Ang Aklat ng Shamati, Sanaysay #4
Aking narinig sa Shevat 12, Pebrero 6, 1944
Dapat nating malaman ang dahilan sa kabigatang madama kung ang tao ay gustong gumawa ng anulasyon sa kanyang sarili sa harap ng Lumikha, at ibale-wala ang kanyang sariling kapakanan. Ang tao ay dumating sa kalagayang parang ang buong mundo ay huminto, at siya lang mag-isa ay ngayon parang wala sa mundong ito at iniwan ang kanyang pamilya at mga kaibigan alang-alang sa anulasyon sa harap ng Lumikha.
Mayroon lang payak na dahilan para dito, tinawag na "kakulangan ng paniniwala." Ito ay mangangahulugan na hindi makita ng tao sa harap kanino siya magpawalang-saysay, ibig sabihin ang tao ay hindi makadama ng pag-iiral ng Lumikha. Ito ang magdulot sa kanya ng kabigatan.
Subali't, kung ang tao ay magsimulang makadama ng pag-iiral ng Lumikha, ang kanyang kaluluwa ay agad-agad maghangad maging napawalang-saysay at naugnay sa ugat, na maging kasama nito tulad ng kandela sa harap ng sulo, walang kahit alin mang isip at rason. Subali't, ito ay kusang dumating sa tao, gaya ng kandela na napawalang-saysay sa harap ng sulo.
Kaya nga maunawaan natin na ang diwa ng gawain ng tao ay sa pagdating sa pakiramdam ng pag-iiral ng Lumikha, mangangahulugang makaramdam sa pag-iiral ng Lumikha, na "ang buong mundo ay puno ng Kanyang kaluwalhatian." Ito ang maging kabuuan ng gawain ng tao, mangangahulugang lahat ng lakas na kanyang nilagay sa gawain ay para lamang makamit iyan at hindi para sa alin mang ibang mga bagay.
Ang tao ay dapat hindi maligaw papunta sa pag-intindi na makamit ang anumang bagay. Kundi, mayroon lang isang bagay na kailangan ng tao, gaya ng paniniwala sa Lumikha. Hindi siya dapat mag-isip ng anuman, mangangahulugan na ang nag-iisang gantimpala na kanyang gusto para sa kanyang gawain ay dapat na magantimpalaan ng paniniwala sa Lumikha.
Dapat nating malaman na walang pagkakaiba sa pagitan ng maliit na iluminasyon at ng malaki, na matamo ng tao. Ito ay dahil sa walang pagbabago sa Liwanag. Kundi, lahat ng mga pagbabago ay nasa mga sisidlan na magtanggap ng kasaganaan, gaya ng naisulat, "Ako ang Panginoon ay hindi magbago." Kaya, kung maaaring palakihin ng tao ang kanyang mga sisidlan, sa lawak na mapalaki niya ang luminesensya.
Gayun pa man, ang tanong ay, sa ano maaaring mapalaki ng tao ang kanyang mga sisidlan? Ang sagot ay, sa lawak na ang tao ay magpuri at magpasalamat sa Lumikha sa pagdala niya mas malapit sa Kanya, kaya ang tao ay makadama Niya ng kaunti at mag-isip sa kahalagahan ng bagay, mangangahulugan na siya ay ginantimpalaan mangilan-ngilan ng ugnayan sa Lumikha.
Gaya ng panukat ng kahalagahan na inilarawan ng tao para sa kanyang sarili, gayun din ang panukat ng luminesensya na tumubo sa kanya. Dapat malaman ng tao na siya ay hindi kailan man makarating sa pag-alam ng tunay na panukat ng kahalagahan ng ugnayan sa pagitan ng tao at ng Lumikha dahil ang tao ay hindi maaaring makatantya sa kanyang tunay na halaga. Sa halip, gaano man pinahalagahan ito ng tao, sa ganoon niya makamit ang halaga at importansya nito. Mayroong lakas diyan, dahil ang tao ay maaaring palagiang pagkalooban ng luminesensyang ito.