kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

PANANAMPALATAYA SA RAV, ANO ANG SUKATAN

Aklat na Shamati, Sanaysay #40
Aking narinig sa 1943

           Ito ay ating alam na riyan ay may isang kanang landas at isang kaliwang landas.  Kanan ay galing mula sa salitang ang tama, tumutukoy sa taludtod, “At siya ay sumampalataya sa Panginoon”.   Ang sinasabi ng Targum, kanan, kapag ang Rav ay nagsasabi sa alagad upang piliin ang tamang landas.

            Kanan ay karaniwang tinatawag na “kabuuan”, at kaliwa, “kakulangan”, na ang mga pagwawasto ay nawawala doon.  Sa ganyang kalagayan ang alagad ay kailangang maniwala sa mga salita ng kanyang Rav, na nagsasabi sa kanya na para lumakad sa kanang linya, na tinatawag na “kabuuan”.

            At ano ang “kabuuan” batay sa kung alinman ang alagad ay dapat lumakad?  Ito ay upang ang isang tao ay dapat maglarawan sa sarili na parang ang isang tao ay nagantimpalaan na ng buong pananampalataya sa Lumikha, at nararamdaman na sa kanyang mga bahagi na ang Lumikha ay namumuno sa buong mundo sa anyo ng “Mabuti na Gumawa ng Mabuti”, ibig sabihin na ang buong mundo ay tumatanggap lamang ng mabuti mula sa Kanya.

            Gayunman, kapag ang isang tao ay tumitingin sa sarili, nakikita niya na siya ay kaawa-awa at naghihirap.  Bukod pa, kapag siya ay nagsisiyasat sa mundo, kanyang nakikita na ang buong mundo ay nagdurusa, ang bawat isa ayon sa kanyang antas.

            Ang isang tao ay dapat magsalita tungkol diyan, “Sila ay mayroong mga mata at walang nakikita”.  Ibig sabihin nito na habang ang isang tao ay napapaloob sa maraming mga autoridad, na tinatawag na sila, hindi nila makikita ang katotohanan.  Ano ang maraming mga autoridad? Habang ang isang tao ay mayroong dalawang hangarin, kahit na ang isang tao ay naniniwala na ang buong mundo ay pag-aari ng Lumikha, ngunit mayroon pag-aari ang tao, din.

            Sa katotohanan, ang isang tao ay kailangang ipawalang-bisa ang kanyang autoridad bago sa autoridad ng Lumikha, at sabihin na ang isang tao ay hindi na nais pang mabuhay para sa sarili, at ang tanging dahilan na ang isang tao ay nais pang mabuhay ay upang magdala ng kasiyahan sa Lumikha.  Samakatwid, sa pamamagitan niyan ang isang tao ay nagpapawalang-bisa ng kanyang autoridad ng lubusan, at pagkatapos ang isang tao ay makikita sa iisang autoridad, sa katauhan ng autoridad ng Lumikha.  Lamang sa panahong iyon maaring ang isang tao ay makikita ang katotohanan, kung paano ang Lumikha ay namumuno sa mundo sa pamamagitan ng katangian ng kabaitan.

            Ngunit habang ang isang tao ay nasa maraming mga autoridad, ibig sabihin kapag siya hanggang ngayon ay may dalawang hangarin sa kapwa isip at puso, ang isang tao ay walang lakas para makita ang katotohanan.  Sa halip, ang isang tao ay dapat tumungo sa ibabaw ng katwiran at sabihing, “sila ay mayroong mga mata”, ngunit hindi nila makita ang katotohanan.

            Ang kasunod nito na kapag ang isang tao ay magsaalang-alang sa sarili, at gustuhin na malaman kung ang isang tao ngayon ay nasa oras ng pagbaba o sa oras ng pagtaas, ang isang tao ay hindi maaring malaman iyon alinman.  Ang ibig sabihin nito kapag ang isang tao ay nag-iisip na siya ay nasa kalagayan ng pagbaba, at iyon din ay hindi tama, dahil siya maari ay nasa kalagayan ng pagtaas ngayon, ibig sabihin nakikita niya ang tunay na kalagayan, kung gaano siya kalayo mula sa Banal na Gawain. Samakatwid, ang isang tao ngayon ay mas lumapit na sa katotohanan.

            At ito ay maaring sa kasalungat, na ngayon ang isang tao ay nakakaramdam na ang isang tao ay nasa kalagayan ng kagalakan, kapag sa katunayan ang isang tao ngayon ay pinigil ng pagtanggap para  sa sarili, na tinatawag na “isang pagbaba”.

            Lamang ang isang tao na nasa iisang autoridad ay maaring umintindi at malaman ang katotohanan.  Dahil dito, ang isang tao ay dapat magtiwala sa palagay ng kanyang Rav at maniwala kung ano ang sinasabi ng kanyang Rav sa kanya.  Ang ibig sabihin nito na ang isang tao ay dapat tumungo katulad ng sinabi ng kanyang Rav na gawin.

