kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

ANO ANG KADAKILAAN AT KALIITAN SA PANANAMPALATAYA

Aklat na Shamati, Sanaysay #41
Aking narinig sa gabi kasunod ang pista ng Passover, Marso 29, 1945

Ito ay nasusulat, “at sila ay naniwala sa Panginoon, at sa Kanyang alagad na si Moises.”  Dapat nating malaman na ang mga Liwanag ng Pesach (Passover) ay mayroong kapangyarihan na magbigay ng Liwanag ng pananampalataya.  Hanggang ngayon, huwag isipin na ang Liwanag ng pananampalataya ay isang maliit na bagay, dahil ang kadakilaan at kaliitan ay depende lamang sa mga tumatanggap.

            Kapag ang isang tao ay hindi lumalakad sa paraan ng katotohanan, ang isang tao’y nag-iisip na siya ay may labis na pananampalataya, at sa sukatan ng pananampalataya na mayroon siya, kaya niyang ipamahagi sa iba’t ibang tao, at pagkatapos sila ay magiging takot at mabuti.

            Gayunman, ang isang tao na may kagustuhan para magsilbi sa Lumikha ng tunay, at patuloy na sinusuri ang sarili, kung siya ay handa para magsilbi ng tapat “at sa lahat ng iyong puso,” nakikita niya na siya ay palaging may kulang sa pananampalataya, ibig sabihin siya ay palaging kapos dito.

            Kapag lamang ang isang tao ay may pananampalataya ang isang tao ay makakaramdam na siya ay palaging nakaupo sa harapan ng Hari.  Kapag ang isang tao ay nakakaramdam ng kadakilaan ng Hari, ang isang tao ay makakatuklas ng pag-ibig sa dalawang paraan: sa isang mabuting paraan, at sa isang paraan ng malupit na paghuhusga.  Dahil dito, ang isang tao na naghahanap sa katotohanan ay ang taong nangangailangan ng Liwanag ng pananalampalataya. Kung ang ganitong tao ay nakakarinig o nakakakita ng alinmang paraan upang makamit ang Liwanag ng pananampalataya, sa panahong iyon ang isang tao ay masaya na parang siya ay nakakita ng isang mahalagang kayamanan.

            Dahil dito, ang mga tao na naghahanap ng katotohanan, sa kapistahan ng Pesach, na may kakayahan ng Liwananag ng pananampalataya, ating nabasa sa Parasha (bahagi ng Torah), “at sila ay naniwala sa Panginoon, at sa Kanyang alagad na si Moises,” dahil  sa panahong iyon ay ang oras na maibibigay iyan.