ng sariling katangiang nakatatak sa atin, na ang tawag ay “ang kagustuhang tumanggap”, kahit sa isip o sa puso, dahil dito, ang katawan ay palaging lumalapit sa ating katangian. Kapag lamang ay kumapit sa pananalig ay mayroon itong kapangyarihan dalhin siya sa labas ng mga pagnanasa ng katawan at pumaroon sa ibabaw ng katwiran, ibig sabihin laban sa katwiran ng katawan.

Dahil dito, sa bawat oras kapag siya ay nagsisimulang magtama ng kapintasan ng paninirang-puri sa patnubay ng Diyos siya ay nakakakamit ng galit sa pagkakahiwalay.  At sa pamamagitan ng galit na kanyang nararamdaman sa pagkakahiwalay siya ay dumadating sa pag-ibig sa pagkakadikit.  Sa madaling salita, hanggang sa lawak na siya ay naghihirap habang nakahiwalay, kaya siya ay lumalapit sa pagkakadikit sa Lumikha.  Gayon din, hanggang sa lawak na siya ay nakararamdam na ang kadiliman ay masama, siya ay nakakaramdam na ang pagkakadikit ay isang mabuting bagay.  Sa gayon nalalaman niya kung paano pahalagahan ito kapag siya ay nakatatanggap ng pagkakadikit, sa oras na iyon, at ngayon malalaman niya kung paano ito kalugdan.

Ngayon kaya nating makita na ang lahat ng paghihirap na nangyari sa mundo ay siya lamang paghahanda para sa tunay na paghihirap.  Ito ay ang mga paghihirap na dapat niyang maabot, o siya ay hindi makakakuha ng kahit anong espirituwal, sapagka’t walang liwanag kapag walang lalagyan.  Ang mga paghihirap na ito, ang tunay na paghihirap, na kung tawagin ay “paghahatol ng patnubay ng Diyos at paninirang-puri”.  Ito ang kung ano dapat niyang ipagdasal, para hindi siraan ang patnubay ng Diyos, at ito ang mga paghihirap na tinatanggap ng Lumikha.  Ito ang ibig sabihin ng kasabihan na ang Lumikha ay nakakarinig ng dasal ng bawat bibig.

Ang kadahilanan na ang Lumikha ay tumutugon sa mga paghihirap na ito sapagka’t siya ngayon ay hindi humingi ng tulong para sa kanyang sariling sisidlan ng pagtanggap, sapagka’t kaya nating sabihin na kung ang Lumikha ay magkaloob sa kanya ng lahat ng bagay ng kanyang hilingin, maaring magdala sa kanya papalayo mula sa Lumikha dahil sa pagkakaiba ng anyo na dapat niyang samakatwid ay matamo.  Higit pa, ito ay para sa kasalungat: siya ay humihingi ng pananalig, para ang Lumikha ay magbigay sa kanya ng lakas para magwagi at magantimpalaan ng pagkakaparehas ng anyo, dahil kanyang nakikita na sa hindi pagkakaroon ng palagiang pananalig, ibig sabihin kapag ang pananalig ay hindi lumiwanag para sa kanya, siya ay dumadating sa mga pag-iisip ng pag-aalinlangan tungkol sa patnubay ng Diyos.

Sa gayon, bilang ganti, ay nagdadala sa kanya sa kalagayan na ang tawag ay “masama”, kapag kanyang sumpain ang Tagapag-likha.  Ang kinalalabasan nito na kung ano ang nakasakit sa kanya ay doon siya dapat nagbigay papuri sa Lumikha, na ang sinasabi “Siya ang Banal na ang naglikha sa atin sa kanyang kaluwalhatian”, ibig sabihin na ang mga nilalang ay gumagalang sa Lumikha, nakikita niya na ang kilos ng mundo ay di-nababagay para sa kanyang kaluwalhatian, sapagkat ang bawat isa ay dumadaing at nangangailangan na una ay dapat bukas ang patnubay ng Diyos na ang Lumikha ang nangunguna sa mundo sa kabaitan.  Dahil sa ito ay hindi bukas, kanilang sinasabi na ang Patnubay ng Diyos ay hindi nagbibigay luwalhati sa kanya, at yoon ay nagbibigay sakit sa kanya.

Sa ganito, sa pamamagitan ng mga paghihirap ng kanyang nararamdaman, siya ay pinipilit na manirang-puri.  Dahil dito, kapag siya ay humihingi sa Lumikha upang bigyan siya ng lakas ng pananalig at upang magantimpalaan ng kabutihan, ito ay hindi dahil nais niyang makatanggap ng mabuti para lamang siya ay masiyahan.  Lalo pa, ito ay para hindi na siya manirang-puri; ito ang nagpapasakit sa kanya.  Para sa kanya, nais niyang maniwala sa ibabaw ng katwiran na ang Lumikha ang nangunguna sa mundo sa kabaitan, at nais niya na ang kanyang pananalig ay pumirmi sa pakiramdam na parang ito ay sa loob ng katwiran.

Sa gayon, kapag siya ay nagsasanay ng Torah at Mitzvot nais niyang abutin ang Liwanag ng Diyos na hindi para sa kanyang pakinabang, ngunit dahil hindi niya kayang dalhin ang hindi pagkakaroon ng kakayahan para mangatwiran ang kanyang kalooban, na kung saan ay nasa kabutihan.  Nagbibigay sakit ito sa kanya dahil kanyang nilalapastangan ang pangalan ng Diyos, na ang pangalan ay Kabutihan, at sa ibang paraan kailanganin ng kanyang katawan.

Ito ang lahat ng nagbibigay sakit sa kanya dahil sa pagiging sa karanasan ng pagkakahiwalay, hindi niya kayang pangatwiranan ang kanyang patnubay.  Ito ay maituturing na pagkapoot ang kalagayan ng pagkakahiwalay.  At kapag kanyang naramdaman ang pagdurusang ito, maririnig ng Lumikha ang kanyang dasal, magdadala sa kanya papalapit sa kanya, at siya ay magagantimpalaan ng pagkakadikit.  Ito ay dahil ang mga sakit na kanyang naramdaman dahil sa pagkakahiwalay ay magdudulot sa kanya ng gantimpala sa pagkakadikit; pagkatapos ito ang sinabi, “Kasing layo ng liwanag sa kadiliman”.

Ito ang ibig sabihin ng “ang pakinabang sa isang lupain sa lahat ng paraan”.   Ang lupa ay nilikha; lahat ng paraan ang ibig sabihin na sa pamamagitan ng pakinabang, ibig sabihin kapag ating nakita ang pagkakaiba sa pagitan ng kalagayan ng pagkakahiwalay at ang kalagayan ng pagkakadikit, sa ganung paraan tayo ay nabibigyan ng pagkakadikit kasama ang bawat, dahil ang Lumikha na kung tawagin “ang pinanggalingan ng lahat ng bagay”.