            At kahit na ang isang tao ay nakakakita ng maraming mga pangangatwiran, at nakakakita ng maraming mga aral na hindi tumatahak kaparehas ng palagay ng kanyang Rav, ang isang tao ay dapat gayon pa man magtiwala sa palagay ng kanyang Rav at sabihin kung ano ang kanyang naiintindihan at ano ang kanyang nakikita sa ibang mga aklat na hindi umuugnay sa palagay ng kanyang Rav, ang isang tao ay dapat magsabi na habang siya ay nasa maraming mga autoridad, di-maari niyang maintindihan ang katotohanan.  Ang isang tao ay di-maaring makita kung ano ang nasusulat sa ibang mga aklat, ang katotohanan na kanilang sinasabi.

            Ito ay ating alam na kapag ang isang tao hanggang ngayon ay hindi pa rin nalinis, ang kanyang Torah ay magiging isang posiyon ng kamatayan sa kanya. At bakit ito ang sinasabi, “Hindi nagantimpalaan, ang kanyang Torah ay magiging posiyon ng kamatayan sa kanya”? Ito ay dahil ang lahat ng aral na kanyang natututunan o naririnig ay hindi magdudulot sa kanya ng ano mang pakinabang para lumikha sa isang tao ng lakas para magdulot ng pagkakita sa buhay, na Dvekut (Pagkakadikit) sa Buhay ng mga Buhay.  Sa kasalungat, ang isang tao ay nahihila palagi ng mas malayo mula sa Buhay ng mga Buhay, sapagka’t lahat na iyon na ginagawa ng isang tao ay para lamang sa mga pangangailangan ng katawan, na tinatawag na “tumatanggap para sa sarili”, na maituturing na pagkakahiwalay.

            Ang ibig sabihin nito na sa pamamagitan ng kanyang mga gawa, ang isang tao ay nagiging mas nakahiwalay mula sa Buhay ng mga Buhay, at ito ay tinatawag “ang posiyon ng kamatayan”, sapagka’t ito ay nagdadala sa kanya ng kamatayan at hindi buhay.  Ibig sabihin nito na ang isang tao ay nagiging lubhang mas malayo mula sa pagkakaloob, na tinatawag na “pagkakapareho ng uri sa Lumikha”, sa paraan ng, “Yamang siya ay Maawain, gayon din ikaw ay maawain”.

            Alam din dapat natin na kapag ang isang tao ay abalang-abala sa kanan, ang oras ay tama para maggawad sa kaitaas-taasang kagandahang-loob, dahil “ang banal ay dumidikit sa banal”.  Sa madaling salita, sapagka’t ang isang tao ay nasa kalagayan ng kabuuan, na tinatawag na “banal”, sa ganyang bagay ang isang tao maya-maya ay may pagkakaparehas ng uri, sapagka’t ang tanda ng kabuuan ay kung ang isang tao ay nasa kagalakan.  Kung hindi, diyan ay walang kabuuan.

Ito ay katulad ng sinabi ng ating mga pantas, “Ang pagka-diyos ay hindi mananatili maliban lamang mula sa kagalakan sa isang Mitzva”.  Ang kahulugan ay na ang katwiran na ito ay nagdudulot sa isang tao ng tuwa ay ang Mitzva, ibig sabihin na ang Rav ang nag-utos sa kanya upang tanganan ang kanan na linya.

            Ang kasunod nito kapag ang isang tao ay nagpapanatili ng mga kautusan ng Rav, kapag siya ay nag-ukol ng isang naiibang oras para maglakad sa kanan at isang naiibang oras para maglakad sa kaliwa.  Ang kaliwa ay sumasalungat sa kanan, sapagka’t ang kaliwa ay nangangahulugan kapag ang isang tao ay kumakalkula para sa kanyang sarili at magsimula para suriin kung ano ang kanyang nakamit na sa gawain ng Diyos, at kanyang nakikita na siya ay mahirap at nangangailangan.  Samakatwid, paano ang isang tao ay maaring nasa kabuuan?

            Hanggang ngayon, ang isang tao ay tumutungo sa ibabaw ng katwiran dahil sa kautusan ng Rav.  Ang kasunod nito na ang kanyang buong kabuuan ay ginawa sa ibabaw ng katwiran, at ito ay tinatawag na “pananalampalataya”.  Ito ang kahulugan ng, “sa bawat lugar kung saan Ako ay nagdulot sa aking pangalan para mabanggit ako ay lalapit sa iyo at bibiyayaan kita”.  “Sa bawat lugar” ibig sabihin kahit na ang isang tao ay hindi karapat-dapat sa isang biyaya, gayon man, aking binibigay ang Aking biyaya, dahil ikaw ay gumawa ng isang lugar, ibig sabihin isang lugar ng kagalakan, na kung saan Kaitaas-taasang Liwanag ay makikita.